Alam Mo Ba ang Kahulugan ng “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok”?

Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20). Mula sa propesiya na ito tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw, makikita na ang Panginoon ay kakatok sa ating mga pintuan sa Kanyang pagbabalik. Kaya, sa anong paraan kakatok ang Panginoon? At paano natin sasalubungin ang Panginoon kapag Siya ay kumakatok? I-fellowship natin ang mga katanungang ito.

Magpatuloy sa pagbasa

Mga Talata ng Bibliya Tungkol sa Panalangin upang Makatulong sa Iyo sa Pagbuo ng Tamang Relasyon sa Diyos

Nakikinig ang Diyos sa totoong mga panalangin. Kung totoong mananalangin tayo sa Diyos, madalas nating madarama ang Kanyang presensya. Anuman ang ginagawa natin, magkakaroon tayo ng Kanyang gabay. Ang salot ay lumaganap sa buong mundo. Maraming tao ang nabubuhay sa pangamba; kahit ang mga mananampalataya ay nakakaramdam ng takot at walang magawa, at maaari lamang silang manalangin sa Diyos para sa Kanyang proteksyon. Kaya paano tayo dapat manalangin upang mapakinggan ng Diyos? Tinipon namin ang mga talatang ito ng Bibliya tungkol sa panalangin upang matulungan kang maunawaan ang kahalagahan ng panalangin at mahanap ang paraan upang mapakinggan ng Diyos ang iyong mga panalangin.

Magpatuloy sa pagbasa

Ang Pag-alam Kung Ano Katotohanan ang Tanging Daan Upang Masalubong ang Panginoon

Ano ang katotohanan? Ano ang relasyon sa pagitan ng isyung ito at pagsalubong sa Panginoon? Sa katunayan, ipinropesiya ng Panginoong Jesus matagal na, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). Ang kabanata 2 at 3 ng Aklat ng Pahayag ay ipinropesiya ng maraming beses: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Ang mga propesiya na ito ay pinapakita na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, magpapahayag Siya ng mga bagong salita at gagabayan ang mga tao na maunawaan at makapasok sa lahat ng mga katotohanan. Kaya kung ninanais nating salubungin ang Panginoon, dapat nating malaman kung ano ang katotohanan; magiging labis na mahirap para sa atin na masalubong ang Panginoon kung walang pag-alam sa kung ano ang katotohanan.

Halimbawa, nang nagpakita ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, ibinigay Niya sa tao ang daan ng pagsisisi at nagpahayag ng katotohanan upang tustusan at pastulan ang tao at resolbahin ang kanilang praktikal na paghihirap. Gayunpaman, dahil ang mga Fariseo, na pamilyar sa Biblia, ay hindi alam kung ano ang katotohanan, inakusahan nila ang Panginoong Jesus na nagsasalita ng kalapastanganan, at ipinako pa sa krus ang Panginoong Jesus na nagpahayag ng katotohanan, kaya’t napala nila ang parusa at sumpa ng Diyos. Malinaw, napakahalaga para sa atin na malaman kung ano ang katotohanan, dahil direkta itong nauugnay sa ating huling tadhana. Kung gayon, ano nga ba ang katotohanan? Paano natin makikilala ang katotohanan at salubungin ang Panginoon? Tayo ay mag-fellowship at tuklasin natin ito sa ibaba.

Ano ang Katotohanan?

Kung nais mong malaman kung ano ang katotohanan, kailangan muna nating malaman ang pinagmulan ng katotohanan. Una nating tignan kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kung ano ang katotohanan: “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios” (Juan 1:1). Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6). Mula rito makikita natin na ang Salita ay Diyos, ang mga salita ng Diyos, at ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Ang Salita na naging katawang-tao ay tumutukoy sa Espiritu ng Diyos na nagkatawang-tao, iyon ay, ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ay nagmula sa katawang-tao. Ito ay tiyak sapagkat si Cristo ay Diyos na nagkatawang-tao at nagtataglay ng banal na diwa, ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos na si Cristo ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Si Cristo lamang ang maaaring magpahayag ng katotohanan at magdala sa tao ng daan at ng buhay.

Basahin naman natin ang dalawa pang talata ng salita ng Diyos, at mas mauunawaan natin kung ano ang katotohanan. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Ang katotohanan ay nagmumula sa mundo ng tao, subalit ang katotohanang nasa tao ay ipinapasa ni Cristo. Ito ay nagmumula kay Cristo, ibig sabihin, mula sa Diyos Mismo, at hindi ito isang bagay na kaya ng tao.

Ang katotohanan ang pinakatunay na talinghaga ng buhay, at ang pinakamataas sa gayong mga talinghaga sa buong sangkatauhan. Sapagkat hinihiling ito ng Diyos sa tao, at ito ang gawaing personal na ginagampanan ng Diyos, kaya’t tinatawag itong ‘talinghaga ng buhay’. Hindi ito isang talinghagang binuo mula sa kung anong bagay, o hindi rin ito isang tanyag na banggit mula sa isang dakilang tao. Sa halip, ito ang binibigkas sa sangkatauhan mula sa Panginoon ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng bagay; hindi ito ilang salita na nilagom ng tao, kundi ang likas na buhay ng Diyos. Kaya nga ito ang tinatawag na ‘pinakamataas sa lahat ng talinghaga ng buhay.’

Tulad ng nakikita, ang katotohanan ay nagmumula sa Diyos at naipapahayag sa pamamagitan ni Cristo, at lahat ng sinasabi ni Cristo ay ang katotohanan. Ang salita ng Diyos na ipinapahayag ni Cristo ay tunay na pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos, kung anong mayroon at ano ang Diyos, ang misteryo ng plano ng pamamahala ng Diyos at mga kinakailangan ng Diyos at intensiyon sa sangkatauhan. Lahat ng Kanyang mga salita ay ang katotohanan. Ang mga ito ay kailangang-kailangan na mga prinsipyo at direksyon para sa ating buhay, pag-uugali at pagsamba sa Diyos; ito ang mga daan ng buhay na ibinigay sa atin ng Diyos. Ang katotohanan ay kung ano ang buhay ng Diyos at nagdadala ito ng awtoridad at kapangyarihan, kaya’t ang katotohanan lamang ang makakapagligtas at makapagbabago ng tao, at maging buhay na walang hanggan ng tao. Sa pamamagitan ng pag-asa sa katotohanan upang mabuhay, maisasabuhay natin ang wangis ng isang tunay na tao, at sa gayo’y makilala ang Diyos, magpasakop sa Diyos, sumamba sa Diyos, maging kaayon ng Diyos, at sa huli ay maakay sa kaharian ng Diyos. Lahat ng mga ito ang resulta na nakamit ng katotohanang ipinahayag ng Diyos. Ang mga katotohanang ito ay hindi maipapahayag ng sinumang tao. Kahit pa ang salita ng mga tanyag na espirituwal na pigura ay nakabubuti para sa mga tao, hindi ito ang katotohanan, ngunit ilang limitadong karanasan at pag-unawa sa katotohanan. Maaari lamang itong kumatawan sa pananaw, ideya, at pag-unawa ng tao, pati na rin ang kanilang personal na tayog at kaalaman sa Diyos at sa katotohanan. Kahit gaano kataas ang kanilang kaalaman at gaano man umaayon ang kanilang salita sa katotohanan, maaari lamang itong pansamantalang makatulong at suportahan tayo, at hindi nito makakamit ang resulta ng pagliligtas at pagbabago ng tao o pagiging buhay ng tao.

Sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, halimbawa, ang mga tao ay nagkagagawa ng mas maraming kasalanan, hindi masunod ang mga batas at naharap sa peligro na mapatay ng mga batas. Laban sa senaryong ito, sinong sikat na espirituwal na pigura o lider ng relihiyon ang maaaring magbigay sa tao ng mga bagong landas ng kasanayan at bigyan sila ng kung ano ang kailangan nila sa buhay? Walang sinuman. Tanging nang dumating lang ang Panginoong Jesucristo, binigyan Niya ang tao ng daan ng pagsisisi at ginawa ang gawain ng pagtubos upang mapalaya ang sangkatauhan sa kasalanan, kung saan ang mga tao ay hindi na hinatulan o pinarusahan ng mga batas. Ang katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus ay hindi lamang pinaalam sa tao ang awa at pag-ibig ng Diyos at pinakita ang napakadakilang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan, ngunit ipinakita rin nito sa tao ang mga bagong landas na susundan—upang mangumpisal at magsisi, mahalin ang kanilang mga kaaway, maging mapagpakumbaba, mapagpasensya at mapagpatawad, mahalin ang Diyos nang buong puso, kaluluwa, lakas at isipan, pasanin ang kanilang krus, maging ilaw at asin, atbp. Ang mga katotohanang ito ay mga bagong landas ng pagsasagawa para sa mga tao noong panahong iyon at kailangang-kailangan na mga prinsipyo at direksyon para sa kanilang buhay, pag-uugali at pagsamba sa Diyos; maaari nilang iligtas at mabago ang tao, at maging buhay na walang hanggan ng tao. Ang mga taong nagsanay alinsunod sa mga salita ng Panginoong Jesus ay nagbago sa iba’t ibang antas—nagagawa nilang tiisin at patawarin ang iba, at isabuhay ang normal na pagkatao. Ito ang mga kinalabasan na nakamit ng katotohanan na ipinahayag ng Panginoong Jesus sa mga tao.

Mula rito makikita natin na tanging si Cristo ang maaaring magpahayag ng katotohanan, magpakita sa tao ng bagong landas ng pagsasagawa, at iligtas at baguhin ang tao, at maging walang hanggang buhay ng tao. Ang Kanyang mga salita ay hindi maaring salitain ng kahit sinong sikat na espirituwal na tao o ng lider ng relihiyon, at ito ay isang bagay na hindi makakamit ng kahit sino sa kanila. Dahil alam na natin kung ano ang katotohanan, mayroon na tayong bagong daan para salubungin ang Panginoon. Kapag naririnig natin ang isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na, kung nais nating malaman kung ito ay totoo, kailangan lamang nating maging masigasig sa paghahanap at pagsisiyasat upang makita kung ang daan na ito ay naglalaman ng mga pagpapahayag ng katotohanan at kung maaari itong magtustos para sa ating buhay o hindi.

Si Cristo ay Nagpapahayag ng Katotohanan Batay sa Pangangailangan ng Tao

Matapos nating malaman kung ano ang katotohanan, dapat din nating malaman kung anong mga katotohanan ang ibibigay sa atin ng Diyos upang maging ating buhay sa mga huling araw. Sa paggawa nito ay makasisiguro na magagawa nating masalubong ang Panginoon. Sa totoo lang, ang Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan upang tustusan ang tao ayon sa mga pangangailangan ng tiwaling sangkatauhan sa iba’t ibang panahon. Halimbawa, sa mga huling panahon ng Kapanahunan ng Kautusan, ang mga tao ay hindi nagawang sundin ang mga batas at nasa panganib na mahatulan ng kamatayan. Samakatuwid, ayon sa mga pangangailangan ng tiwaling sangkatauhan, ang Diyos ay gumawa ng isang yugto ng gawain ng pagtubos upang patawarin ang mga kasalanan ng tao at itinuro sa mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya ang landas na kailangan nilang pasukin. Sa pagsasagawa ng katotohanan na ipinahayag ng Panginoong Jesus, medyo nagbago ang ating pag-uugali, subalit hindi maikakaila na madalas pa rin tayong magkasala at sumalungat sa mga turo ng Panginoon. Halimbawa, nagsisinungaling at nanloloko tayo alang-alang sa ating sariling interes; maaari tayong mainggit at mapoot sa iba; tayo ay mayabang at palalo, nagpapakitang-gilas, itinataas ang ating sarili at minamaliit ang iba; kapag nakatagpo tayo ng natural at gawang tao na mga sakuna, o mga pagsubok at pagdurusa, sinisisi pa rin natin at ipinagkakanulo ang Diyos; kapag ang gawain ng Diyos ay hindi umaayon sa ating mga kuru-kuro, hinahatulan pa rin natin at nilalabanan ang Diyos; …Kahit na pinagsisikapan nating pigilan ang ating sarili, hindi pa rin natin maiwasang makagawa ng kasalanan, hindi maalis ang mga gapos at hadlang ng kasalanan. Ito ay sapagkat ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi gawain ng pagpapahayag ng katotohanan upang linisin ang tao at ito ang gagawin ng Diyos sa pagbabalik Niya sa mga huling araw. Katulad ng minsang ipinropesiya ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). “At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi Ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48). “Pakabanalin Mo sila sa katotohanan: ang salita Mo’y katotohanan” (Juan 17:17). At sinasabi sa 1 Pedro 4:17: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.” Ipinopropesiya sa Pahayag 22:14: “Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan.

Tulad ng makikita mula sa mga propesiya na ito, sapagkat ang tayog ng mga tao sa panahong iyon ay napakababa, sa Kapanahunan ng Biyaya ang Panginoong Jesus ay hindi nagpahayag ng masyadong maraming katotohanan o binigyan tayo ng isang paraan upang malutas ang ating satanikong kalikasan. Sa gayon ay ipinropesiya ng Panginoon na Siya ay babalik, na Siya ay magpapahayag ng higit pa at mas mataas na mga katotohanan, at gagawin Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos—hahatulan Niya at lilinisin ang ating mga masasamang disposisyon sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na gawain at mga salita. Na ibig sabihin, sa mga huling araw ay magpapahayag ang Diyos ng maraming katotohanan kaysa sa lahat ng nasa Biblia upang dalisayin at baguhin ang tao, na pinapahintulutan tayong ganap na makatakas mula sa kasalanan at sa huli ay makapasok sa kaharian ng Diyos. Samakatuwid, sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa Panginoon at pagkamit ng katotohanan na ibibigay sa atin ng Diyos sa mga huling araw maaari tayong madalisay at maligtas.

Narinig Mo na Ba ang Katotohanan na Ipinahayag ng Cristo ng mga Huling Araw?

