Ipinopropesiya ng Pahayag, “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7). Binabanggit lahat ng mga talatang ito na ang Panginoon ay magpapahayag ng higit pang mga salita sa atin at gagamitin ang Kanyang mga salita upang kumatok sa mga pintuan sa ating mga puso kapag bumalik Siya sa mga huling araw. Ibig sabihin, ang pinakamahalagang bagay upang batiin ang Panginoon ay dapat tayong makinig sa tinig ng Diyos para makilala ang Kanyang tinig, sapagkat sa pamamagitan lamang nito maaari nating masalubong ang Panginoon. Sa gayon, alam mo ba kung paano makilala ang tinig ng Diyos? Nasa ibaba ang apat na landas kung paano makilala ang tinig ng Diyos.
Month: Abril 2021
Paano Marinig ang Tinig ng Diyos at Salubungin ang Panginoon
Ngayon ang malalaking sakuna ay nangyayari at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay malawakang natutupad. Sa lahat ng dako ng buong mundo, ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos lamang ang hayagan na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na bilang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, na nagpahayag ng milyun-milyong salita at nagsasagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos. Matapos mabasa ng maraming tunay na mananampalataya sa Diyos ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, narinig nila ang tinig ng Diyos at sinalubong ang Panginoon. Ngunit ang ilang mga tao ay hindi agad na naghahanap o nag-iimbestiga, iniisip, “Tanging ang Siyang nagpapakita lamang ng mga palatandaan at kababalaghan ang Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay hindi nagpapakita ng mga palatandaan at kababalaghan, kaya’t paanong Siya ang nagbalik na Panginoong Jesus?” Naisip ba natin na kung ang mga nagpapakita ng mga palatandaan at kababalaghan ay Diyos tulad ng iniisip natin, hindi ba ang mga salamangkero at mangkukulam, na maaaring magpakita ng mga himala at gumagawa ng pangkukulam, nagpapakita bilang Diyos matapos silang magtanghal ng ilang higit sa pangkaraniwan na mga palatandaan at kababalaghan? Ipinapakita nito na kung ito man ay ang pagbabalik ng Panginoon, hindi matutukoy sa kung ang isang tao ay maaaring magpakita ng mga palatandaan at kababalaghan.
Sa katunayan, sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6). Upang masukat kung ito ay Diyos, dapat nating makita kung maaari Niyang ipahayag ang katotohanan. Ang Siyang maaaring magpahayag ng katotohanan ay tanging ang Diyos at ang mga hindi ito kayang gawin ay hindi Diyos. Malinaw na sinabi sa atin ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27). Iprinopesiya ng maraming beses ng mga Kabanata 2 at 3 ng Aklat ng Pahayag: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Makikita natin mula rito na sa pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw, ipapahayag Niya ang katotohanan at ang mga salitang sinalita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia. Ang pinakamahalagang bagay upang masalubong ang Panginoon ay dapat nating marinig ang tinig ng Diyos. Lahat ng mga makaririnig sa tinig ng Diyos ay maaaring masalubong ang Panginoon at dumalo sa piging kasama ng Panginoon. Kung gayon paano natin maririnig ang tinig ng Diyos? Paano natin matitiyak na ang mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos ay ang tinig ng Diyos? Mangyaring basahin ang sumusunod.
Nakikita ng Diyos ang Tapat na Pagsisisi sa Kaibuturan ng mga Puso ng mga Taga-Ninive
Ang Malinaw na Pagkakaiba ng Reaksyon ng Ninive at Sodoma sa Babala ng Diyos na si Jehova
Ano ang ibig sabihin ng mapabagsak? Sa pangkaraniwang termino, ang ibig sabihin nito ay ang di na pag-iral. Ngunit sa paanong paraan? Sino ang makapagpapabagsak sa isang buong lungsod? Siyempre, imposibleng magawa ng tao ang gayong gawain. Hindi mga hangal ang mga taga-Ninive; sa sandaling narinig nila ang pahayag na ito, nakuha na nila ang ideya. Alam nila na mula ito sa Diyos; alam nila na isasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain; alam nila na ang kanilang kasamaan ang nagpasiklab sa poot ng Diyos na si Jehova at nagdala ng Kanyang galit sa kanila, nang sila ay mapuksa kasama ng kanilang lungsod sa madaling panahon. Paano kumilos ang mga mamamayan ng lungsod matapos nilang marinig ang babala ng Diyos na si Jehova? Inilalarawan ng Biblia sa tiyak na detalye ang naging reaksyon ng mga tao, mula sa kanilang hari hanggang sa mga pangkaraniwang tao. Nakatala ang mga sumusunod na salita sa Kasulatan: “At ang bayan ng Ninive ay sumampalataya sa Diyos; at sila’y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila. At ang mga balita ay dumating sa hari ng Ninive, at siya’y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at nagbalot siya ng kayong magaspang, at naupo sa mga abo. At kaniyang inihayag at iniatas sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag tumikim maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anumang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig; Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at manangis silang mainam sa Diyos: oo, talikdan ng bawa’t isa ang kaniyang masamang gawi, at ang karahasan na nasa kanilang mga kamay.”