Sa mundo ngayon, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos lamang ang bukas na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na bilang Makapangyarihang Diyos. Pinatototohanan nila na ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng maraming katotohanan at isiniwalat ang mga misteryo sa Biblia, at nagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos upang iligtas at linisin ang tao, inililigtas tayo nang lubusan mula sa kadena ng kasalanan. Ganap nitong natutupad ang mga propesiya ng Panginoong Jesus na nagpapahayag ng katotohanan upang isagawa ang gawain ng paghatol.

Basahin natin ang ilan pa sa mga talata ng mga salita ng Diyos: “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos.

Napakalinaw ng mga salita ng Diyos; ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya na pinatawad ang mga tao sa kanilang mga kasalanan at pinalaya sila mula sa pagkondena ng mga batas. Gayunpaman, hindi tayo pinawalang-sala ng Panginoong Jesus sa ating makasalanang kalikasan at satanikong disposisyon, kaya napakahirap para sa atin na makatakas sa paulit-ulit na pagkakasala at pagtatapat at hindi pa rin natin maiwaksi ang mga kadena at paghihigpit ng kasalanan gaano mang hirap nating subukan.

Samakatuwid, alinsunod sa ating mga pangangailangan bilang tiwaling sangkatauhan, ang Diyos ay ginawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, at ganap Niyang ipinahayag sa atin ang Kanyang matuwid, maharlika, galit na disposisyon na hindi pinapayagan ang pagkakasala. Ipinapahayag Niya ang lahat ng katotohanan para sa pagdadalisay, pagliligtas at pagpeperpekto sa tao upang lubos na matanggal ang sanhi ng ating mga kasalanan. Ang katotohanang ipinahayag ng Diyos sa mga huling araw ay ang katotohanan ng buhay na dapat taglayin ng mga tao sa Kapanahunan ng Kaharian. Sinasabi sa atin ng Diyos ang Kanyang mga hangarin sa paglikha ng sangkatauhan, at isinisiwalat ang lahat ng mga misteryo ng Kanyang plano ng pamamahala upang iligtas ang sangkatauhan: Ang misteryo ng tatlong yugto ng Kanyang gawain, ang diwa at nakapaloob na katotohanan ng bawat yugto ng Kanyang gawain, ang misteryo ng Kanyang pagkakatawang-tao, kung paano ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at kung paano matatakot ang mga tao sa Diyos at umiwas sa kasamaan, pati na rin kung paano tinitiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at mga taktika at panlilinlang ni Satanas upang itiwali ang sangkatauhan, at iba pa. Maliban sa pagsabi sa atin ng lahat ng mga katotohanang ito, inilalantad din at sinusuri ng Diyos ang ugat na sanhi ng paglaban ng tao sa Diyos, pinapayagan tayong malaman ang katotohanan at ang diwa ng sangkatauhan na tiniwali ni Satanas, at ipinapakita Niya sa atin ang landas upang maalis ang ating katiwalian at makamit ang pagbabago sa disposisyon. Bukod pa, sinasabi sa atin ng Diyos kung paano mabuhay ang normal na sangkatauhan, kung paano maging matapat na tao, kung paano maging mga taong sumusunod sa Diyos, mahal ang Diyos, at natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, at higit pa. Kung tatanggapin natin ang katotohanan bilang buhay na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, makakamit natin ang pagbabago sa disposisyon ng ating buhay, at maging mga taong may katotohanan at pagkatao. Ang mga nasabing tao ay ang mga nakakamit ng katotohanan at ginawang perpekto ng Diyos, ang mga nakatakas sa madilim na impluwensya ni Satanas at nakamit ng Diyos, at ang mga sumusunod sa Diyos, nagmamahal sa Diyos, gumagawa ng kalooban ng Diyos, at umaayon sa Diyos. Ang mga nasabing tao ay ang mga papasok sa kaharian ng Diyos at makakamit ang buhay na walang hanggan.

Pag-isipan natin ang tungkol dito: Sinong sikat na espirituwal na pigura ang maaaring magpahayag ng mga katotohanang ito? Sino ang lubos na makakapagpaliwanag sa misteryo ng gawain ng Diyos? Sino ang makakapagpahayag ng katotohanan upang linisin at iligtas ang tao at pakawalan sila mula sa kadena ng kasalan? Bukod sa Diyos Mismo, walang sinuman ang may kakayahang magpahayag ng mga katotohanan; tanging ang Diyos ang maaaring makapagpahayag ng katotohanan upang linisin at iligtas ang tao—ito ay ang katotohanang hindi maipagkakaila. Ngayon ang mga salitang ipinahayag ng Diyos ay nailathala sa online para sa lahat ng sangkatauhan na maghahanap at magsisiyasat. Sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, maraming mga tao na uhaw sa katotohanan ang nakakilala sa mga ito bilang katotohanan, bilang tinig ng Diyos, at isa-isa silang bumalik sa Makapangyarihang Diyos. Sumailalim sila sa paghatol at pagkastigo ng Diyos at naranasan ang paglilinis at pagbabago ng kanilang tiwaling disposisyon; lumikha sila ng iba’t ibang patotoo. May mga patotoo sa pagkamit ng tunay na pagsisisi at pagbabago ng kanilang disposisyon sa buhay sa pamamagitan ng pagsasailalim sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos; may mga patotoo sa pagsasagawa ng katotohanan at pagiging matapat na tao at matapat na paggawa ng kanilang tungkulin; may mga patotoo ng pagsunod at pagmamahal sa Diyos sa gitna ng mga pagsubok at pagpipino; mayroon ding mga patotoo ng mga mananagumpay, at marami pa. Ang mga patotoong ito ay nailathala sa online para makita ng lahat ng tao ang mga ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at makakapagpalinis at makakapagligtas ng tao, na ang Diyos ay nakamit na ang isang grupo ng tao na kaisa ng Kanyang isip, at na ang kaharian ng Diyos ay bumaba na sa lupa.

Ngayon, ang mga malalaking sakuna ay nangyayari at ang gawain ng paghatol at pagdadalisay ng Diyos sa mga huling araw ay nalalapit nang matapos. Sa importanteng oras na ito, kung hindi pa rin natin hahanapin at sisiyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, ano ang magiging huling kalalabasan natin? Ang Makapangyarihang Diyos ay pinapayuhan tayo: “Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan.


Magrekomenda nang higit pa:

Ang mga sakuna ay palala ng palala; ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay natupad na. Kung gayon sa anong paraan darating ang Panginoon? Ang Daily Devotional Tagalog ay makakatulong sa iyo na mahanap ang sagot. Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Paano dapat unawain ng isang tao na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula’y sumasa Dios” (Juan 1:1–2).

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin … na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).

“Ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay” (Juan 6:63).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang katotohanan ay nagmumula sa mundo ng tao, ngunit ang katotohanang nasa tao ay ipinamamana ni Cristo. Ito ay nagmumula kay Cristo, ibig sabihin, mula sa Diyos Mismo, at hindi ito isang bagay na kaya ng tao.

Hinango mula sa “Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Diyos Mismo ay buhay, at ang katotohanan, at sabay na umiiral ang Kanyang buhay at katotohanan. Yaong mga walang kakayahang makamit ang katotohanan ay hindi kailanman makakamit ang buhay. Kung wala ang patnubay, pag-alalay, at paglaan ng katotohanan, ang tanging makakamit mo lamang ay mga titik, mga doktrina, at, higit sa lahat, kamatayan. Laging naririyan ang buhay ng Diyos, at umiiral nang sabay ang Kanyang katotohanan at buhay. Kung hindi mo matatagpuan ang pinagmulan ng katotohanan, kung gayon hindi mo makakamit ang pampalusog ng buhay; kung hindi mo makakamit ang panustos ng buhay, kung gayon tiyak na hindi ka magkakaroon ng katotohanan, at sa gayon bukod sa mga guni-guni at mga pagkaintindi, magiging walang iba ang kabuuan ng katawan mo kundi ang laman mo—ang umaalingasaw mong laman. Alamin mong hindi itinuturing na buhay ang mga salita ng mga aklat, hindi maaaring ipagdiwang na katotohanan ang mga talaan ng kasaysayan, at hindi maaaring magsilbing isang ulat ng mga salitang sinasabi ng Diyos sa kasalukuyan ang mga tuntunin ng mga nakalipas na panahon. Tanging ang mga inihahayag lamang ng Diyos kapag pumarito Siya sa lupa at namumuhay kasama ng tao ay ang katotohanan, ang buhay, ang kalooban ng Diyos, at ang Kanyang kasalukuyang paraan ng paggawa.

Hinango mula sa “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at pagiging nakamamangha. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang diwa ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng salita, nahahayag ang tao, naaalis at sinusubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos, naniniwala ang tao sa pagiging makapangyarihan sa lahat at sa karunungan ng Diyos, gayundin sa pagmamahal ng Diyos para sa tao at Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng tao, ang mga pagkaunawa at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita. Ang buong sangkatauhan ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga pagpapala ng salita ng Diyos, at mas marami pang tao ang namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagtupad sa kalooban ng Diyos, at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na matatapos ang plano ng pamamahala.

Hinango mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Salita ay nagkatawang-tao at ang Espiritu ng katotohanan ay nagkatotoo sa katawang-tao—na lahat ng katotohanan, ng daan, at ng buhay, ay naparito na sa katawang-tao, at ang Espiritu ng Diyos ay talagang dumating na sa lupa at ang Espiritu ay naparito na sa katawang-tao. Bagama’t, sa tingin, mukhang naiiba ito mula sa paglilihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, sa gawaing ito nagagawa mong makita nang malinaw na ang Espiritu ay naisakatuparan na sa katawang-tao, at, bukod pa rito, ang Salita ay nagkatawang-tao na at ang Salita ay nagpakita na sa katawang-tao. Nagagawa mong maunawaan ang tunay na kahulugan ng mga salitang: “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.” Bukod pa rito, kailangan mong maunawaan na ang Salita sa ngayon ay ang Diyos, at masdan na ang Salita ay naging tao. Ito ang pinakamagandang patotoong maibabahagi mo. Pinatutunayan nito na taglay mo ang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos na naging tao—hindi mo lamang nagagawang makilala Siya, kundi nababatid mo rin na ang landas na iyong tinatahak sa ngayon ay ang landas ng buhay, at ang landas ng katotohanan. Tinupad lamang ng yugto ng gawaing isinagawa ni Jesus ang diwa ng “ang Verbo ay sumasa Dios”: Ang katotohanan ng Diyos ay sumasa Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay nasa katawang-tao at hindi maihihiwalay mula sa katawang-taong iyon. Ibig sabihin, ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay sumasa Espiritu ng Diyos, na mas malaking katunayan na si Jesus na nagkatawang-tao ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang yugtong ito ng gawain mismo ang tumutupad sa kahulugan sa loob ng “ang Salita ay naging tao,” nagbigay ng mas malalim na kahulugan sa “ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios,” at tinutulutan ka na matibay na paniwalaan ang mga salitang “Nang pasimula siya ang Verbo.” Na ibig sabihin, sa panahon ng paglikha ay may taglay na mga salita ang Diyos, ang Kanyang mga salita ay sumasa Kanya at hindi maihihiwalay sa Kanya, at sa huling kapanahunan, lalo pa Niyang nililinaw ang kapangyarihan at awtoridad ng Kanyang mga salita, at tinutulutan ang tao na makita ang lahat ng Kanyang paraan—na marinig ang lahat ng Kanyang salita. Gayon ang gawain ng huling kapanahunan. Kailangan mong maunawaan ang mga bagay na ito nang lubus-lubusan. Hindi ito tungkol sa pagkilala sa katawang-tao, kundi kung ano ang pagkaunawa mo sa katawang-tao at sa Salita. Ito ang patotoo na kailangan mong ibahagi, yaong kailangang malaman ng lahat.

Hinango mula sa “Pagsasagawa (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan, kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Bukod dito, hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, ito rin ang katawan kung saan bumabalik ang Diyos sa katawang-tao. Isa itong napakapangkaraniwang katawang-tao. Wala kang makikitang anumang nag-aangat sa Kanya mula sa iba, ngunit maaari kang magkamit mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi pa dating narinig. Itong hamak na katawang-taong ito ang kumakatawan sa lahat ng mga salita ng katotohanan mula sa Diyos, nangangasiwa sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos upang maintindihan ng tao. Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na maunawaan ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng mga lihim na ito—mga lihim na wala pang sinumang taong nakapagsabi sa iyo, at sasabihin din Niya sa iyo ang mga katotohanang hindi mo nauunawaan. Siya ang pintuan mo patungo sa kaharian, at gabay mo patungo sa bagong kapanahunan. Nagtataglay ng maraming mga hiwagang di-maarok ang gayong karaniwang katawang-tao. Maaaring di-malirip sa iyo ang Kanyang mga gawa, ngunit ang buong layunin ng lahat ng gawain Niya ay sapat na upang hayaan kang makitang hindi Siya, gaya ng inaakala ng mga tao, isang simpleng katawang-tao. Sapagkat kinakatawan Niya ang kalooban ng Diyos at ang pangangalagang ipinakita ng Diyos para sa sangkatauhan sa mga huling araw. Bagaman hindi mo naririnig ang mga salita Niya na tila yumayanig sa mga kalangitan at lupa, o nakikita ang mga mata Niya na tulad ng mga lumalagablab na apoy, at kahit na hindi mo nararamdaman ang disiplina ng Kanyang pamalong bakal, gayunman, maririnig mo mula sa Kanyang mga salita na mapagpoot ang Diyos, at mababatid na nagpapakita ang Diyos ng habag para sa sangkatauhan; makikita mo ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang karunungan Niya, at bukod dito, matatanto ang malasakit ng Diyos sa buong sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan ang tao na makita ang Diyos na nasa langit na namumuhay kasama ng mga tao sa lupa, at bigyang-kakayahan ang tao na mabatid, sundin, igalang, at mahalin ang Diyos. Ito ang dahilan kung bakit bumalik Siya sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon. …

… Dahil sa katawang-taong ito ang katotohanang nalaman ninyo ngayon. Dahil nabubuhay ang Diyos sa katawang-tao kaya kayo may pagkakataong mabuhay. Nakamit ang lahat ng magandang kapalarang ito dahil sa karaniwang taong ito. Hindi lamang ito, ngunit sa huli, sasamba ang bawat bansa sa karaniwang taong ito, gayundin magbibigay pasasalamat at susunod sa hamak na taong ito, dahil ang katotohanan, buhay, at daang dala Niya ang nagligtas sa buong sangkatauhan, nagpaluwag sa hidwaan sa pagitan ng tao at Diyos, nagpaikli sa agwat sa pagitan nila, at nagbukas ng ugnayan sa pagitan ng mga saloobin ng Diyos at tao. Siya rin ang nakakuha ng higit pang kaluwalhatian para sa Diyos. Hindi ba karapat-dapat sa tiwala at pagsamba mo ang karaniwang taong gaya nito? Hindi ba karapat-dapat na tawaging Cristo ang ganitong karaniwang katawang-tao? Maaari bang ang ganitong karaniwang tao ay hindi maging pagpapahayag ng Diyos sa mga tao? Hindi ba karapat-dapat ang ganitong tao, na nagligtas sa sangkatauhan mula sa sakuna, sa pagmamahal at pagnanais ninyong kumapit sa kanya? Kung tinatanggihan ninyo ang mga katotohanang ipinahahayag mula sa Kanyang bibig at kinamumuhian ang Kanyang pag-iral kasama ninyo, ano ang mangyayari sa inyo sa huli?

Hinango mula sa “Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa mga Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Wala tayong kaalam-alam, pinangungunahan tayo ng hamak na taong ito tungo sa sunud-sunod na hakbang ng gawain ng Diyos. Sumasailalim tayo sa hindi-mabilang na mga pagsubok, nagpapasan ng hindi-mabilang na mga pagkastigo, at sinusubok ng kamatayan. Natututuhan natin ang matuwid at maringal na disposisyon ng Diyos, natatamasa, rin, ang Kanyang pag-ibig at awa, pinahahalagahan ang dakilang kapangyarihan at karunungan ng Diyos, nasasaksihan ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at napagmamasdan ang Kanyang sabik na pagnanais na iligtas ang tao. Sa mga salita ng karaniwang taong ito, nalalaman natin ang disposisyon at diwa ng Diyos, naiintindihan ang kalooban ng Diyos, nalalaman ang kalikasan at diwa ng tao, at nakikita ang daan ng kaligtasan at pagka-perpekto. Ang Kanyang mga salita ay nagsasanhi ng ating “kamatayan,” at muli nagsasanhi ng ating “kapanganakang muli”; ang Kanyang mga salita ay nagdudulot ng kaginhawahan, gayunpaman ay iniiwan din tayong naliligalig ng pagkakasala at ng pakiramdam na may-pagkakautang; ang Kanyang mga salita ay nagdadala sa atin ng kagalakan at kapayapaan, subali’t ito’y nagbibigay din ng walang-katapusang pasakit. Minsan tayo ay parang mga tupang kakatayin sa Kanyang mga kamay; minsan tayo ay Kanyang kinagigiliwan, at tinatamasa ang Kanyang malambing na pagsinta; minsan tayo ay parang Kanyang kaaway, at nagiging abo dahil sa Kanyang galit sa Kanyang mga mata. Tayo ang sangkatauhan na Kanyang iniligtas, tayo ang mga uod sa Kanyang paningin, at tayo ang mga ligaw na tupa na Kanyang pilit na hinahanap araw at gabi. Siya ay maawain sa atin, tayo ay Kanyang kinamumuhian, tayo ay Kanyang iniaangat, tayo ay Kanyang inaaliw at pinapayuhan, tayo ay Kanyang ginagabayan, tayo ay Kanyang nililiwanagan, tayo ay Kanyang kinakastigo at dinidisiplina, at tayo rin ay Kanyang isinusumpa. Siya ay laging nag-aalala para sa atin sa gabi at araw, at tayo ay Kanyang kinakalinga at pinangangalagaan sa gabi at araw, hindi kailanman lumilisan sa ating tabi, kundi ibinubuhos ang lahat ng Kanyang pangangalaga sa atin at nagbabayad ng anumang halaga para sa atin. Sa loob ng mga pagbigkas nitong maliit at karaniwang katawang-tao, natamasa na natin ang kabuuan ng Diyos, at namasdan ang hantungan na naipagkaloob na sa atin ng Diyos. Nguni’t sa kabila nito, nananatili ang kayabangan sa ating mga puso, at ayaw pa rin nating loobing masigasig na tanggapin ang taong ito bilang ating Diyos. Kahit na nabigyan na Niya tayo ng napakaraming manna, napakarami upang ating tamasahin, wala sa mga ito ang nakakaagaw sa lugar ng Diyos sa ating mga puso. Ating pinararangalan ang natatanging pagkakakilanlan at katayuan ng taong ito nang may matinding pag-aatubili. Hangga’t Siya ay hindi nagsasalita upang hingin sa atin na Siya ay ating kilalanin bilang Diyos, hindi tayo kailanman magkukusa na Siya ay kilalanin bilang ang Diyos na malapit nang dumating at gayunman ay gumagawa na nang matagal sa ating kalagitnaan.

Ipinagpapatuloy ng Diyos ang Kanyang mga pagbigkas, gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan at pananaw upang pagsabihan tayo kung ano ang nararapat gawin habang kasabay na binibigyang-tinig ang Kanyang puso. Ang Kanyang mga salita ay nagdadala ng kapangyarihan ng buhay, ipinakikita sa atin ang paraan kung paano tayo dapat lumakad, at binibigyang-kakayahan tayo na maintindihan ang katotohanan. Nagsisimula tayong maakit sa Kanyang mga salita, sinisimulan nating ituon ang ating pansin sa himig at paraan ng Kanyang pananalita, at wala tayong kamalay-malay na nagsisimulang magkainteres sa kaloob-loobang damdamin ng pangkaraniwang taong ito. Siya ay gumagawa nang maingat na pagsisikap para sa atin, nagtitiis ng puyat at gutom para sa atin, umiiyak para sa atin, naghihinagpis para sa atin, dumadaing sa sakit para sa atin, nakakaranas ng pagpapahiya para sa kapakanan ng ating hantungan at kaligtasan, at ang Kanyang puso ay dumudugo at lumuluha dahil sa ating pagiging manhid at pagkamapanghimagsik. Ang may ganitong pagkatao at pag-uugali ay hindi karaniwang tao, ni hindi ito maaaring taglayin o makamit ng sinumang nilalang na ginawang tiwali. Siya ay may pagpaparaya at pagtitiis na hindi angkin ng karaniwang tao, at ang Kanyang pagmamahal ay hindi taglay ng sinumang nilikha. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makakaalam sa lahat ng ating iniisip, o may gayong kalinaw at ganap na pagtarok sa ating kalikasan at diwa, o nakakahatol sa pagkamapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o nakakapagsalita sa atin at gumagawa sa ating kalagitnaan nang ganito sa ngalan ng Diyos sa langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang pinagkakalooban ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan ng mga ito, mula sa Kanya. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makakapagpakita sa atin ng daan at makakapagdala sa atin ng liwanag. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makakapagbunyag ng mga hiwaga na hindi pa naipaalam ng Diyos mula sa paglikha hanggang ngayon. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makakapagligtas sa atin mula sa gapos ni Satanas at ng ating sariling tiwaling disposisyon. Kinakatawan Niya ang Diyos. Inihahayag Niya ang tinig ng puso ng Diyos, ang mga pangaral ng Diyos, at ang mga salita ng paghatol ng Diyos sa buong sangkatauhan. Siya ay nagsimula na ng isang bagong kapanahunan, isang bagong panahon, at naghatid ng isang bagong langit at lupa at bagong gawain, at Siya ay nagdala na sa atin ng pag-asa, tinatapos ang ating pamumuhay sa kalabuan at hinahayaan ang ating buong pagkatao na lubos na mamasdan, nang buong kalinawan, ang daan ng kaligtasan. Kanyang nalupig na ang ating buong pagkatao, at nakamit ang ating mga puso. Mula sa sandaling iyon, ang ating mga isipan ay nagkamalay na, at ang ating mga espiritu ay tila napanumbalik: Ang karaniwan at hamak na taong ito, na namumuhay kasama natin at matagal na nating tinanggihan—hindi ba’t Siya ang Panginoong Jesus, na laging nasa ating mga isipan, gising man o nananaginip, at ating inaasam sa gabi at araw? Ito ay Siya! Ito ay talagang Siya! Siya ang ating Diyos! Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay! Tayo ay nabigyang-kakayahan na Niyang mabuhay muli at makita ang liwanag, at napatigil na ang ating mga puso sa paglihis. Tayo ay nagbalik na sa tahanan ng Diyos, tayo ay nagbalik na sa harap ng Kanyang trono, tayo ay kaharap Niya, nasaksihan na natin ang Kanyang mukha, at nakita na natin ang landas sa hinaharap.

Hinango mula sa “Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Aking mga salita ay ang di-nagbabagong katotohanan magpakailanman. Ako ang panustos ng buhay para sa tao at ang tanging gabay para sa sangkatauhan. Ang kahalagahan at kahulugan ng Aking mga salita ay hindi pinagpapasyahan kung ang mga ito man ay kinikilala at tinatanggap ng sangkatauhan, nguni’t sa pamamagitan ng diwa ng mga salita mismo. Kahit na wala ni isang tao sa daigdig na ito ang maaaring makatanggap ng Aking mga salita, ang halaga ng Aking mga salita at ang tulong nito sa sangkatauhan ay hindi masusukat ng sinumang tao. Samakatuwid, kapag nahaharap sa maraming tao na nagrerebelde, tumatanggi, o lubos na nilalait ang Aking mga salita, ang Aking paninindigan ay ito lamang: Hayaang Aking maging saksi ang panahon at mga katunayan at ipakita na ang Aking mga salita ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Hayaang ipakita ng mga ito na lahat ng Aking nasabi ay tama, at iyon ang dapat ipagkaloob sa tao, at, higit pa rito, ang dapat tanggapin ng tao. Hahayaan Ko ang lahat ng sumusunod sa Akin na malaman ang katunayang ito: Ang mga hindi kayang tanggapin nang lubos ang Aking mga salita, ang mga hindi kayang isagawa ang Aking mga salita, ang mga hindi makahahanap ng layunin sa Aking mga salita at ang mga hindi kayang tanggapin ang kaligtasan dahil sa Aking mga salita, ay ang mga taong nahusgahan ng Aking mga salita at, bukod dito, nawalan ng Aking pagliligtas, at hindi kailanman nalilihis ang Aking pamalo sa kanila.

Hinango mula sa “Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan. Hindi kailanman magkakamit ng buhay yaong mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga titik, at iginapos ng kasaysayan, ni hindi makakamit ang walang hanggang daan ng buhay. Ito ay sapagkat ang mayroon lamang sila ay malabong tubig na kinapitan ng libu-libong taon sa halip na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono. Mananatili magpakailanman na mga bangkay, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno yaong mga hindi nabigyan ng tubig ng buhay. Kung gayon, paano nila mapagmamasdan ang Diyos? Kung sinusubukan mo lamang na hawakan ang nakaraan, sinusubukan lamang na panatilihin ang mga bagay sa kung ano sila sa pamamagitan ng hindi paggalaw, at hindi sinusubukang baguhin ang nakasanayan na at itapon ang kasaysayan, kung gayon hindi ka ba magiging palaging laban sa Diyos? Malawak at makapangyarihan ang mga hakbang ng gawain ng Diyos, tulad ng rumaragasang mga alon at dumadagundong na mga kulog—subalit nakaupo kang walang imik na naghihintay ng pagkawasak, nakakapit sa kahangalan mo at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na isang taong sumusunod sa mga yapak ng Cordero? Paano mo mabibigyang-katwiran na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi kailanman luma? At paano ka maihahatid ng mga salita sa mga nanilaw mong mga libro patawid sa panibagong kapanahunan? Paano ka nila maaakay para mahanap mo ang mga hakbang ng gawain ng Diyos? At paano ka nila madadala paakyat sa langit? Ang hawak mo sa mga kamay mo ay ang mga titik na magbibigay lamang ng panandaliang ginhawa, hindi ang mga katotohanang kayang magbigay ng buhay. Napagyayaman lamang ng mga banal na kasulatang binabasa mo ang dila mo at hindi ng mga salita ng karunungang makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi sa mga landas na makapaghahatid sa iyo sa pagkaperpekto. Hindi ba nagdudulot sa iyo ng pagmumuni-muni ang pagkakaibang ito? Hindi ba pinagtatanto ka nito sa mga hiwagang sumasaloob? May kakayahan ka bang dalhin ang sarili mo sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung walang pagdating ng Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang matamasa ang kasiyahang pampamilya kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi Ko, kung gayon, na ihinto mo ang pananaginip at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon—tingnan para makita kung sino ngayon ang nagpapatupad sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi mo gagawin, hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan, at hindi kailanman makakamit ang buhay.