Matapos marinig ang pahayag ng Diyos na si Jehova, ang mga mamamayan ng Ninive ay nagpakita ng pag-uugali na lubos na kabaligtaran ng sa mga taga-Sodoma—habang ang mga mamamayan ng Sodoma ay hayagang kinalaban ang Diyos at nagpapatuloy sa paggawa ng kasamaan, ang mga taga-Ninive naman, matapos marinig ang mga salitang ito, ay hindi binalewala ang bagay na ito, ni tinanggihan man; sa halip, naniwala sila sa Diyos at nagdeklara ng pag-aayuno. Ano ang kahulugan ng “naniwala” rito? Ang mismong salita ay nagpapahiwatig ng pananampalataya at pagpapasakop. Kung gagamitin natin ang mismong ginawa ng mga taga-Ninive upang ipaliwanag ang salitang ito, nangangahulugan ito na naniwala sila na gagawin at kayang gawin ng Diyos ang Kanyang sinabi, at nakahanda silang magsisi. Ang mga taga-Ninive ba ay nakadama ng takot sa harap ng nalalapit na kapahamakan? Ang kanilang paniniwala ang nagdulot ng takot sa kanilang mga puso. Kaya naman, ano ang magagamit natin upang patunayan ang paniniwala at takot ng mga taga-Ninive? Tulad ng sinasabi sa Biblia: “… sila’y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila.” Sinasabi nito na ang mga taga-Ninive ay tunay na naniwala, at nagdulot ng takot ang paniniwalang ito, na humantong sa pag-aayuno at pagsusuot ng magaspang na damit. Ganito nila ipinakita na nagsisimula na silang magsisi Ibang-iba sa mga taga-Sodoma, hindi lamang sa hindi nilabanan ng mga taga-Ninive ang Diyos, malinaw din nilang ipinakita ang kanilang pagsisisi sa pamamagitan ng kanilang asal at mga kilos. Siyempre, ito ay isang bagay na ginawa ng lahat ng mamamayan ng Ninive, hindi lamang ng karaniwang mamamayan–kabilang din ang hari.
Hindi pa natin nasisiguro kung nasa lupa o nasa langit ang kaharian ng Diyos. Maraming beses nang nagsalita ang Panginoong Jesus ng “malapit na ang kaharian ng langit” at “Dumarating ang kaharian ng langit.” Kung “kaharian ng langit,” ibig sabihin nasa langit ‘yon. Pa’no ‘yon napunta sa lupa?
Sagot: Kailangang maging malinaw sa ‘ting lahat na ang “langit” ay laging tumutukoy sa Diyos. Ang “kaharian ng langit” ay malinaw na tumutukoy sa kaharian ng Diyos. Inihahayag din sa Pahayag, “ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao,” “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo.” Ibig sabihin no’n, itatatag sa lupa ang kaharian ng Diyos. Sa huli, magiging kaharian ng Diyos ang mga kaharian sa lupa. Matapos masira ang lumang mundo sa malalaking sakuna, lilitaw ang Milenaryong Kaharian. Ang mga kaharian sa lupa ay magiging mga kaharian ng ating Panginoon at ng Kanyang Kristo. At matutupad na ang kalooban ng Diyos sa lupa gaya ng sa langit. Yon ang ganap na tutupad sa propesiyang: Darating sa lupa ang bagong Jerusalem. Naging tao ang Diyos at isinasagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw para tapusin ang madilim at masamang henerasyong ito. Lahat ng nakakarinig sa tinig ng Diyos at nadala sa Kanyang trono ay magiging perpekto at mananagumpay. At magsisimula na ang malalaking sakuna. Tanging ang mga nalinis na at nailigtas ng gawa ng Diyos sa mga huling araw ang mananatili. Sila ang magiging mamamayan ng kaharian ng Diyos. Tayo ang pinakapinagpala ngayon dito para tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Tayong mapapalad na nakarinig sa tinig ng Diyos at naiakyat sa harap ng Kanyang trono ay lilinisin sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita, at magiging mga mananagumpay bago ang mga sakuna, ang mga unang bunga na nakamit ng Diyos. Tapos ipapadala na ng Diyos ang malalaking sakuna. Lahat ng lumalaban sa Diyos, gano’n din ang lahat ng masasamang hindi nananampalataya ay malilipol sa malaking sakuna. Lahat ng nalinis at ginawang perpekto ay makakatanggap ng proteksyon ng Diyos habang nagaganap ang sakuna, at sila’y makakaligtas. Pag bumaba na ang Diyos sa alapaap at magpakita sa lahat, pupunta ang Diyos sa Kanyang kaharian sa lupa. Yon ang malapit nang tuparin ng Diyos. Kung tayong mga sumasampalataya ay hindi makita ang pangitaing ito, hindi ba tayo bulag? Yung mga tumitingala lang sa langit at naghihintay na bumaba mula sa alapaap ang Panginoon ay tatangis at magngangalit ang mga ngipin kung talagang bumabalik na Siya mula sa mga ulap. Kagaya lang ‘yon ng mga propesiyang nasasaad sa Pahayag: “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa” (Pahayag 1:7). Ang mga taong hindi nakakarinig sa tinig ng Diyos bago ang mga sakuna at nabigong madala sa harap ng Kanyang trono ay magagapi sa mga sakuna at mapaparusahan doon, tataghoy at magngangalit ang kanilang mga ngipin.
Unang nilikha ng Diyos ang tao sa lupa. Ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, dito rin sa lupa. Sa huli, ililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, dito rin sa lupa. Nagawa ang lahat ng ito sa lupa hanggang sa lumitaw ang kaharian ni Cristo sa lupa. Samakatwid, itatayo sa lupa ang kaharian ng Diyos sa mga huling araw. Ang huling destinasyon ng sangkatuhan ay sa lupa, hindi sa langit. Itinakda na ‘yan ng Diyos. Basahin natin ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na posisyon, at ang bawa’t tao ay babalik sa kani-kanyang lugar. Ito ang mga hantungan na kani-kanyang tatahanan ng Diyos at ng tao sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may hantungan ng Diyos, at ang tao ay may hantungan ng tao. Habang nagpapahinga, ang Diyos ay patuloy na gagabay sa buong sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa lupa. Habang nasa liwanag ng Diyos, ang tao ay sasamba sa isang tunay na Diyos sa langit. … Kapag ang sangkatauhan ay pumasok tungo sa kapahingahan, ito ay nangangahulugang naging isang tunay na likha ang tao; ang sangkatauhan ay sasamba sa Diyos mula sa ibabaw ng lupa at magkakaroon ng mga normal na buhay ng tao. Ang mga tao ay hindi na magiging suwail sa Diyos o lalaban sa Diyos; sila ay babalik sa orihinal na buhay ni Adan at Eba. Ito ang kanya-kanyang mga buhay at mga hantungan ng Diyos at sangkatauhan pagkatapos nilang pumasok sa kapahingahan. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang hindi-maiiwasang pangyayari sa digmaan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas. Sa ganitong paraan, ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan pagkatapos na gawing ganap ang Kanyang gawaing pamamahala at ganap na kaligtasan ng tao at pagpasok sa kapahingahan ay hindi rin maiiwasang mga pangyayari. Ang lugar ng kapahingahan ng tao ay nasa lupa, at ang lugar ng kapahingahan ng Diyos ay nasa langit. Habang nagpapahinga ang tao, sasambahin niya ang Diyos at mamumuhay din sa lupa, at habang nagpapahinga ang Diyos, aakayin Niya ang natitirang bahagi ng sangkatauhan …” (“Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Malinaw na sinabi sa atin ng Makapangyarihang Diyos na kapag natapos na ang Kanyang pamamahala, parehong mamamahinga ang Diyos at ang tao. Ang pahingahan ng Diyos ay sa langit, samantalagang ang pahingahan nating mga tao ay sa lupa pa rin. Ito ang magandang destinasyong inihanda ng Diyos para sa atin na mga tao. Ito rin ang katuparan ng kaharian ng Diyos sa lupa. Kung nananalig tayo sa Diyos sa loob ng maraming taon, pero hindi pa rin natin ito nakikita, hindi ba nangangahulugan ‘yan na hindi natin nauunawaan ang katotohanan o ang mga salita ng Panginoon?
Magpatuloy sa pagbasaBakit Nagkakasala Pa Rin Tayo Pagkatapos ng Pangungumpisal? Paano Tayo Makakatakas Sa Pagkaalipin sa Kasalanan?
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man” (Juan 8:34–35). Sinabi sa atin ng mga salita ng Diyos na kung hindi maiaalis ng mga tao ang kanilang sarili sa gapos at mga kadena ng kasalanan, at nagpatuloy sila sa paggawa ng kasalanan, kung gayon sila ay alagad ng kasalanan at hindi kailanman makakapasok sa kaharian ng Diyos. Sa pagbabasa ng talatang ito ng Kasulatan, maraming matapat na mga kapatid ang mag-iisip kung paano sila nagkakasala sa araw at nagtatapat sa gabi, at kaya sila ay mag-aalala na sila’y namumuhay sa kasalanan at hindi maaaring pumasok sa kaharian ng Diyos, at magdurusa sila sa kanilang mga puso. Naniniwala sila sa Panginoon, kaya bakit hindi nila maialis ang kanilang sarili sa kasalanan? Paano ba talaga natin maiaalis ang ating mga sarili mula sa mga kadena ng kasalanan? Pagbabahagian natin ang aspetong ito ng katotohanan.
Paano Makipagsalamuha sa Kapwa ang mga Kristiyano na Kaayon ng mga Intensyon ng Diyos
Ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao ay isang usaping nagdudulot ng sakit ng ulo para sa maraming tao. Ito ay isa ring paksa na madalas kaharapin ng isang tao sa kanyang buhay bilang Kristiyano. Hinihingi ng Panginoong Jesus na magsamahan tayo nang may pagkakasundo at magmahalan tulad ng pagmamahal natin sa ating mga sarili. Maraming debotong Kristiyano ang handang isagawa ang mga aral ng Panginoon. Bagamat, sa katotohanan, kapag nakikipag-ugnayan tayo sa iba, madalas ay nakasasagupa tayo ng mga salungatan, mga hindi pagkakaintindihan, na nagiging dahilan kung bakit nagiging matigas at nasisira ang ating mga kaugnayan. Ito ay nagdudulot ng pagdurusa para sa lahat. Ngayon, ano ang dahilan kung bakit hindi tayo nakakapamuhay nang may pagkakasundo sa isat-isa? Tayong mga Kristiyano, paano tayo dapat nakikipag-ugnayan sa iba sa ating buhay alinsunod sa mga layunin ng Panginoon? Ito rin ay naging problema ko dati. Salamat sa Panginoon para sa Kanyang patnubay! Matapos nito, nahanap ko ang kasagutan sa isang aklat na nakalutas sa aking mga paghihirap. Dito, ibabahagi ko nang kaunti ang tungkol sa aking karanasan at pagkaunawa!
1. Kailangan mong pakitunguhan ang iba nang patas at nang pantay-pantay. Hindi ka dapat kumilos batay sa iyong mga damdamin at mga kagustuhan.
Sinabi ni Jesus: “Sapagka’t kung kayo’y iibig sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil? Kayo nga’y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal” (Mateo 5:46–48). Mula sa mga salita ng Panginoon, naunawaan ko na hinihingi ng Diyos na pakitunguhan ng mga Kristiyano ang iba batay sa salita ng Diyos sa kanilang mga buhay. Hindi nila ito gagawin ayon sa kanilang mga damdamin o kagustuhan. Nang binubulay-bulay ko kung paano tayo nakikipag-ugnayan sa iba, napagtanto ko na kung tayo ay nakatatanggap ng pakinabang o tulong mula sa iba, tayo ay nagiging masaya at nagpapasalamat sa kabilang partidong iyon. Subalit, kapag ang iba ay nagsasalita o gumagawa ng mga bagay na nakasasama sa atin, nagagalit tayo sa ibang tao na iyon at hindi na natin sila pinapansin. Kapag nakakaharap natin ang isang taong gusto natin, lumalapit tayo sa kanila at hinihikayat natin silang gawin ang gusto natin; kapag hindi natin gusto ang nakakatagpo natin, tinatanggihan natin sila at nilalayuan. Kung sinuman ang may mas mataas na katayuan o malaking kapangyarihan, nililinlang natin sila at sinusubukang gamitin upang makahingi ng pabor. Kung sinuman ang walang katayuan o kapangyarihan, tinatanggihan natin sila o hinahamak. Kapag ang isang taong gusto natin ang magsasabi sa atin ng ating kasiraan, natatanggap natin ito. Kapag ang isang taong hindi natin gusto ang gumawa ng kaparehong bagay, hindi natin ito natatanggap, pinapangatwiranan at minsan ay nasusuklam pa tayo sa kanila, nakikipagtalo sa kanila at tinutuligsa pa sila. Ang lahat ng ito ay mga halimbawa ng pagsunod sa mga damdamin at kagustuhan ng isang tao at hindi pantay-pantay na pagtrato sa iba. Ito rin ay isang pamamaraan kung paano tinatrato ng mga hindi mananampalataya ang iba. Kung ganito ang pagtrato sa iba ng isang Kristiyano, kung gayon, magkatulad ang landas na tinatahak nila ng isang hindi mananampalataya, hindi sila karapat-dapat tawaging mananampalataya ng Panginoon at ang kanilang mga ginagawa ay hindi alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Bilang mga mananampalataya sa Panginoon, kailangang isagawa natin ang Kanyang mga aral. Dapat nating mahalin ang iba tulad ng pagmamahal natin sa ating mga sarili. Hangga’t ang pagkatao ng isang tao ay mabuti, tunay silang naniniwala sa Diyos at minamahal nila ang katotohanan, hindi alintana kung pareho sila ng mga kagustuhan, pag-uugali, karakter, gusto man natin sila o hindi at kahit pa sila ay pawang karaniwang mga kapatid o mga lider sa iglesia, dapat ay ituring natin sila nang totoo at patas. Kailangan ay pakitaan natin sila ng pagtanggap, pagtitiyaga at pagmamahal. Hindi tayo dapat manlinlang at magtangi. Sa pamamagitan lamang ng mga ito tayo aayon sa mga layunin ng Diyos.