Hinango mula sa “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Pinakakatawa-tawang mga tao sa mundo yaong mga nagnanais na makamit ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanang sinabi ni Cristo, at mga ligaw sa guni-guni yaong mga hindi tinatanggap ang daan ng buhay na dinala ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na magpakailanmang kamumuhian ng Diyos yaong mga taong hindi tinatanggap si Cristo ng mga huling araw. Si Cristo ang pasukan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, at walang sinuman ang makalalampas sa Kanya. Walang sinuman ang maaaring gawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lamang. Naniniwala ka sa Diyos, at sa gayon dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang daan. Hindi mo maaaring isipin lamang ang magkamit ng mga pagpapala habang wala kang kakayahang tumanggap ng katotohanan at walang kakayahang tumanggap ng paglalaan ng buhay. Darating si Cristo sa mga huling araw upang mabigyan ng buhay lahat yaong mga tunay na naniniwala sa Kanya. Alang-alang sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at ang pagpasok sa bago ang Kanyang gawain, at ito ang landas na dapat tahakin ng yaong lahat ng mga papasok sa bagong kapanahunan. Kung wala kang kakayahang kilalanin Siya, at sa halip pinarurusahan, nilalapastangan, o inuusig din Siya, kung gayon nakatadhana kang masunog nang walang-hanggan at hindi kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos. Dahil ang Cristong ito ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa lupa. Kaya naman sinasabi Ko na kung hindi mo tatanggapin ang lahat ng ginagawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu. Maliwanag sa lahat ang ganting matatanggap ng yaong mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu. Sinasabi Ko rin sa iyo na kapag nilalabanan mo si Cristo ng mga huling araw, kung tatanggihan mo nang may paghamak si Cristo ng mga huling araw, wala nang sinuman ang makapagpapasan sa mga kahihinatnan alang-alang sa iyo. Higit pa rito, simula sa araw na ito at sa mga susunod pa hindi ka magkakaroon ng isa pang pagkakataong makamit ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukin mo pang tubusin ang sarili mo, hindi mo muling mapagmamasdan ang mukha ng Diyos. Sapagkat hindi isang tao ang nilalabanan mo, hindi isang mahinang nilalang ang tinatanggihan mo nang may paghamak, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang magagawa mo, kundi isang karumal-dumal na krimen. Kaya naman pinapayuhan Ko ang lahat na huwag ilabas ang mga pangil ninyo sa harap ng katotohanan, o gumawa ng bulagsak na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lamang ang makapagdadala sa iyo ng buhay, at wala kundi ang katotohanan ang makapagpapahintulot na muli kang isilang at mapagmasdang muli ang mukha ng Diyos.

Hinango mula sa “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Magrekomenda nang higit pa:

Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw – patahimikin ang iyong sarili sa harap ng Diyos upang makinig at pagnilayan ang mga salita ng Diyos araw-araw. Ang iyong espiritu ay makakakain at matutustusan, at ang iyong buhay ay patuloy na lalago. Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Tungkol sa Buhay ni Pedro

Si Pedro ang huwaran ng Diyos para sa sangkatauhan, isang inspirasyon na kilala ng lahat. Bakit kaya itinaas ng Diyos ang isang taong lubhang pangkaraniwan bilang isang halimbawa at dinakila ng sunud-sunod na mga henerasyon? Malinaw na hindi ito maihihiwalay sa pagpapahayag niya ng pagmamahal sa Diyos at paninindigang mahalin ang Diyos. Tungkol naman sa kung paano nahayag ang puso ni Pedro na nagmamahal sa Diyos, at kung ano ba talaga ang mga karanasan niya sa buhay, kailangan nating bumalik sa Kapanahunan ng Biyaya para muling tingnan ang mga kaugalian noong panahong iyon at obserbahan ang Pedro ng panahong iyon.

Ipinanganak si Pedro sa isang pangkaraniwang pamilya ng mga magbubukid na Judio. Itinaguyod ng kanyang mga magulang ang buong pamilya sa pamamagitan ng pagsasaka, at siya ang panganay sa mga anak, may apat siyang kapatid na lalaki at babae. Siyempre pa, hindi ito ang pangunahing bahagi ng ating kuwento; si Pedro ang ating pangunahing tauhan. Noong siya ay limang taong gulang, sinimulang turuan si Pedro ng kanyang mga magulang na magbasa. Noong panahong iyon, medyo edukado ang mga Judio, at higit na maunlad sa mga larangan ng agrikultura, industriya, at negosyo. Dahil sa kanilang kapaligirang panlipunan, nakapag-aral ang mga magulang ni Pedro ng mataas na edukasyon. Kahit nanggaling sila sa probinsya, mataas ang kanilang pinag-aralan at maihahambing sa karaniwang mga estudyante sa unibersidad sa panahon ngayon. Malinaw na pinagpalang maisilang si Pedro sa ganoon kagandang kalagayang panlipunan. Dahil matalino at mabilis matuto, madali siyang nakakuha ng mga bagong ideya. Nang magsimula siyang mag-aral, napakadali niyang natutuhan ang kanyang mga leksyon. Ipinagmamalaki ng kanyang mga magulang ang pagkakaroon ng ganoon katalinong anak, at ginawa nila ang lahat para makapasok siya sa paaralan, umaasang magiging tanyag siya at makakakuha ng kahit na anong opisyal na puwesto sa lipunan. Hindi nila namalayan, naging interesado si Pedro sa Diyos, kung kaya, sa edad na labing-apat, habang nasa mataas na paaralan siya, nagsawa siya sa kurikulum ng Sinaunang Kulturang Griyego na pinag-aaralan niya, lalo na sa mga kathang-isip na tao at gawa-gawang pangyayari sa sinaunang kasaysayan ng mga Griyego. Mula noon, sinimulang subukan ni Pedro—na katutungtong pa lang sa kasagsagan ng kanyang kabataan—na tumuklas pa tungkol sa buhay ng tao at sa mas malawak na mundo. Hindi siya pinilit ng kanyang konsensya na suklian ang mga pasakit na dinanas ng kanyang mga magulang, dahil malinaw niyang nakita na nabubuhay ang lahat ng tao sa kalagayan ng panlilinlang sa sarili, walang kabuluhan ang buhay nilang lahat, sinisira ang sarili nilang buhay sa pagsisikap magkamit ng kayamanan at pagkilala. Malaki ang kinalaman ng kapaligirang panlipunang kinaroroonan niya sa kanyang pananaw. Kapag mas malawak ang kaalaman ng mga tao, mas masalimuot ang mga pakikipag-ugnayan nila sa iba at ang panloob na mundo nila, at samakatuwid, mas umiiral sila sa kahungkagan. Sa ganitong kalagayan, ginugol ni Pedro ang libre niyang oras sa mga malawakang pagbisita, karamihan doon ay sa mga relihiyosong tao. Sa puso niya, may tila malabong pakiramdam na maaaring relihiyon ang makapagpapaliwanag sa lahat ng hindi maipaliwanag sa mundo ng tao, kaya’t malimit siyang pumunta sa isang kalapit na sinagoga para dumalo sa mga pagsamba. Lingid ito sa kaalaman ng kanyang mga magulang, at hindi nagtagal ay nagsimulang kamuhian ni Pedro, na noon pa man ay may mabuting pagkatao at mahusay na pinag-aralan, ang pagpasok sa paaralan. Sa ilalim ng patnubay ng kanyang mga magulang, muntik na siyang hindi makatapos ng mataas na paaralan. Habang lumalangoy pabalik sa pampang mula sa karagatan ng kaalaman, huminga siya nang malalim; mula noon, wala nang magtuturo o maghihigpit sa kanya.

Nang makatapos ng pag-aaral, sinimulan niyang magbasa ng lahat ng uri ng aklat, ngunit sa edad na labimpito, wala pa rin siyang gaanong karanasan sa mas malawak na mundo. Nang makapagtapos sa paaralan, itinaguyod niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsasaka habang naglalaan ng maraming oras sa pagbabasa ng mga aklat at pagdalo sa mga pagsamba. Ang kanyang mga magulang, na malaki ang inaasahan sa kanya, ay madalas isumpa ang Langit dahil sa kanilang “mapanghimagsik na anak,” ngunit kahit ito ay hindi nakapigil sa pagkagutom at pagkauhaw niya para sa katuwiran. Hindi lang iilan ang pinagdaanang problema ni Pedro sa kanyang mga karanasan, ngunit walang kabusugan ang kanyang puso, at lumago siyang parang damo pagkatapos ng ulan. Hindi nagtagal, naging sapat na “mapalad” siya para makatagpo ng ilang matataas na tao sa mundo ng relihiyon, at dahil napakatindi ng kanyang pananabik, nagsimula siyang sumama sa kanila nang mas madalas, hanggang sa halos buong oras niya ay iginugol niya kasama sila. Sa gitna ng kuntentong kaligayahan, bigla niyang napagtanto na karamihan sa mga taong ito ay naniniwala gamit ang kanilang mga labi, at hindi pa nila naibigay ang kanilang puso sa kanilang paniniwala. Paano matitiis ni Pedro, na may pusong matuwid at dalisay, ang ganoon kalaking dagok? Napagtanto niya na halos lahat ng taong nakasama niya ay mga hayop na nakadamit pantao—mga hayop sila na mukhang tao. Noong panahong iyon, wala pang kamuwang-muwang si Pedro, kaya sa ilang pagkakataon ay taos-puso niya silang pinakiusapan. Ngunit paano naman makikinig ang mga tuso at mautak na kilalang tao sa relihiyon sa mga pagsusumamo ng masigasig na binatang ito? Sa pagkakataong iyon ay nadama ni Pedro ang tunay na kahungkagan ng buhay ng tao: Sa unang hakbang sa yugto ng buhay, siya ay nabigo…. Makalipas ang isang taon, lumayo siya sa sinagoga at nagsimulang mamuhay nang hiwalay sa kanila.

Dahil sa problemang iyon mas naging husto ang pag-iisip at nasanay na sa kamunduhan ang labing-walong taong gulang na si Pedro. Wala nang anumang bahid ng kawalang-muwang ng kanyang kabataan; ang kawalang-malay at katapatan ng bata ay malupit na sinupil ng problemang naranasan niya, at nagsimula siyang mamuhay bilang isang mangingisda. Mula noon, makikita ang mga taong nakikinig sa pangangaral niya sa kanyang bangka. Dahil pangingisda ang ikinabubuhay niya, ipinapalaganap niya ang mensahe saan man siya magpunta, at lahat ng pinangaralan niya ay namangha sa kanyang mga sermon, dahil napukaw ng kanyang ipinapahayag ang puso ng mga karaniwang tao, at tunay silang naantig ng kanyang katapatan. Malimit niyang ituro sa mga tao na tratuhin ang iba nang taos-puso, na tumawag sa Kataas-taasan ng kalangitan at lupa at lahat ng bagay, at na huwag balewalain ang kanilang konsensya at gumawa ng mga kahiya-hiyang bagay, sa lahat ng bagay ay bigyang-kasiyahan ang Diyos na minamahal nila sa kanilang puso… Madalas na lubhang naaantig ang mga tao matapos makinig sa kanyang mga sermon; lahat sila ay nakakakuha ng inspirasyon sa kanya at madalas maluha. Noong panahong iyon, labis siyang hinahangaan ng lahat ng kanyang mga tagasunod, na pawang mga dukha at natural, dahil sa lipunan noong panahong iyon, ay iilan lang. Inusig din si Pedro ng mga relihiyosong elemento ng lipunan noong panahong iyon. Dala ng lahat ng iyon, sa loob ng dalawang taon, nagpalipat-lipat siya ng tirahan at mag-isang namuhay. Sa loob ng dalawang taon ng mga pambihirang karanasang iyon, marami siyang napulot na kaalaman at maraming natutuhan tungkol sa mga bagay na dati ay hindi niya alam, dahil doon ay hindi na siya makilala mula sa labing-apat na taong gulang niyang sarili, na tila wala na siyang pagkakapareho ngayon. Sa loob ng dalawang taong ito ay nakatagpo niya ang lahat ng klase ng tao at nakita ang lahat ng uri ng katotohanan tungkol sa lipunan, bunga noon ay unti-unti na niyang sinimulang itigil ang lahat ng uri ng ritwal mula sa mundo ng relihiyon. Lubha rin siyang naapektuhan ng mga pag-usad ng gawain ng Banal na Espiritu noong panahong iyon; noon, maraming taon nang gumagawa si Jesus, kaya naimpluwensyahan din ng gawain ng Banal na Espiritu noon ang gawain ni Pedro, bagama’t hindi pa niya nakikilala si Jesus. Dahil dito, noong nangangaral si Pedro, maraming bagay siyang natamo na hindi natamo ng mga naunang henerasyon ng mga banal. Siyempre pa, noong panahong iyon, medyo may alam na siya tungkol kay Jesus, ngunit hindi pa siya nagkaroon ng pagkakataong makita Siya nang harapan. Umasa lang siya at nanabik na makita ang makalangit na taong bunga ng Banal na Espiritu.

Isang gabi na magtatakipsilim, nangingisda si Pedro mula sa kanyang bangka (malapit sa dalampasigan ng tinatawag noon na Dagat ng Galilea). May hawak siyang pamingwit, ngunit ibang mga bagay ang nasa kanyang isipan. Tinatanglawan ng lumulubog na araw ang ibabaw ng tubig na parang isang malawak na karagatan ng dugo. Mababanaag ang liwanag sa bata subalit payapa at panatag na mukha ni Pedro; tila malalim ang iniisip niya. Sa sandaling iyon, umihip ang hangin, at bigla niyang nadama ang kalumbayan ng kanyang buhay, na agad na naghatid sa kanya ng kapanglawan. Habang nagniningning sa liwanag ang mga alon ng karagatan, naging malinaw na wala siya sa kundisyon na mangisda. Habang nag-iisip nang malalim, bigla siyang may narinig na nagsalita sa kanyang likuran, “Simon Barjona na Judio, malungkot ang mga araw ng iyong buhay. Susunod ka ba sa Akin?” Sa pagkabigla, agad nabitiwan ni Pedro ang pamingwit na hawak niya, na mabilis na lumubog sa ilalim ng dagat. Nagmamadaling lumingon si Pedro at nakita niya ang isang lalaking nakatayo sa kanyang bangka. Tiningnan niya ang lalaki mula ulo hanggang paa: Ang buhok ng lalaki, na hanggang balikat Niya, ay medyo ginintuang dilaw sa liwanag ng araw, kulay-abo ang Kanyang kasuotan, katamtaman ang tangkad, at nakabihis na gaya ng isang lalaking Judio mula ulo hanggang paa. Sa dumidilim na paligid, nagmukhang medyo itim ang kulay-abong kasuotan ng lalaki, at tila may bahagyang kintab ang Kanyang mukha. Maraming beses nang sinikap ni Pedro na makilala si Jesus, ngunit hindi siya nagtagumpay kailanman. Noong sandaling iyon, sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa, naniwala si Pedro na ang lalaking ito na marahil ang banal na nasa puso niya, kung kaya nagpatirapa siya sa bangkang pangisda at sinabi, “Ikaw nga kaya ang Panginoon na naparito upang ipangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng langit? Nabalitaan ko na ang tungkol sa Iyong mga karanasan, ngunit ngayon lang Kita nakita. Noon ko pa gustong sumunod sa Iyo, ngunit hindi Kita matagpuan.” Sa oras na iyon, lumipat na si Jesus sa kamarote ng bangka, kung saan panatag Siyang nakaupo. “Tumayo ka riyan at maupo sa tabi Ko!” wika Niya. “Narito Ako para hanapin yaong mga tunay na nagmamahal sa Akin. Naparito Ako lalo na para ipalaganap ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, at maglalakbay Ako sa buong lupain para hanapin yaong mga sumasang-ayon sa Akin. Handa ka ba?” Tumugon si Pedro: “Kailangan kong sundan yaong isinugo ng Ama sa langit. Kailangan kong kilalanin yaong pinili ng Banal na Espiritu. Dahil mahal ko ang Ama sa langit, paano akong hindi magiging handang sumunod sa Iyo?” Bagama’t puno ng mga relihiyosong pagkaunawa ang mga salita ni Pedro, ngumiti si Jesus at tumango nang may kasiyahan. Noong sandaling iyon, nadama Niyang sumibol ang pagmamahal ng isang ama sa Kanyang kalooban para kay Pedro.