2. Maayos na tugunan ang mga pagkukulang ng ibang tao at mga hayag na kasamaan. Huwag basta na lamang sukatin o hatulan ang iba.
Sinabi ni Jesus: “Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan. Sapagka’t sa hatol na iyong ihahatol, ay hahatulan kayo: at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo” (Mateo 7:1-2). Ang mga aral ng Panginoon ang nakatulong sa akin na maunawaan na lahat tayo ay mga taong pinasama ni Satanas. Magkakatulad ang ating masamang disposisyon. Kung ipinapahayag ng iba ang kanilang mayabang, mapagmataas, makasarili at kasuklam-suklam na mala-satanas na disposisyon, maihahayag din natin ang kaparehong disposisyon. May mga pagkukulang din tayong kagaya sa iba. Hindi tayo iba sa kanila. Kung hinahatulan at sinusukat natin ang iba dahil sa kanilang mga pagkukulang at kasamaan, unay tayong mayayabang kung gayon at tunay na maliit ang ating pagkakilala sa ating mga sarili! Samakatuwid, anumang ihayag na kasamaan at pagsalangsang ng iba, dapat nating pakitunguhang mabuti ang mga ito at hindi natin sila dapat basta na lamang hahatulan at susukatin. Alalahanin ang saloobin ni Jesus nang nagsalita siya tungkol sa mga makasalanan na naitala sa Biblia: Hinablot ng mga Fariseo ang isang babaeng nahuli sa pangangalunya at dinala siya sa harap ni Jesus. Itinanong nila kay Jesus kung paano dapat pakitunguhan ang babaeng ito. Ayon sa mga batas noong panahong iyon, ang babaeng iyon ay dapat na batuhin hanggang sa mamatay. Gayunpaman, hindi siya hinatulan ni Jesus para sa kanyang mga kasalanan. Ang tanging ginawa Niya ay ang sabihin sa kanya na huwag nang magkasala sa hinaharap. (Tingnan ang Juan 8:3-11.) Mula sa siping ito, makikita natin na naiintindihan ni Jesus ang nararamdamang pasakit at kawalan ng kakayahan ng mga taong pinasama ni Satanas at namumuhay sa kasalanan. Nahabag siya sa kahinaan ng tao. Kapag nahayag ang ating kasamaan o nakagawa ng kasalanan, hangga’t tayo ay tunay na nagsisisi, binibigyan tayo ng Diyos ng sapat na oras upang magsisi at magbago. Dapat rin nating sundin ang halimbawa ni Jesus at maayos na tugunan ang mga pagkukulang at hayag na kasamaan ng ibang tao. Dapat ay tingnan natin ang iba mula sa isang pananaw ng pag-unlad. Ito rin ang prinsiyo ng pakikitungo sa ibang tao na dapat taglayin ng ibang Kristiyano sa kanilang mga buhay. Kung mayroong tayong mabibigat na mga inaasahan mula sa ibang tao, kung nakikipag-away tayo sa kanila, at kahit basta na lamang hinahatulan ang iba, kung sinusukat natin sila at pinagpapasyahang sila ay wala nang pag-asa kapag nalaman natin ang kanilang mga pagkukulang, ito ay isang halimbawa ng paggamit ng mayabang at mapagmataas na masamang disposisyon upang makitungo sa iba. Kung gagawin mo ito, hindi ito alinsunod sa mga layunin ng Diyos at lubos kang hindi magkakaroon ng normal na kaugnayan sa ibang mga tao.
Hayaan ninyo akong ibahagi sa lahat ang ilan sa aking mga karanasan. Sa aming iglesia, mayroon kaming isang kapatid na babae na hindi nakakadalo sa aming mga pagtitipon sa tamang oras dahil sa kanyang asawang hindi mananampalataya. Maraming beses na kaming nag-usap ng kapatid na babaeng ito, ngunit namumuhay pa rin siya sa pagiging negatibo at kahinaan. Nagalit ako nang husto tungkol dito kaya siya ay itinuring ko bilang isang tao na hindi tunay na naniniwala sa Diyos. Hindi ko na siya gustong tulungan o gabayan pa. Matapos iyon, binasa ko ang mga sumusunod sa Biblia: “Ang kumakain ay huwag magwalang halaga sa hindi kumakain; at ang hindi kumakain ay huwag humatol sa kumakain: sapagka’t siya’y tinanggap ng Dios. Sino kang humahatol sa alila ng iba? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo, patatayuin siya; sapagka’t makapangyarihan ang Panginoon na siya’y maitayo” (Roma 14:3-4). Nahiya ako nang husto. Naisip ko ang mga pagkakataong nakaramdam ako ng pagkatalo, negatibo, at panghihina. Inantig ng Diyos ang aking mga kapatid upang ako ay lapitan at basahan ng mga salita ng Diyos nang maraming beses. Makikipag-usap sila at magbabahagi ng kanilang mga karanasan upang tulungan at gabayan ako. Sa ilalim lamang ng patnubay ng mga salita ng Diyos ako nakapanindigan. Wala akong anumang bagay na maaari kong ipagmalaki. Ngayon, hindi nakakadalo ang kapatid na ito sa tamang oras ng mga pagtitipon dahil sa mga paghadlang ng kanyang asawa. Dapat ay tinulungan ko siya gamit ang isang pusong mapagmahal, subalit hindi ako nag-aalala sa buhay ng kapatid na ito. Iniwasan ko pa siya at ibinilang na isang hindi tunay na nananampalataya sa Diyos. Nang tingnan ko ang aking sarili, naramdaman kong napakayabang ko. Hindi ko pinakitunguhan ang kapatid kong iyon nang may mapagmahal na puso o pagtitiyaga man lang. Wala man lang ni isa sa mga nagawa ko ang alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Nang maunawaan ko ito, ikinumpisal ko ang aking mga kasalanan sa Diyos at nagsisi: Handa na akong patuloy na tulungan at gabayan ang kapatid na ito. Pagkatapos, ipinabatid ko ang mga salita ng Diyos sa kapatid na ito nang may mapagmahal na puso at ibinahagi ko rin ang ilan sa aking mga karanasan at kaalaman. Pagkatapos ng aking pakikipag-usap sa kanya nang ilang beses, hindi na siya nagpapailalim sa kontrol ng kanyang asawa at unti-unti ay bumuti ang kanyang kalagayan. Natutunan ko sa karanasang ito na anumang pagkukulang at kahinaang mayroon ang ating kapatid na lalaki o babae, o anuman ang katiwalian na kanilang inihahayag, hangga’t tunay silang naniniwala sa Diyos at nakapagsisisi sa harap ng Diyos kapag sila ay nagkamali, bibigyan sila ng Diyos ng pagkakataon upang magbago. Kung kaya’t dapat rin natin silang tulungan nang may mapagmahal na puso, patawarin at tratuhin ang bawat isa alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos. Hindi talaga natin dapat basta na lamang sukatin at hatulan ang ibang tao. Ganito ang paraan kung paano pinakikutunguhan ng isang tao nang pantay-pantay ang mga tao at alinsunod sa mga layunin ng Diyos.
3. Hindi mo dapat palabisin ni pababain ang iyong pagtingin sa ibang tao. Matuto mula sa kalakasan ng ibang tao at bumawi para sa sarili mong mga kakulangan.
Sabi ng Biblia: “Huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababa ng pagiisip, na ipalagay ng bawa’t isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili” (Filipos 2:3). Binigyan ng Diyos ang bawat isa sa atin ng kakaibang kakayahan, talento, at mga kalakasan. Dahil rito, dapat tayong magkaroon ng mapagkumbabang puso kapag nakikipag-ugnayan sa ating mga kapatid at dapat ay maayos nating harapin ang kalakasan o kahinaan ng ibang tao. Hindi natin dapat palabisin o pababain ang ating tingin sa iba o hamakin ang iba. Dapat nating tanggapin ang kalakasan ng iba upang makabawi sa ating mga pagkukulang. Kung dahil sa ating sariling mga kalakasan, kakayahan at talento ay nauuwi tayo sa paghamak sa iba at pinalalabis ang ating mga kalakasan nang walang limitasyon, kung saan ay nagpapasikat tayo at nagyayabang, gayundin ay humahatol, nanghihiya at nagdudulot ng kapinsalaan sa iba, ito ang paraan kung paano tayo kinokontrol ng ating sariling kayabangan at mapagmataas na masamang kalikasan. Hindi ito ang paraan ng pamumuhay ng isang Kristiyano. Halimbawa, dati, palagi kong iniisip na mas mahusay ang kakayahan ko kaysa sa kapatid na babae na nakatrabaho ko, kaya minaliit ko siya. Sa aming pagtatrabaho, sinadya at hindi ko sinadyang magpakitang-gilas at napuno ang aking puso ng kapalaluan. Naging daan ang aking masamang disposisyon upang kamuhian ako ng Diyos at naging dahilan upang itago ng Diyos ang kanyang mukha sa akin. Ang aking espiritu ay naging madilim at malungkot. Napakaraming malinaw na suliranin sa aking trabaho ang hindi ko makita, habang ang trabaho ng kapatid ay unti-unting bumuti. Naalala ko ang sinabi ni Jesus: “At sinomang nagmamataas ay mabababa; at sinomang nagpapakababa ay matataas” (Mateo 23:12). Sa ganitong paraan ko nakita kung gaano ako kayabang. Hindi ko kilala ang aking sarili. Sa totoo lang, dahil sa Banal na Espiritu kaya nagbunga ng ilang resulta ang aking trabaho o kaya natuklasan ko ang ilan sa mga problema. Gayunpaman, ninakaw ko pa rin ang karangalan ng Diyos at walang hanggan akong nasiyahan sa aking sarili at hinangaan ko ang aking sariling kayabangan. Minaliit ko ang aking mga kapatid. Sa katotohanan, sobrang wala ako sa katwiran! Kasabay nito, alam kong kailangan kong matutunan na palayain ang aking sarili. Kinailangan kong tanggapin ang mga kalakasan ng kapatid upang makabawi ako para sa aking mga kakulangan. Sa ganitong paraan ko lamang mapapasaya ang Diyos at patuloy na lalago ang aking buhay. Bilang resulta, sinimulan ko itong gawin. Kapag may mga suliranin akong hindi maintindihan, humihingi ako sa kapatid ng payo. Kung makaharap man ako ng mga usapin, pinag-uusapan namin ito. Sa panahong iyon ko napagtanto na marami siyang kalakasan na wala ako. Sobrang nahiya ang aking puso. Naunawaan kong inayos ng Diyos ang pagkakataong iyon na makatrabaho ko ang kapatid upang makabawi ako sa aking mga pagkukulang. Ninais Niyang magtulungan kami sa gawaing iniatas Niya sa amin. Unti-unti, naging normal ang aking kaugnayan sa kapatid at muli ay natanggap ko ang gawain ng Banal na Espiritu.