Sinundan ni Pedro si Jesus nang ilang taon at maraming nakita sa Kanya na wala sa ibang tao. Matapos Siyang sundan nang isang taon, pinili ni Jesus si Pedro mula sa labindalawang alagad. (Siyempre, hindi ito sinabi nang malakas ni Jesus, at ni hindi iyon alam ng iba.) Sa buhay, sinukat ni Pedro ang kanyang sarili ayon sa lahat ng ginawa ni Jesus. Higit sa lahat, ang mga mensaheng ipinangaral ni Jesus ay nakaukit sa kanyang puso. Lubos siyang naging dedikado at tapat kay Jesus, at hindi siya kailanman nagsabi ng anumang mga hinaing laban sa Kanya. Dahil doon, naging tapat na kasama siya ni Jesus saanman Siya nagpunta. Inobserbahan ni Pedro ang mga turo ni Jesus, ang mahinahon Niyang mga salita, kung ano ang kinakain Niya, ang Kanyang pananamit, ang Kanyang tirahan, at kung paano Siya maglakbay. Tinularan niya si Jesus sa lahat ng aspeto. Hindi siya kailanman naging mapagmagaling, kundi iwinaksi niya ang lahat ng lipas na, na sinusunod ang halimbawa ni Jesus kapwa sa salita at gawa. Noon nadama ni Pedro na ang kalangitan at lupa at lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat at na, dahil dito, wala siyang pansariling pasiya. Natutuhan din ni Pedro ang lahat ng tungkol kay Jesus at ginamit iyon bilang halimbawa. Ipinapakita ng buhay ni Jesus na hindi Siya mapagmagaling sa Kanyang ginagawa; sa halip na ipagmalaki ang Kanyang sarili, pinukaw Niya ang mga tao sa pamamagitan ng pagmamahal. Ipinakita ng iba’t-ibang bagay kung ano si Jesus, at dahil dito, tinularan ni Pedro ang lahat ng tungkol sa Kanya. Dahil sa kanyang mga karanasan, nagkaroon si Pedro ng nag-iibayong pagkaunawa sa pagiging kaibig-ibig ni Jesus, at nagsabi ng mga bagay na tulad ng, “Hinanap ko ang Makapangyarihan sa lahat sa buong sansinukob, at namalas ko ang mga kababalaghan ng kalangitan at lupa at lahat ng bagay, at sa gayon ay nagkaroon ako ng malalim na pagkaunawa sa pagiging kaibig-ibig ng Makapangyarihan sa lahat. Gayunman, hindi ako nagkaroon kailanman ng tunay na pagmamahal sa aking sariling puso, at hindi pa kailanman nakita ng sarili kong mga mata ang pagiging kaibig-ibig ng Makapangyarihan sa lahat. Ngayon, sa paningin ng Makapangyarihan sa lahat, ako ay kinaluguran Niya, at sa wakas ay nadama ko na ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Sa wakas ay natuklasan ko na hindi minamahal ng sangkatauhan ang Diyos dahil lang nilikha Niya ang lahat ng bagay; sa aking pang-araw-araw na buhay, natagpuan ko ang Kanyang walang-hanggang pagiging kaibig-ibig. Paano iyon magiging limitado sa kung ano ang nakikita ngayon?” Sa paglipas ng panahon, marami ring kaibig-ibig na bagay ang nakita kay Pedro. Naging napakamasunurin niya kay Jesus, at siyempre, nagdanas din siya ng ilang problema. Kapag isinasama siya ni Jesus para mangaral sa iba’t-ibang lugar, laging nagpapakumbaba si Pedro at nakikinig sa mga sermon ni Jesus. Hindi siya kailanman naging mapagmataas dahil sa maraming taon ng pagsunod niya kay Jesus. Matapos sabihan ni Jesus na kaya Siya naparito ay upang ipako sa krus nang sa gayon ay matapos Niya ang Kanyang gawain, madalas makaramdam si Pedro ng pighati sa kanyang puso at lihim na iiyak nang mag-isa. Gayunpaman, dumating na sa wakas ang “malungkot” na araw na iyon. Matapos maaresto si Jesus, mag-isang umiyak si Pedro sa kanyang bangkang pangisda at umusal ng maraming dalangin para rito. Ngunit sa kanyang puso, alam niyang ito ang kalooban ng Diyos Ama, at na walang sinumang makapagpapabago roon. Nanatili siyang malungkot at naluluha dahil lamang sa kanyang pagmamahal. Isa itong kahinaan ng tao, siyempre. Sa gayon, nang malaman niyang ipapako si Jesus sa krus, tinanong niya si Jesus, “Sa Iyong pag-alis, babalik Ka ba sa aming piling at babantayan kami? Makikita Ka pa ba namin?” Bagama’t walang kamuwang-muwang ang mga salitang ito at puno ng mga pagkaintindi ng tao, alam ni Jesus ang pait ng pagdurusa ni Pedro, kaya sa pamamagitan ng Kanyang pagmamahal ay isinaalang-alang Niya ang kahinaan ni Pedro: “Pedro, minahal kita. Alam mo ba iyon? Bagama’t walang katwiran ang iyong sinasabi, nangako ang Ama na pagkatapos ng Aking pagkabuhay na mag-uli, magpapakita ako sa mga tao sa loob ng 40 araw. Hindi ka ba naniniwala na malimit na magkakaloob ng biyaya ang Aking Espiritu sa inyong lahat?” Kahit na bahagyang napayapa nito si Pedro, pakiramdam niya ay may isang bagay pa rin na nawawala, kaya nga, matapos mabuhay na mag-uli, hayagang nagpakita si Jesus sa kanya sa unang pagkakataon. Gayunman, para mapigilan si Pedro na patuloy na kumapit sa kanyang mga pagkaintindi, tinanggihan ni Jesus ang labis-labis na pagkaing inihanda ni Pedro para sa Kanya, at naglaho sa isang kisapmata. Mula sa sandaling iyon, sa wakas ay nagkaroon na si Pedro ng mas malalim na pagkaunawa sa Panginoong Jesus at lalo pa Siyang minahal. Pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli, malimit na nagpakita si Jesus kay Pedro. Tatlong beses pa Siyang nagpakita kay Pedro makalipas ang apatnapung araw at umakyat na Siya sa langit. Bawat pagpapakita ay mismong sa sandaling matatapos na ang gawain ng Banal na Espiritu at magsisimula na ang bagong gawain.

Sa buong buhay niya, nabuhay si Pedro sa pangingisda ngunit, higit pa roon, nabuhay siya upang mangaral. Sa kanyang katandaan, isinulat niya ang una at pangalawang sulat ni Pedro, pati na rin ang ilang liham sa iglesia ng Philadelphia noong panahong iyon. Ang mga tao sa panahong ito ay lubhang naantig sa kanya. Sa halip na magsermon sa mga tao gamit ang sarili niyang mga kaalaman, binigyan niya sila ng angkop na panustos sa buhay. Hindi niya kailanman nakalimutan ang mga turo ni Jesus bago Siya lumisan, at naging inspirasyon ang mga iyon sa kanyang buong buhay. Habang sinusundan si Jesus, nagpasiya siyang suklian ang pagmamahal ng Panginoon ng kanyang kamatayan at sundan ang Kanyang halimbawa sa lahat ng bagay. Sumang-ayon dito si Jesus, kaya nang si Pedro ay 53 taong gulang (mahigit 20 taon nang nakaalis si Jesus), nagpakita sa kanya si Jesus para tumulong na matupad ang kanyang pangarap. Sa loob ng pitong taong kasunod noon, ginugol ni Pedro ang kanyang buhay sa pagkilala sa kanyang sarili. Isang araw, sa pagtatapos ng pitong taong ito, ipinako siya sa krus nang pabaliktad, sa gayon ay winawakasan ang kanyang pambihirang buhay.


Rekomendasyon:

Ang hindi maiiwan ng mga Kristiyano sa araw-araw ay ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Ang pahina ng Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw ay inirerekomenda sa iyo. Maraming mga salita ng Diyos sa pahinang ito. Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Bakit Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit

Baffled From Reading the Bible

Nang maaga akong magising, ako ay nanalangin, at pagkatapos ay binuksan ang Biblia sa Mateo 16:19, kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus kay Pedro: “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” Sa pagbabasa sa talatang ito ng kasulatan, ako ay nalito, iniisip: “Hindi gumawa si Pedro ng anumang dakilang gawain ni ang kanyang mga isinulat ay talagang tanyag. Higit sa lahat, nang ang Panginoong Jesus ay dinakip at nilitis, tatlong beses Siyang ikinaila ni Pedro. Bakit hindi ibinigay ng Panginoong Jesus ang mga susi ng kaharian ng langit sa iba pang mga disipulo, bagkus kay Pedro lamang?” Nagsaliksik ako nang husto sa Banal na Kasulatan, ngunit walang nakalutas sa aking pagkalito. Hindi maiiwasang pumasok ako sa trabaho.

Pagsangguni sa Isang Kasamahan at Paghahanap sa Sagot

Habang ako ay nanananghalian pinag-iisipan ko pa rin ang aking tanong sa umagang iyon: “Ang Diyos ay matuwid at tiyak na hindi gagawa ng anumang bagay na mali, ngunit bakit ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga susi ng kaharian ng langit? Anong uri ng misteryo ang nasa loob nito?” Sumangguni ako sa isang kasamahan na naniniwala sa Panginoon sa loob ng maraming taon upang maliwanagan ako dito.

Ngumiti ang aking kasamahan at sinabing: “Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga susi ng kaharian ng langit dahil pinili siya ng Panginoon. Bakit pinaboran si Pedro ng Panginoon?” Pagkakita sa tingin kong litung-lito, nagpatuloy siya sa pagtatanong: “Naaalala mo pa ba kung paano sumagot si Pedro nang tinanong ng Panginoong Jesus ang mga disipulo kung sino Siya”

Sinabi ko, “At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay” (Mateo 16:16).

Tumango ang aking kasamahan at nagpatuloy: “Tama iyon. Sa labindalawang disipulo ng Panginoong Jesus, tanging si Pedro ang tumanggap ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu at kinilala na ang Panginoong Jesus ay ang Mesias na hinulaang darating, na Siya ay ang Cristo. Nang sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ang tinapay ng buhay at kinakailangan lamang ng tao na kainin ang Kanyang laman at inumin ang Kanyang dugo upang tamuhin ang buhay na walang hanggan, kakaunting tao lamang ang nakabuo ng mga pagkaunawa at hindi na sumunod sa Panginoon. Si Pedro lamang ang nagsabing: ‘Panginoon, kanino kami magsisiparoon? ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan. At kami’y nagsisisampalataya at nakikilala namin na ikaw ang Banal ng Dios’ (Juan 6:68–69). Makikita natin mula sa dalawang pangyayaring ito na mayroong tunay na pagkaunawa si Pedro sa Panginoon mula sa Kanyang gawain at mga salita, na siya ay lubos na nakatitiyak na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo at ang daan sa walang hanggang buhay. Kaya gaano man hatulan, batikusin, at tuligsain ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus, hindi siya kailanman nalito, at talikuran man o hindi ng iba ang Panginoong Jesus, hindi siya kailanman napigilan at patuloy na pinamalagi ang kanyang pagtatalaga, sumusunod sa Panginoon hanggang sa wakas. At pagkatapos muling buhayin ang Panginoon at umakyat sa langit, pinastol ni Pedro ang mga iglesia ayon sa utos ng Panginoon. Ipinalaganap niya ang ebanghelyo at sa bandang huli ay ipinako nang patiwarik para sa Kanyang kapakanan, naging isang matunog, magandang saksi. Makikita natin mula sa lahat ng ito na si Pedro ay mayroong tunay na pagkaunawa sa Panginoon at taglay niya ang isang totoong puso ng pag-ibig para sa Kanya. Kung hindi, hindi niya magagawang ibigay ang kanyang buong buhay sa pagsunod sa Panginoon at sa pagpapalaganap ng Kanyang ebanghelyo, at lalong hindi niya magagawang sumaksi sa sukdulang pag-ibig para sa Diyos at pagkamasunurin hanggang sa sandali ng kamatayan.”

Tumango ako at sinabi: “Tama ka. Sa labindalawang disipulo si Peter lamang ang nakakilala na ang panginoong Jesus ay ang Cristo, at si Pedro lamang ang ipinako nang patiwarik para sa Kanya. Nakikita ko mula sa mga bagay na ito na taglay ni Pedro ang mga aspetong nararapat sa pagtanggap at pagsang-ayon ng Panginoon.”