4. Kapag natuklasan mong ang ginagawa ng ibang tao ay hindi kaayon sa iyong mga ideya, huwag mong ituon ang iyong pansin sa taong iyon. Sa halip, dapat mo munang kilalanin ang iyong sarili at isagawa ang katotohanan.
Sinabi ni Jesus: “At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng inyong kapatid, nguni’t hindi mo pinapansin ang tahilan na nasa iyong sariling mata? O paanong sasabihin mo sa iyong kapatid, Pabayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo; at narito, ang tahilan sa iyong sariling mata? Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata; at kung magkagayo’y makikita mong malinaw ang pag-aalis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid” (Mateo 7:3-5). Kapag tayo ay nakikipag-ugnayan sa iba, hindi maiiwasan na magkaroon ng mga alitan at pagkiling. Sa mga ganitong pagkakataon, hindi tayo dapat maging bulag sa mga kamaliang ginagawa ng kabilang partido at palagiang maniwala na ang kasalanan ay nasa kanila. Sa halip, dapat nating matutunan na humarap sa Diyos at hanapin ang katotohanan sa salita ng Diyos upang mahanap natin kung saan nagmumula ang problema. Sa sandaling maintindihan natin ang mga layunin ng Diyos at magkaroon ng pang-unawa sa ating sariling masamang disposisyon, maaari nating ilagay ang ating mga sarili sa kalagayan ng iba at tingnan ang mga bagay mula sa kanilang pananaw. Maiintindihan natin sila, mauunawaan at matatanggap. Sa puntong ito, ang ating mga pagkiling ay kusang mababawasan ang lubusan.
Mayroon akong mga malalim na karanasan tungkol sa aspetong ito. Naalala ko ang isa sa mga nakatrabaho kong kapatid na babae na ilang beses nagsabi na hindi ko ginagawa nang tama ang aking responsibilidad pagdating sa gawain ng iglesia. Gayunpaman, hindi lamang sa hindi ko ito natanggap mula sa Diyos, sa katunayan, pinaghinalaan ko na sinasadya ng kapatid na ito na hanapan ako ng kamalian at pahirapan ang aking buhay. Nagsimulang magkaroon ang puso ko ng mga pagkiling sa kapatid na ito at hindi ko na siya ginustong makatrabaho. Matapos kong basahin at hanapin ang mga layunin ng Diyos, naunawaan ko na ang aking sariling kayabangan at mapagmataas na mala-satanas na disposisyon ang kumokontrol at pumipigil sa akin na tanggapin ang mga mungkahi ng kapatid na ito. Nagdulot pa nga ito ng kawalan ng kakayahan kong magkaroon ng normal na pakikipag-ugnayan sa kanya. Kasabay nito, alam ko na ang mga tao, mga pangyayari at mga bagay na aking nasasagupa sa bawat araw ay idinikta at isinaayos lahat ng Diyos. Ang Diyos ang metikulosong nagsaayos ng lahat nga mga ito upang baguhin at iligtas ako at hindi ang kapatid na iyon na sinasadyang pahirapin ang mga bagay-bagay para sa akin. Dapat akong magpasakop sa Diyos, matutunang palayain ang aking sarili at tanggapin ang kanyang mga wastong mungkahi. Pagkatapos, humarap ako sa Diyos at nagnilay sa aking sarili. Mula sa mga mungkahi ng kapatid na iyon, nakita ko na hindi ko tunay na ginagawa ang aking mga pananagutang may kinalaman sa gawain ng iglesia. Ginawa ko ang anumang isinaayos na gawin ko ng aming pinuno, ngunit hindi ko inisip kung paanong mas mapagbubuti pa ang gawain sa iglesia. Nang maintindihan ko ang mga layunin ng Diyos, ginawa ko ang mga bagay alinsunod sa mga kahilingan ng Diyos. Pinangunahan at malaya kong ipinahayag ang aking kasamaan sa kapatid na ito at hiniling sa Diyos na bigyan pa ako ng mas marami pang pananagutan. Kapag nakasagupa ako ng mga sitwasyon, inisip ko kung paano ako mas makakatulong sa iglesia. Kapag ganito ang paraan na ginawa ko, nawawala ang mga hindi namin pagkakaunawaan ng kapatid na iyon. Kami ay nagkakaintindihan sa espirituwal at ang aming dating pagkakaisa ay naibalik.
Ang apat na mga prinsipyo ng pagsasagawa ang aking mga natutunan mula sa aking mga karanasan. Tunay kong naranasan na ang salita ng Diyos ang ilaw na gabay sa isang buhay Kristiyano. Ito ang nagtuturo ng direksyon para sa ating landas. Kung wala ang gabay ng salita ng Diyos, wala tayong landas na lalakaran. Ang kailangan lamang nating gawin ay isagawa ang mga aral ng Diyos at pakitunguhan ang lahat nang pantay-pantay. Sa gayon lamang tayo maaaring makapamuhay sa wangis ng totoong tao, mabuhay nang sama-sama sa pagkakaisa, makapagpahintulot sa iba na makatulong at magdulot sa Diyos ng kasiyahan at purihin tayo.
Salamat sa Diyos para sa Kanyang patnubay. Ang lahat nawa ng karangalan ay maging sa Diyos!
In Devotional Topics Tagalog section, rich resources will tell you the way to get close to God, enabling you to enjoy your spiritual life and have a closer relationship with God.
Rekomendasyon:
- 10 Mga Kanta ng Panalangin sa Umaga upang Mapalapit Ka sa Diyos
- Daily Devotional (Tagalog) – Draw Closer to God Every Day
- Paraan Upang Dinggin ng Diyos ang Ating Panalangin sa Araw-araw
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!
Talaga bang Mababago Kaagad ang mga Tao at Mara-rapture Sa Kaharian ng Langit?
Ni Xiang Mei, Tsina
Dalawang Pananaw sa Mababago Kaagad at Mara-rapture Sa Kaharian ng Langit
Unang Pananaw:
“Sapagka’t ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo: Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya” (Filipos 3:20–21).
“Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin” (1 Corinto 15:52).
Sa pamamagitan ng mga talatang ito, iniisip ng ilang tao na ang Panginoon ay makapangyarihan, kaya kapag bumalik Siya at nagpakita sa atin, ang mga imahe ng ating laman ay mababago sa isang iglap, sa isang kisap-mata, at tayo ay aangat sa langit upang salubungin ang Panginoon, at hindi na tayo maghihirap mula sa kontrol at pagkakatali ng kasalanan, at magiging ganap na banal at papasok sa kaharian ng langit.
Ikalawang Pananaw:
“Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal” (1 Pedro 1:16).
“Narito, ako’y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kaniyang gawa” (Pahayag 22:12).
Batay sa mga salitang ito ng Panginoong Jesus, iniisip ng ilang tao na ang Panginoon ay matuwid at banal, kaya gagantimpalaan o parurusahan Niya ang bawat isa ayon sa kanilang mga aksyon kapag Siya ay bumalik. Gayunpaman, kung, kahit nakagawa man tayo ng mga kasalanan o hindi, gagawin tayong banal ng Panginoon kaagad at direkta tayong ira-rapture sa kaharian ng langit, kung gayon ang pagpasok sa kaharian ng langit ay kaunti lang ang kinalaman sa ating mga gawa. Kung ganito ang mangyayari, gayon ang sinabi ba ng Panginoong Jesus, “upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kaniyang gawa,” ay mapapawalang halaga? Samakatuwid, hindi sila sumasang-ayon sa pananaw na ang mga tao ay mababago kaagad at mara-rapture sa makalangit na kaharian.
Sunod, magfefellowship tayo tungkol sa kung ang mga tao ba ay mababago kaagad at madadala sa kaharian ng langit.
Panalangin sa Diyos—Pagsaksi sa isang Himala sa Gitna ng Kawalan ng Pag-asa
Habang naglalakbay tayo sa buhay, bawat isa sa atin ay makakaranas ng ilang hindi pangkaraniwang pangyayari kung saan natatatak sa ating alaala at hindi kailanman malilimutan. Ang karanasang nag-iwan na sa akin ng pinakamalalim na tatak ay ang panahong nasangkot ang asawa ko sa isang aksidente sa kotse, na walang nakaalam kung malalampasan niya ito o hindi, at sa mga araw na sumunod, ang panahon kung kailan ay naramdaman ko ang ganap na kawalan at nasa hangganan na ng aking pagtitiis. Ngunit ang naiiba sa akin ay dahil sumasaakin ang Diyos at nasa akin ang Kanyang patnubay, kaya mayroon akong suporta, at sa pamamagitan ng panalangin sa Diyos at pag-asa sa Kanya, nasaksihan ko ang himala sa gitna ng aking kawalan ng pag-asa. Sa panahong iyon ng pagdurusa, ang aking higit na natamo ay ang pag-unawa sa awtoridad at dakilang kapangyarihan ng Diyos, at tunay na pagpapahalaga sa pag-ibig ng Diyos …
Noong gabi ng Agosto 13, 2014, pauwi na ako pagkaraang tapusin ang ilang gawain at halos hatinggabi na. Kakapasok ko pa lang sa tarangkahan ng komunidad, nang hindi inasahang pahintuin ako ng aking pinakamatandang kapatid na babae at kanyang asawa at ng pangalawang kapatid na babae ng asawa ko. Naisip ko na talagang kakaiba ito: Anong ginagawa nilang lahat dito gayong gabing-gabi na? Bago pa makakapag-isip ng tungkol dito, ang aking pinakamatandang kapatid na babae ay nagmadaling lumapit sa akin at umiiyak na sinabi, “Zhihan, saang sulok ng mundo ka ba galing? Naloloko na kami rito sa pag-aalala. Naaksidente sa kotse ang iyong asawa. Tumawag ang aming kapatid na lalaki, gusto ka niyang pumunta kaagad sa ospital.” Nang narinig ko itong biglaang masamang balita, hindi ko talaga mapapaniwalaan ang aking mga tainga at nakatayo lang ako doon. Naisip ko sa sarili ko: “Naaksidente ang asawa ko? Paano mangyayari iyon? Kausap lang siya sa telepono ng aming anak kaninang hapunan ….” Pagkatapos sinabi sa akin ng dalawa kong bayaw kung paano nangyari ang aksidente sa kotse at sinabi sa akin kung anong nasabi nang mga doktor, na nasa malubhang kondisyon ang asawa ko at kahit na susuwertehin siyang mabuhay, mayroong 99 na porsiyentong tsansa na magiging brain-dead siya…. Umiyak ako nang walang-maaaring makaaliw habang nakikinig ako at naramdamang parang babagsak ang langit. Wala akong ideya kung paano harapin ang lahat ng ito.
Dahil gabing-gabi na, nagtagal bago kami makahanap ng isang taksi na magdadala sa amin sa ospital ng lungsod. Ginawa ako nitong lalo pang balisang-balisa, nag-aalala na hindi ko na kailanman muling makikitang buhay ang asawa ko. Habang nakaramdam ng pagkalubog at pagkataranta, biglang naisip ko ang kuwento ni Job na nasa Biblia. Nang nangyari ang mga pagsubok sa kanya, ninakaw ang lahat ng kanyang ari-arian, nasawi ang kanyang mga anak, at nabalot ang buong katawan niya ng nakapangingilabot na mga pigsa. Kahit na ang pagsubok na ito ay nagdulot kay Job ng matinding sakit at pagkabalisa, nasa puso niya ang Diyos, at mas pinili niyang isumpa ang araw ng kanyang kapanganakan kaysa sa magkasala sa pagsasalita. Ganap na masunurin siya sa Diyos, maging binigay man ng Diyos, o kinuha ng Diyos. Hindi nagsabi si Job ng kahit isang salita ng reklamo ngunit pinarangalan pa niya ang pangalan ni Jehova at lubos na nagpatotoo sa Diyos. Kung kaya, dali-dali akong nanalangin sa Diyos: “O Diyos ko! Nang narinig ko ang tungkol sa aksidente sa kotse ng asawa ko, napipi ako at nadama ang ganap na pagkalito, at hindi ko alam ang kalagayan niya sa ngayon. Ngunit kapag naisip ko kung paano Ka pinarangalan at sinunod ni Job, nauunawaan ko na dapat kong subukang maging katulad niya at manalig sa Iyo. O Diyos ko! Ang lahat ng bagay ay nasa Iyong mga kamay, at maging mayroon man o walang anumang pag-asa na gagaling ang asawa ko, hinihingi ko na huwag Mong hayaan ang puso kong sisihin Kita. Nais kong pasakop sa Iyong mga pagsasaayos at kaayusan, at ipinagkakatiwala ang asawa ko sa Iyong mga kamay.” Pagkatapos kong nanalangin, unti-unting huminahon ang puso ko.