Iniibig ni Pedro ang Panginoon at Natamo niya ang Kanyang Pagsang-ayon

Nagpatuloy ang aking kasamahan sa pagsasabing: “Sinabi sa atin ng Panginoon: ‘Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos’ (Mateo 22:37–38). ‘Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya’y iibigin ng aking Ama, at kami’y pasasa kaniya, at siya’y gagawin naming aming tahanan. Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita’ (Juan 14:23–24). ‘Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit’ (Mateo 7:21). Maliwanag mula sa mga salita ng Panginoon na ang Kanyang minimithi ay ang magawa nating lahat na ibigin Siya ng buong puso at pag-iisip natin, magsagawa ayon sa Kanyang mga salita, at mapanatili ang landas ng Panginoon. Ang mga ito ang Kanyang mga kinakailangan sa atin at ang mga ito ang pamantayan sa pagkakamit ng Kanyang papuri at pagpasok sa kaharian ng langit. Ang paghahangad ni Pedro ay batay sa tatlong salitang ito mula sa Panginoon; itinalaga niya ang layunin ng pag-ibig sa Diyos at naghangad na maging taong umiibig sa Diyos. Nang ang Panginoong Jesus ay dinakip sa Hardin ng Gethsemane, nagmadaling lumapit si Pedro upang protektahan Siya, tinapyas ang tainga ng tagapaglingkod ng pinakamataas na pari. Bagamat naging pangahas si Pedro para gawin iyon, ipinakikita nito sa atin na siya ay lumapit sa isang mapanganib na sandali, ipinakikita na tunay niyang inibig ang Panginoon sa kanyang puso at totoong gusto niyang protektahan Siya. Bagamat minsan nang ikinaila ni Pedro ang Panginoon nang tatlong beses, bukod sa pagsisisi at pagkasuklam sa sarili, ginamit din niya ang pagkakataong iyon upang magnilay sa dahilan ng kanyang kabiguan. Nakita niya na bagamat nais niyang ialay ang kanyang buhay para sa Panginoon, hindi niya taglay ang realidad ng totoong pag-ibig para sa Kanya o ng pag-aalay ng kanyang buhay para sa Kanya. Sumasailalim pa rin siya sa mga limitasyon ng kamatayan at hindi nangahas na itaya ang kanyang buhay. Sa gayon, itinatag niya ang kanyang layunin para sa kanyang paghahangad sa hinaharap, na habang nabubuhay siya ang hahangarin lamang niya ay ang ibigin at palugurin ang Panginoon. Nanatiling tapat si Pedro sa pag-aatas ng Panginoon sa buong buhay niya—pagkatapos ng muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus at nagbalik sa langit si Pedro ay nagpunta sa lahat ng dako upang ipalaganap ang ebanghelyo at pinapastol ang mga kawan. Siya ay sumaksi sa mga salita ng Panginoon at sa Kanyang kalooban at itinuro sa mga tao kung paano isagawa ang mga salita ng Panginoon. Sa kanyang gawain, inalalayan ni Pedro ang mga kapatid gamit ang mga katotohanan na kanyang naunawaan at ang kanyang totoong pagkaunawa sa Diyos, nagpupuri at sumasaksi sa Diyos saanman at dinadala ang mga kapatid sa harap ng Panginoon. At gaano man siya tugisin ng mga lider sa loob ng pananampalatayang Hudyo o usigin ng pamahalaang Romano, pinagdadaanan ang lahat ng pagdurusa at mga kahirapan, si Pedro ay hindi mapag-aalinlangang tapat sa pag-aatas ng Diyos at hindi kailanman kinalimutan ang Kanyang tagubilin. Nang ninais ng Romanong maniniil na si Nero na patayin ang mga Kristiyano, tumakas si Pedro sa siyudad ng Roma sa tulong ng iba. Ang Panginoong Jesus ay nagpakita kay Pedro at sinabing Siya ay muling ipapako sa krus para sa kanyang kapakanan. Nang maunawaan ni Pedro ang kalooban ng Panginoon, hindi nag-atubiling bumalik, ibinigay ang kanyang buhay upang ipako sa krus nang patiwarik, natamo ang patotoo ng pagkamasunurin hanggang sa sandali ng kamatayan at ang sukdulang pag-ibig ng Diyos. Si Pedro ay isang tao na umibig sa Panginoon at ginawa ang kalooban ng Ama, at nakamit ng kanyang paghahangad ang pagsang-ayon ng Diyos. Kung kaya’t ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga susi ng kaharian ng langit. Kung nais nating pumasok sa kaharian ng langit, dapat tayong matuto mula sa halimbawa ni Pedro at maging mga tao na kumikilala at umiibig sa Panginoon, na gumagawa sa kalooban ng Ama na nasa langit. Ito ang tanging paraan upang kamtin ang ipinangako ng Panginoon.”

Pagkarinig sa kinailangang sabihin ng aking kasamahan, bigla kong napagtanto: “Wow, si Pedro pala talaga ay isang tao na umibig at sumunod sa Panginoon! Hindi nakapagtatakang ibinigay ng Panginoong Jesus sa kanya ang mga susi ng kaharian ng langit. Sa paghahambing sa aking sarili sa mga karanasan ni Pedro, sa aking pananampalataya at sa aking ginugol para sa Panginoon, naisip ko kung paano ako makararating sa kaharian ng langit at magagantimpalaan. Hindi ko naisip kung paanong isagawa ang mga salita ng Panginoon o makarating sa Kanyang mga kinakailangan. Sa aking gawain, hindi ko pinag-isipan kung paanong ipahayag ang kalooban ng Panginoon sa mga kapatid at sa kalagitnaan ng pangangaral ng ebanghelyo, kapag nakasasagupa ako ng mga kahirapan at hindi nagagawang alalayan ang mga kapatid, nagiging negatibo ako at mahina, nawawalan ng tiwala sa Panginoon. Ngayon na lamang, sa paghahambing sa aking sarili kay Pedro ko nakita na hindi talaga ako ang taong umiibig sa Panginoon! Ang patotoo ni Pedro ay isang bagay talaga na dapat nating gayahin, sa pangkalahatan paano hinangad ni Pedro na kilalanin at ibigin ang Panginoon?”

Kung Paano Hinangad ni Pedrong Kilalanin at Ibigin ang Panginoon

Pagkarinig na sinasabi ko ang ganito, ang aking kasamahan ay masayang inilabas ang kanyang tablet at sinabi sa akin: “Nabasa ko ang ilang mga talata sa isang website ukol sa ebanghelyo kung paanong hinangad ni Pedro na kilalanin at ibigin ang Panginoon. Naipaliwanag ito nang malinaw. Sabay nating basahin: ‘Sumunod si Pedro kay Jesus nang ilang taon at maraming mga bagay siyang nakita kay Jesus na wala sa mga tao. … Bawa’t galaw ni Jesus ay nagsilbing halimbawa para sa kanya sa kanyang buhay, at ang mga sermon ni Jesus ay tanging nakaukit sa kanyang puso. Siya ay napakamaalalahanin at nakaalay kay Jesus, at hindi siya nagkaroon ng anumang hinaing kay Jesus. Ito ay dahil siya ay naging tapat na kasama saanman Siya magpunta. Minasdan ni Pedro ang mga pagtuturo ni Jesus, ang Kanyang marahang mga salita, at kung ano ang kinain Niya, isinuot, ang Kanyang pang-araw-araw na buhay, at Kanyang mga paglalakbay. Sinundan Niya ang halimbawa ni Jesus sa lahat ng paraan. Hindi siya matuwid-sa-sarili, nguni’t iwinaksi niya ang lahat ng kanyang dating makalumang mga bagay at sinundan ang halimbawa ni Jesus sa salita at gawâ. Noon niya nadama na ang mga kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay ay nasa mga kamay ng Makapangyarihan, at sa kadahilanang ito hindi siya nagkaroon ng kanyang sariling pagpili, nguni’t kinuha ang lahat ng kung ano si Jesus upang magsilbing kanyang halimbawa’ (‘Tungkol sa Buhay ni Pedro’).

Matapos ang isang panahon ng karanasan, nakita ni Pedro kay Jesus ang maraming mga gawa ng Diyos, nakita ang kagandahan ng Diyos, at nakita ang malaking bahagi ng pagka-Diyos ng Diyos kay Jesus. Kaya nakita rin niya na hindi maaaring masambit ng tao ang mga salita ni Jesus, at hindi magagawa ng tao ang gawaing ginawa ni Jesus. Sa mga salita at kilos ni Jesus, sa karagdagan, nakita ni Pedro ang malaking bahagi ng karunungan ng Diyos, at higit pang banal na gawain. Sa kanyang mga karanasan, hindi lamang niya nakilala ang kanyang sarili, datapwa’t nakatutok din sa pagmamasid sa mga kilos ni Jesus, kung saan mula rito ay nakatuklas siya ng maraming bagong mga bagay; ang mga ito nga, na mayroong maraming pagpapahayag ng praktikal na Diyos sa gawa na ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus, at na ang mga salita ni Jesus, mga kilos, ang mga paraan kung paano Niya pinapastol ang mga iglesia at ang gawain na tinupad Niya ay kakaiba mula sa sinumang ordinaryong tao. Kaya, mula kay Jesus natuto siya ng maraming mga aral na dapat niyang matutunan, at sa panahong si Jesus ay malapit nang ipako sa krus, nakatamo siya ng kaunting pagkakilala kay Jesus—isang pagkakilala na siyang batayan ng kanyang habambuhay na katapatan kay Jesus, at ng kanyang pagkapako nang nakatiwarik para sa kapakanan ni Jesus” (“Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos”).

Pagkarinig nito, sinabi ko sa aking kasamahan: “Ah, kaya sa kalagitnaan ng kanyang pagsunod sa Panginoong Jesus, patuloy na pinagmamasdan ni Pedro ang mga gawa at asal ng Panginoon, at mula sa Kanyang mga salita at mga pagkilos Siya ay Kanyang nakilala.”

Sinabi ng aking kasamahan: “Tama iyon. Makikita natin mula sa dalawang talata na ito na nasasabik si Pedro na makilala ang Panginoon at nang siya ay nakikisalamuha sa Panginoong Jesus, tinanggap niya ang bawat maliit na bagay na sinabi ni Jesus at ginawa. Sa Kanya, nakita ni Pedro ang napakalaking kabanalan. Halimbawa, ang mga salita na sinambit ng Panginoong Jesus ay ang katotohanan; ang mga ito ay puno ng kapangyarihan at awtoridad at makapagtutustos para sa espirituwal na pangangailangan ng mga tao. Inihayag ng mga himala at ang hindi pangkaraniwang mga bagay na ginawa ng Panginoong Jesus ang awtoridad at pagkamakapangyarihan ng Diyos at ang mga ito ay mga bagay na walang sinumang tao ang makagagawa. May kaawaang inililigtas ng Panginoong Jesus ang mga makasalanan, pinatatawad ang lahat ng mga kasalanan at ipinagkakaloob ang saganang pagpapala sa sangkatauhan—Siya ay puno ng awa at ng pag-ibig para sa mga tao. Nakita rin ni Pedro mula sa pagsaway at pagbatikos ng Panginoong Jesus sa mga Fariseo gamit ang pitong kaabahan na Siya ay banal at matuwid, at hindi pahihintulutan ang pagkakasala mula sa tao. Habang Siya ay gumagawa, gaano man magdusa ang Kanyang katawang-tao o gaano man kahirap ang Kanyang gawain, mauwi man ito ng pagsasakripisyo sa Kanyang sariling buhay, ang Panginoong Jesus ay determinado na ganap na isakatuparan ang pag-aatas ng Diyos. Nakita ni Pedro na ang diwa ni Cristo ay ang pagkamasunurin sa kalooban ng Diyos Ama. Nakita ni Pedro kay Jesus ang napakalaking kabanalan at nagkamit ng tunay, praktikal na pagkaunawa sa Diyos. Idagdag pa, pinanghawakan ni Pedro ang mga salita ng Panginoong Jesus sa kanyang puso, madalas na binubulay-bulay ang mga ito at naghahangad na maunawaan ang kalooban ng Panginoon mula sa mga ito upang makarating siya sa mga kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan. Minsan siyang tinanong ng Panginoong Jesus nang tatlong beses: ‘Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako?’ (Juan 21:16). Madalas itong pagnilayan ni Pedro at sa pamamagitan ng kanyang mga pagninilay, naunawaan na ang kanyang inibig ay isa lamang malabong Diyos sa langit, ngunit hindi ang totoong Cristo. Napagtanto niya na iyon ay hindi tunay na pag-ibig sa Diyos, at ang pag-ibig kay Cristong nasa lupa lamang ang tunay na pag-ibig sa Diyos. Simula noon madalas siyang manalangin at naghahangad kung paano matatamo ang pag-ibig sa Panginoon. Sa bandang huli natamo niya ang sukdulang pag-ibig ng Diyos at pagkamasunurin hanggang sa sandali ng kamatayan, naging isang tao na tunay na umibig sa Diyos. Nagawa ring tanggapin at sundin ni Pedro ang pagbatikos mula sa Panginoong Jesus, at hangarin ang katotohanan mula rito. Nang malaman niya na si Jesus ay ipapako sa krus at tinangkang harangin Siya, sinasabing hindi maaaring mangyari ang gayon, pinagsalitaan siya ng masakit ni Jesus, na sinasabing: ‘Lumagay ka sa likuran ko, Satanas’ (Mateo 16:23). Naunawaan ni Pedro mula sa masakit na pananalita ni Jesus na kinasusuklaman ng Panginoon ang pagmamalasakit at kagandahang-loob ng tao, at ang anumang bagay na nakahahadlang sa kalooban ng Diyos ay gawa ni Satanas at hinahatulan ng Diyos. Makikita natin mula rito na mahalaga para kay Pedro na maunawaan ang Panginoon sa Kanyang gawain, mga pagkilos, mga sermon, at mga pambubulyaw, at kaya nagkaroon siya ng isang tunay na pagkaunawa sa Panginoon at nakabuo ng isang puso ng tunay na pag-ibig para sa Kanya.”