Sa Muling Pagparito ni Jesus sa Mga Huling Araw, Paano Siya Babalik?
Mga Propesiyang Tumutukoy Sa Lihim na Pagparito ng Panginoon
Pagdating sa kung paano si Jesus ay babalik sa muli Niyang pagparito, maraming mananampalataya, ang bumatay lamang sa ilang mga propesiya, naniniwala na kapag si Jesus ay muling pumarito, Siya ay babalik sa mga ulap. Sa totoo lang, sa mga propesiya ng Panginoon, hindi lamang iisang paraan ang Kanyang pagbabalik. Sa usapin ng pagtanggap sa pagbabalik ng Panginoon, kung hindi natin sinaliksik ang iba pang mga propesiya tungkol sa Kanyang pagbabalik, ngunit nilimitahan lamang ang paraan ng pagbabalik Niya sa “pagdating sa mga ulap”, hindi ba iyon isang kawalang-katwiran? Sa ganoong paraan, ang mga paglihis at pagkakamali ay tiyak na lilitaw sa ating pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan nating hanapin at siyasatin sa maraming aspeto kung paano babalik si Jesus sa Kanyang muling pagparito.
Paraan Upang Dinggin ng Diyos ang Ating Panalangin sa Araw-araw
Ni Guoshi, Tsina
Mga kapatid:
Umaasa tayong lahat na diringgin at tatanggapin ang mga panalangin natin, pero maraming mga kapatid ngayon ang nababagabag sa katotohanang hindi dinirinig o tinatanggap ang kanilang mga panalangin. Kaya, pa’no tayo magdadasal nang naaayon sa kalooban ng Diyos para pakinggan ng Panginoon ang ating mga panalangin?
1. Dapat Nating Lutasin ang Problema ng Mapagkunwaring Pagsasalita, Hindi Praktikal, at Pagiging Mapanlinlang Pag Nananalangin Tayo
Sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan” (Juan 4:24). Mula rito, makikita natin na hinihingi ng Diyos na tayo ay maging matapat na tao at na nagsasalita tayo ng praktikal at masigasig sa Panginoon. Hindi tayo dapat nagsasalita ng may pagpapanggap o magsabi ng di-makatotohananang bagay, o nililinlang natin ang Panginoon at hayaan Siyang kapootan tayo. Sa araw-araw nating buhay, pag nagdarasal tayo sa Panginoon, lagi tayong nagsasalita ng mga maling bagay, pinalabis, o walang kabuluhan, kaya tinatago ng Panginoon ang Kanyang mukha at hindi Siya nakikinig. Halimbawa, lagi nating sinasabi sa ating mga panalangin, “Panginoon, alam kong marumi ang lahat ng bagay sa mundo, at mga panauhin at estranghero lang kami sa mundong ito. Gusto Kitang mahalin at pasayahin.” Gayon pa man, sa mga buhay natin, hindi pa rin natin mabitawan ang mga makamundong bagay gaya ng yaman, reputasyon, at estado, at aktibo pa nating hinahanap ’yon. Minsan nagdarasal tayo sa Panginoon at sinasabing, “Diyos ko, gusto kong maging isang tapat na tagapaglingkod, at paglingkuran Ka nang buong puso, isip, at lakas.” Pero sa gawain natin, pag nakakatagpo tayo ng mga paghihirap na hindi natin alam kung pa’no lutasin, nagrereklamo tayo dahil sa hirap at pagtitiis. Ang gayong mga panalangin ay hindi praktikal. Hindi ito mga salita na nanggagaling sa ating mga puso, Kaya hindi ito tinatanggap ng Panginoon. Kaya, pag nagdadasal tayo, sanayin nating makipag-usap sa Panginoon nang mula sa puso, makatotohanan, at talikuran ang mga mali at mapagpaimbabaw na salita. Hindi natin dapat isipin kung ga’no karami ang ating sasabihin o kung ga’no ’yon kagandang pakinggan, ang dapat nating isipin ay kung taos-puso ba ang pananalangin natin sa Panginoon. Halimbawa, habang gumagawa tayo para sa Panginoon, maaari rin tayong maghangad ng mga makamundong bagay at yaman sa ating puso, kaya dapat tayong maging tapat sa pakikipag-usap sa Panginoon at hilingin sa Kanyang gabayan at tulungan tayong tapat na gumugol sa Kanya. Pag nakaranas tayo ng mga hirap, dapat tayong maging tapat sa Panginoon, “Diyos ko, dumadanas ako ng mga paghihirap ngayon, mahina ako, gusto Kitang mahalin pero hindi ko magawa, kaya hinihiling kong pukawin Mo ang puso ko at huwag hayaang pahinain ako ng mga paghihirap ko.” Matapos ’yon, dapat aktibo tayong makipagtulungan sa Diyos at tapat na umasa sa Diyos. Pag nakagawa tayo ng maling nakakasakit sa Panginoon o pag hindi natin nauunawaan ang Diyos sa gitna ng mga pagsubok, lalong dapat nating tapat na ipaliwanag ang kasamang nilalantad natin, ang tunay nating mga iniisip, at ang ating mga paghihirap sa Panginoon, at iba pa. Dapat tapat at totoo ang sinasabi natin pag nagdadasal tayo sa Panginoon, dahil pag gano’n, lagi tayong magiging malapit sa Diyos, at diringgin Niya ang ating mga panalangin. Sa ganitong paraan, mas lalalim ang kaalaman natin sa Diyos, at patuloy tayong uunlad sa buhay.