Nakadama talaga ako ng isang diwa ng kaliwanagan pagkarinig sa pagbabahagi ng aking kasamahan. Nadama ko sa aking puso na tunay na sinisiyasat ng Diyos ang mga puso at ang mga isip ng mga tao. Hindi para sa wala na pinuri ng Panginoong Jesus si Pedro at ibinigay sa kanya ang mga susi ng kaharian ng langit. May pagkakahawig kay Jesus ang pagkatao at kakayahan ni Pedro, at kanyang puso ng pag-ibig para sa katotohanan at para sa Panginoon. Nalaman Niya na si Pedro ay lubos na karapat-dapat para sa Kanyang pag-aatas at sa Kanyang tiwala, kung kaya ipinagkatiwala Niya sa kanya ang pananagutan ng pagpapastol sa Kanyang kawan. Kung babalikan ito, nabigo akong maunawaan ang pagsang-ayon ng Panginoon kay Pedro dahil sa tatlong beses Siyang ikinaila ni Pedro, ngunit nauunawaan ko na ngayon na ang tinitingnan ng Panginoon ay ang diwa ng isang tao. Ako, sa kabilang banda, ay tumingin lang sa isa sa mga pag-uugali ni Pedro. Bukod pa rito, tatlong taon pa lamang sumusunod sa Panginoon si Pedro sa panahong iyon kaya ang kanyang pananampalataya ay hindi pa ganoon kalaki. Sa isang napakahalagang pangyayari sa pagitan ng buhay at kamatayan, ang kahinaan ng laman ay ganap na inaasahan. Bakit ko nakikita ang maliliit na kamalian ng iba? Kung ako iyon, baka tumakas din ako nang si Jesus ay dakpin, gayunma’y hinatulan at nilimitahan ko si Pedro. Ang yabang, hangal, at mangmang ko naman! Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aking kasamahan naunawaan ko na si Pedro ay nagdulot ng kagalakan sa Diyos at dapat nating sundan ang kanyang halimbawa. Umaasa ako na maisasakatuparan ko ang mga salita ng Panginoon sa aking buhay, magtatalaga sa aking gawain at paglilingkod sa Panginoon, at sa lahat ng mga bagay ay hahangarin na makilala at maibig ang Panginoon, at mapalugod ang Kanyang kalooban. Sa paraan lamang na ito ko makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos at magkakaroon ng pagkakataon na pumasok sa kaharian ng langit.

Pagkatapos maunawaan ang lahat ng ito sinabi ko sa aking kasamahan: “Salamat sa paggabay ng Panginoon sa ating pag-uusap sa araw na ito, nauunawaan ko na ngayon kung bakit ibingay ng Panginoon kay Pedro ang mga susi ng kaharian ng langit. Mayroon talagang misteryo sa loob nito! Alam ko na ngayon kung paanong maghangad. Nagpapasalamat ako sa paggabay ng Panginoon. Amen!”

Ngumiti siya at sinabing, “Salamat sa Panginoon! Amen.”


Rekomendasyon:

Kung ang isa ay tinalikuran ang kanyang pamilya at karera at nagsusumikap na gumawa para sa Panginoon, hindi ibig sabihin nito na mayroroon siyang tunay na pananampalataya sa Diyos. Kung gayon ano ang pananamapalataya? Paano natin makakamit ang tunay na pananampalataya? Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

 

Ang mga Senyales ng Pagdating ng Panginoon ay Naglitawan: Bumalik Na Ba ang Panginoon na May Bagong Pangalan?

Ni Anyuan, Pilipinas

Lumilitaw ang maraming tao na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na at kumuha Siya ng isang bagong pangalan upang gumawa ng bagong gawain. Ayon sa mga biblikal na talata, “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Mga Hebreo 13:8), at “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Mga Gawa 4:12), maraming mga kapatid ang nag-iisip na ang Panginoong Jesus ay hindi magbabago ng Kanyang pangalan, na Siya lamang ang Tagapagligtas, na tanging sa pangalan lamang ng Panginoong Jesus na tayo ay maliligtas, at kung tatanggapin natin ang ibang pangalan, ay ipagkakanulo natin ang Panginoong Jesus. Gayunpaman, mayroong propesiya sa Pahayag: “Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:12). Pagkakita sa propesiyang ito, ang ilang mga tao ay iniisip na dahil ang Panginoon ay magkakaroon ng bagong pangalan sa Kanyang pagbabalik, hindi Siya matatawag na “Jesus” muli. Kung Siya ay tatawagin pa ring Jesus, hindi dapat naitala sa propesiya ang “Aking bagong pangalan.” Kung gayon, kukuha ba ang Panginoon ng bagong pangalan sa Kanyang Pagbabalik? Ngayon ating pagbahaginan ang tungkol sa katotohanan ng mga pangalan ng Diyos.

Magbabago Ba ang Pangalan ng Diyos?

Iniisip ng ilang mga tao na ang pangalan ng Diyos ay Jesus at hindi ito magbabago. Ganun nga ba talaga? Hindi ba talaga nagbabago ang pangalan ng Diyos? Tingnan muna natin ang dalawang talatang ito, “Ako, sa makatuwid baga’y Ako, Jehova; at liban sa Akin ay walang tagapagligtas” (Isaias 43:11). “Jehova ang Aking pangalan magpakailan man, at ito ang Aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi” (Exodo 3:15).

Sa mga talatang ito, malinaw na sinabi sa atin ng Diyos na bukod sa Jehova na Diyos, walang Tagapagligtas at ang pangalang Jehova ay tatagal magpakailanman. Nang ang Panginoong Jesus ay dumating upang gumawa, tinawag Siyang Tagapagligtas ng mga tao.Kung ang pangalan ng Diyos ay hindi nababago, bakit kung ganoon na ang pangalan ni Jehova ay naging Jesus? Nagpapatunay ito na ang pangalan ng Diyos ay hindi magpakailanmang di-nababago.

Maaari itong itanong ng ilang mga tao: Yamang ang pangalan ng Diyos ay nababago, paano natin uunawain ang mga salitang nakatala sa Biblia: ‘Jehova ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi?” Sa totoo lang, ang pangalan ng Diyos na magpakailanman ay nangangahulugan na ang Kanyang pangalan ay hindi magbabago sa kasalukuyang kapanahunan Ibig sabihin, hangga’t ang gawain ng Diyos sa kasalukuyang panahon ay hindi pa natatapos, dapat nating panatilihin ang Kanyang pangalan sa panahong iyon, at sa pamamagitan lamang ng paggawa nito makakamit natin ang gawain ng Banal na Espiritu at pagsang-ayon ng Diyos. Gayunpaman, kapag nagsimula ang Diyos ng bagong gawain, ang Kanyang pangalan ay magbabago rin. Kaya, sa pagtanggap lamang ng bagong pangalan ng Diyos na makakamit natin ang pagsang-ayon ng Diyos. Kunin bilang halimbawa ang mga tagasunod, tulad nina Pedro at Juan. Tinanggap nilang lahat ang bagong pangalan ng Diyos sa kapanahunang iyon—ang Panginoong Jesus, at sinundan ang bagong gawain ng Diyos, kaya natamo nila ang gawain ng Banal na Espiritu at ang kaligtasan ng Panginoon. Ito ay nagpapaunawa sa atin na ang pangalan ng Diyos ay hindi permanente at nagpapalit ito kasabay ng gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Gayunpaman, paano man magbago ang pangalan ng Diyos, ang Diyos ay ang iisang Diyos pa rin, at dahil lamang dito na tinawag ang Diyos ng iba-iba. Sinasabi ng Bibliya, “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Mga Hebreo 13:8). Anong kahulugan ng talatang ito? Sa katunayan, nangangahulugan ito na ang diwa at disposisyon ng Diyos ay hindi nagbabago, at hindi nangangahulugan na ang pangalan ng Diyos ay di-napapalitan. Mayroong sipi ng mga salita na makakapag-paliwanag ng malinaw dito, “Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong diwa at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang diwa ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, kung gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? … Ang mga salitang ‘Ang Diyos ay palaging bago at kailanman ay hindi luma’ ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang ‘Ang Diyos ay hindi magbabago’ ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatapos sa isang kapanahunan lamang. Si Jehova, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan na Jesus. Isang tanda ito na ang gawain ng Diyos ay laging patuloy ang pag-unlad nang pasulong” (“Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)”). Mula rito, makikita natin na ang Diyos Mismo ay hindi mababago. Tumutukoy ito sa disposisyon at diwa ng Diyos, hindi sa Kanyang pangalan. Ang Diyos ay nagsagawa ng iba’t ibang gawain at pinagtibay ang iba’t ibang mga pangalan sa iba’t ibang kapanahunan, ngunit hindi alintana kung ang Kanyang pangalan ay Jehova o Jesus, ang Kanyang diwa ay hindi nagbabago. Ito ay palaging ang parehong Diyos na gumagawa. Kunin ang mga Pariseo sa Hudaismo bilang halimbawa. Hindi nila alam na ang pangalan ng Diyos ay magbabago sa kapanahunan, kaya naisip nila na ang Mesiyas lamang ang kanilang Diyos at kanilang Tagapagligtas. Bilang resulta, nang nagbago ang Diyos ng Kanyang pangalan upang gawin ang gawain ng pagtubos sa pangalang Jesus, kanilang lantad na hinatulan at nilabanan ang Panginoong Jesus, at sa huli ay ipinako Siya sa krus, gumawa ng isang napakalaking kasalanan at pinarusahan ng Diyos. Dapat nating kunin ang halimbawa ng mga Pariseo bilang isang babala. Hindi natin dapat, alinsunod sa ating sariling mga pag-iisip at imahinasyon, magpasiya na ang pangalan ng Diyos ay hindi magbabago, ni huwag nating sabihin na ang pangalan ng Diyos sa mga huling araw ay magiging Jesus pa rin; kung hindi man ating nililimitahan ang Diyos.

Ang Kahalagahan ng Pagkuha ng Diyos ng Ibat-ibang mga Pangalan sa Iba’t ibang Kapanahunan

Kaya bakit kumukuha ang Diyos ng iba’t ibang mga pangalan sa iba’t ibang kapanahunan? Ano ang kahalagahan ng pagkuha ng Diyos ng iba’t ibang mga pangalan? Basahin natin ang talatang ito, “‘Jehova’ ang pangalang ginamit Ko noong panahon ng Aking gawain sa Israel, at ang ibig sabihin nito ay ang Diyos ng mga Israelita (mga taong hinirang ng Diyos) na maaaring maawa sa tao, sumpain ang tao, at gabayan ang buhay ng tao; ang Diyos na nagtataglay ng dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Si ‘Jesus’ ay si Emmanuel, na ang ibig sabihin ay ang handog dahil sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at kumakatawan Siya sa Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang Niyang katawanin ang isang bahagi ng gawain ng plano ng pamamahala. Ibig sabihin, si Jehova lamang ang Diyos ng mga taong hinirang sa Israel, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ang Diyos ni Moises, at ang Diyos ng lahat ng tao sa Israel. Kaya nga, sa kasalukuyang kapanahunan, lahat ng Israelita, maliban sa mga Judio, ay sumasamba kay Jehova. Nag-aalay sila sa Kanya ng mga hain sa altar at naglilingkod sa Kanya sa templo na suot ang balabal ng mga saserdote. Ang inaasahan nila ay ang pagpapakitang muli ni Jehova. Si Jesus lamang ang Manunubos ng sangkatauhan, at Siya ang handog dahil sa kasalanan na tumubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Ibig sabihin, ang pangalan ni Jesus ay nanggaling sa Kapanahunan ng Biyaya at umiral dahil sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang tulutan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya na muling maisilang at maligtas, at isang partikular na pangalan para sa pagtubos sa buong sangkatauhan. Sa gayon, ang pangalang Jesus ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos, at ipinahihiwatig ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalang Jehova ay isang partikular na pangalan para sa mga tao ng Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawat kapanahunan at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang batayan, kundi may kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang ‘Jehova’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ang pamimitagan para sa Diyos na sinamba ng mga tao ng Israel. Ang ‘Jesus’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos ng lahat ng tinubos noong Kapanahunan ng Biyaya. Kung nananabik pa rin ang tao sa pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa mga huling araw, at inaasahan pa rin na darating Siya sa imaheng Kanyang tinaglay sa Judea, tumigil na sana ang buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala sa Kapanahunan ng Pagtubos, at hindi na susulong pa. Ang mga huling araw, bukod diyan, ay hindi sana darating, at hindi sana nawakasan ang kapanahunan kailanman. Iyon ay dahil si Jesus na Tagapagligtas ay para lamang sa pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Ginamit Ko ang pangalang Jesus para lamang sa kapakanan ng lahat ng makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ito ang pangalang gagamitin Ko upang wakasan ang buong sangkatauhan” (“Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang ‘Puting Ulap’”). Ang talatang ito ay nagsasabi sa atin ng kahulugan ng pagkuha ng Diyos ng iba’t-ibang pangalan sa bawat kapanahunan. Ang pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay si Jehova, na kumakatawan sa gawain na ginawa ng Diyos sa Panahon ng Kautusan, at kumakatawan din sa disposisyon na ipinahayag Niya sa tao sa panahong iyon, na kadakilaan, galit, sumpa at awa. Inihayag ng Diyos na Jehova ang batas at mga utos, na nagpapahintulot sa mga tao na malaman kung ano ang kasalanan, kung paano mamuhay at sumamba sa Diyos sa mundo. Ang mga yaong sumusunod sa batas at mga kautusan ay maaaring pagpalain ng Diyos, samantalang ang mga lumabag sa batas ay susumpain at parurusahan ng Diyos. Samakatuwid, ang mga Israelita sa ilalim ng kautusan ay mahigpit na sumunod sa kautusan, iginagalang ang pangalang Jehova bilang banal, at nabuhay sa ilalim ng pamumuno ni Jehova na Diyos sa libu-libong taon. Sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, ang sangkatauhan ay nasa panganib na mapapatay ng batas dahil sa paglala ng kanilang katiwalian, hindi pagtupad sa batas at mga utos, at wala ng mga sakripisyo na ihahandog sa Diyos. Kaya, upang mailigtas ang sangkatauhan, sinimulan ng Diyos ang Kapanahunan ng Biyaya, kinuha ang pangalang Jesus, at ginawa ang gawain ng pagtubos. Sa madaling salita, ang pangalang Jesus ay kumakatawan sa gawaing ginawa ng Diyos sa Panahon ng Biyaya, at kinakatawan din nito ang Kanyang maawain at mapagmahal na disposisyon na ipinahayag ng Diyos sa Panahon ng Biyaya. Ipinakita ng Panginoong Hesus ang sukdulang pag-ibig at pakikiramay, naibigay sa tao ang paraan ng pagsisisi at sa huli ay ipinako sa krus upang tubusin ang sangkatauhan upang hindi na sila mahatulan ng batas at magkaroon ng pagkakataong lumapit sa harapan ng Diyos upang manalangin at tamasahin ang Kanyang biyaya at pagpapala. Makikita na ang Diyos ay may isang nakapirming pangalan sa bawat kapanahunan, ngunit walang anumang pangalan na maaaring ganap na kumakatawan sa Kanya. Samakatuwid, sa bawat yugto ng bagong gawain, kukuha ang Diyos ng isang partikular na pangalan, isa na nagtataglay ng pansumandaling kahalagahan, upang kumatawan sa Kanyang gawain at disposisyon sa panahong iyon. Bukod dito, makikita na ang Diyos ay palaging bago at hindi naluluma, at kapag ginagawa ng Diyos ang gawain ng bagong kapanahunan, hindi na Niya ginagamit ang dating pangalan. Kung tatanggapin lamang natin ang pangalan ng Diyos ng bagong kapanahunan ay makakamit natin ang gawain ng Banal na Espiritu at makukuha ang pagsang-ayon ng Diyos.

Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon sa Pamamagitan ng Pagtanggap sa Kanyang Bagong Pangalan sa mga Huling Araw

Gayon, babaguhin ba ng Diyos ang Kanyang pangalan kapag Siya ay bumalik? Sa katunayan, ilang mga talata na sa Bibliya ang nagsabi sa atin na kapag bumalik ang Panginoon Siya ay magkakaroon ng isang bagong pangalan, tulad ng “Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:12), “Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 1:8), “At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, Aleluya: sapagka’t naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 19:6), “At ang dalawangpu’t apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios, Na nangagsasabi, Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka’t hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari” (Pahayag 11:16–17). Mula sa mga talatang ito makikita natin na magkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos. Kaya, makatitiyak tayo na kapag ang Panginoon ay bumalik ay hindi Siya tatawagin na si Jesus. Bukod dito, makikita natin ang maraming mga talata na nagsasabing ang pangalan ng Diyos ay ang “Makapangyarihang Diyos.” Bukod sa mga talatang ito, binanggit din ng iba pang mga talata ang Makapangyarihang tulad ng sa Pahayag 15: 3, Pahayag 16: 7, Pahayag 16:14, Pahayag 21:22, at iba pa. Ayon sa mga hula na ito, kapag ang Panginoon ay bumalik upang gumawa ng bagong gawain, ang Kanyang pangalan ay mababago na sa Makapangyarihan. At sisimulan ng Diyos ang isang bagong kapanahunan at tatapusin ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya sa ilalim ng pangalang Makapangyarihan, upang malaman ng mga tao ang buong disposisyon ng Diyos at parangalan ang pangalan ng Makapangyarihan sa lahat bilang dakila. Kung tatanggapin natin ang bagong pangalan ng Diyos sa mga huling araw, natanggap na natin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus.

Ngayon ang mga tao ng Kidlat ng Silanganan ay nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik at ang Kanyang pangalan ay Makapangyarihang Diyos, na tumutupad sa mga hula sa Pahayag. At pinatototohanan din nila na ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng maraming katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol at paglilinis ng tao, at uuriin Niya ang bawat tao alinsunod sa kanilang uri at ihihiwalay ang mga pansirang-damo mula sa trigo. Ang mga tumatanggap ng paghatol ng mga salita ng Diyos at malilinis ay maaaring magawang mga mananagumpay bago ang sakuna at makapapasok sa kaharian ng Diyos, habang ang mga tumatanggi na tanggapin ang paghatol ng mga salita ng Diyos ay mahuhulog sa malaking sakuna. Tumutupad ito sa mga hula sa Bibliya, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17). “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). “At sa panahon ng pagaani ay sasabihin ko sa mga mangaani, Tipunin muna ninyo ang mga pangsirang damo, at inyong pagbibigkisin upang sunugin; datapuwa’t tipunin ninyo ang trigo sa aking bangan” (Mateo 13:30). Ayon sa mga biblikal na mga propesiyang ito, Ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Patungkol sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, dapat tayong mapagpakumbabang magsaliksik at magsiyasat. Tanging sa ganitong paraan lamang hindi natin mapapalampas ang pagkakataon upang masalubong ang Panginoon.


Rekomendasyon:

Paano naghahanda ang mga Kristiyano upang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon?
Ⅰ. Paghahanda ng espirituwal na mga tainga upang makinig sa tinig ng Panginoon
Ⅱ. Paghahanda ng isang puso na mapagpakumbabang naghahanap ng katotohanan
Nawa’y tayong lahat ay magawa ang paghahanda sa pagdating ng Panginoon at masalubong ang pagpapakita ng Panginoon! Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

12 Mga talata sa Bibliya Tungkol sa Pagbabalik ni Jesus

Mayroong maraming mga propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, ngunit marami sa atin ang nakatuon lamang sa mga propesiya ng Panginoon tungkol sa pagdating ng lantad sa mga ulap, at hindi iniintindi ang mga propesiya tungkol sa pagdating ng palihim, tulad ng isang magnanakaw. Dito aming pinagsama-sama ang mga propesiyang ito upang matulungan kang maayos na maintindihan at tukuyin ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon at mahanap ang paraan upang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon.

Ang Propesiya ng Lantad na Pagbaba ng Panginoon

Pahayag 1:7

“Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.”

Mateo 24:29-30

“Datapuwa’t karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.”

Judas 1:14

“Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga laksalaksang banal…”

Mga Gawa 1:11

“Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.”

Lucas 21:25-27

“At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa’y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong; Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka’t mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit. At kung magkagayo’y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.”

Ang Propesiya ng Lihim na Pagbaba ng Panginoon

Lucas 12:40

“Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating.”

Mateo 25:6

“Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya.”

Pahayag 3:3

“Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.”

Pahayag 16:15

“Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya’y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.”

Pahayag 3:20

“Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko.”

Lucas 17:24-25

“Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.”

Mateo 24:27

“Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao”.

Ngayon, paano eksaktong darating ang Panginoon sa mga huling araw? Kung ang mga tao ay manindigan sa pagbabalik ng Panginoon sa mga alapaap at, kaya, panatilihin ang kanilang titig magpakailanman na nakatutok sa kalangitan, na hindi naghahanap sa lihim na yapak ng pagdating ng Panginoon, masasalubong ba nila ang pagdating ng Panginoon?


Rekomendasyon:

Sa pamamagitan ng pag aaral ng bibliya, maaari nating malaman ang higit pang mga hiwaga ng pagbabalik ng Panginoon, halimbawa, kung sa anong paraan darating ang Panginoon at kung paano natin masasalubong ang Panginoon upang makatagpo natin ang Panginoon sa lalong madaling panahon. Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Ang Annular Solar Eclipse na Lilitaw sa Hunyo 10, 2021: Tumutupad sa Propesiya sa Bibliya

Pagkatapos ng super blood moon noong Mayo 26, isa na namang bihirang pangkalawakang kaganapan—ang annular solar eclipse— ay magaganap sa Hunyo 10. Maraming mga iskolar ng Bibliya ang nag-iisip na ang mga pagpapakita ng blood moon at solar eclipse ay tinupad ang propesiya sa Bibliya at ipinahihiwatig na ang dakila at kakila-kilabot na araw ng Panginoon ay malapit na. Iyon ay, ang malalaking sakuna ay paparating na. Sa gayon tingnan natin ang kasalukuyang sitwasyon sa mundo. Habang nakakaranas ng pandemya, ang ilang mga lugar ay tinatamaan din ng iba pang mga sakuna. Halimbawa, sumiklab ang hidwaan ng Israeli-Palestinian; ang Mexico ay nakakaranas ng isang malawakang tagtuyot; mga kaguluhan sa Colombia; isang buhawi ang tumama sa India; sumabog ang isang bulkan sa Congo. … Bukod dito, ang mga lindol, baha, sunog, at iba pang mga sakuna ay dumarami; ang mundo ay nasa isang nagbabago at magulong estado, at ang giyera, marahas na mga pagkilos, at pag-atake ng terorista ay madalas na nangyayari at patuloy na lumalaganap. Anong mga propesiya sa Bibliya ang natutupad ng mga palatandaang ito? Ano ang babala sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng mga bagay na ito? Ang mga sumusunod na talata sa Bibliya at mga salita ng Diyos ay may mga kasagutan.

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Joel 2:29–31

At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu. At ako’y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ni Jehova.

Pahayag 6:12

At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo.

Lucas 21:10–11

Magtitindig ang isang bansa laban sa bansa, at ang isang kaharian laban sa kaharian; At magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba’t ibang dako ay magkakagutom at magkakasalot; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot, at ng mga dakilang tanda mula sa langit.

Mateo 24:7–8

Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Kapag pinag-uusapan ang mga huling araw, tumutukoy ito sa nakahiwalay na kapanahunan, kung saan sinabi ni Jesus na tiyak kayong makararanas ng sakuna, at makararanas ng mga lindol, taggutom, at mga salot, na magpapakita na ito ay isang bagong kapanahunan at hindi na ang dating Kapanahunan ng Biyaya.

Hinango mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sumapit na ang mga huling araw at nagkakagulo ang mga bansa sa buong mundo. May kaguluhan sa pulitika, may mga taggutom, salot, baha, at tagtuyot na naglilitawan sa lahat ng dako. May malaking sakuna sa mundo ng tao; nagpadala na rin ng kalamidad ang Langit. Ito ay mga palatandaan ng mga huling araw.

Hinango mula sa “Pagsasagawa (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Buksan ninyo ang inyong mga mata at tumingin, at makikita ninyo ang dakila Kong kapangyarihan sa lahat ng dako! Makatitiyak kayo sa Akin sa lahat ng dako. Pinalalaganap ng sansinukob at ng papawirin ang Aking dakilang kapangyarihan. Nagkatotoo nang lahat ang mga salitang sinabi Ko sa pag-init ng panahon, sa pagbabago ng klima, sa mga abnormalidad sa loob ng mga tao, sa kaguluhan sa galaw ng lipunan, at sa panlilinlang na nasa puso ng mga tao. Pumuputi ang araw at pumupula ang buwan; nasa kaguluhan ang lahat. Hindi pa rin ba talaga ninyo nakikita ang mga ito?

Hinango mula sa “Kabanata 39” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Darating ang lahat ng uri ng sakuna, sunud-sunod; daranas ng mga kalamidad ang lahat ng bansa at lugar: Ang salot, taggutom, baha, tagtuyot, at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang nangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw; bagkus, kakalat ang mga iyon sa palawak nang palawak na lugar, at titindi nang titindi. Sa loob ng panahong ito, lilitaw nang sunud-sunod ang lahat ng uri ng mga salot na insekto, at mangyayari ang kababalaghan ng kanibalismo sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa lahat ng bansa at mga bayan.

Hinango mula sa “Kabanata 65” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kapag inilalabas ng Diyos ang Kanyang matinding galit, mararanasan ng buong mundo ang lahat ng uri ng sakuna dahil dito, tulad ng pagputok ng isang bulkan. Nakatayo sa itaas sa langit, makikita na sa lupa, lahat ng uri ng kalamidad ay dumarating sa buong sangkatauhan, papalapit bawat araw. Habang nakatingin sa ibaba mula sa itaas, nagpapakita ang daigdig ng sari-saring mga tagpo na gaya noong bago dumating ang isang lindol. Hindi mapigil ang pagkalat ng likidong apoy, dumadaloy nang malaya ang kumukulong putik, nagbabago ang mga bundok, at kumikislap ang malamig na liwanag sa lahat. Nasadlak na sa apoy ang buong mundo. Ito ang tagpo ng paglalabas ng Diyos ng Kanyang galit, at ito ang panahon ng Kanyang paghatol. Lahat ng mayroong laman at dugo ay hindi makakatakas. Sa gayon, ang mga digmaan sa pagitan ng mga bansa at mga alitan sa pagitan ng mga tao ay hindi kakailanganin para wasakin ang buong mundo; sa halip, ang mundo ay “sadyang masisiyahan sa sarili nito” sa loob ng duyan ng pagkastigo ng Diyos. Walang makakatakas; bawat tao ay kailangang magdaan sa pagsubok na ito, nang isa-isa. Pagkatapos niyon, ang buong sansinukob ay muling kikislap sa banal na kaningningan at ang buong sangkatauhan ay muling magsisimula ng isang bagong buhay. At mamamahinga ang Diyos sa ibabaw ng sansinukob at pagpapalain ang buong sangkatauhan bawat araw.

Hinango mula sa “Kabanata 18” ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hangga’t patuloy na umiiral ang lumang mundo, ipupukol Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang ipapahayag ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito:

Kapag ibinabaling Ko ang Aking mukha sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at pagkatapos ay nakikita ang lahat ng Aking nagawa sa buong sansinukob. Yaong mga lumalaban sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga kumokontra sa Akin sa mga gawa ng tao, ay sasailalim sa Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin, ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati at ang napakaraming bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahati-hatiin at papalitan ng Aking kaharian, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at lahat ay magiging isang kaharian na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nabibilang sa diyablo ay lilipulin, at lahat ng sumasamba kay Satanas ay isasadlak sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban doon sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming tao, yaong mga nasa relihiyosong mundo, sa iba’t ibang lawak, ay babalik sa Aking kaharian, na nalupig ng Aking mga gawa, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa isang puting ulap. Lahat ng tao ay paghihiwa-hiwalayin ayon sa sarili nilang uri, at tatanggap ng mga pagkastigo na nararapat sa kanilang mga kilos. Lahat ng kumalaban sa Akin ay masasawi; yaon namang mga hindi Ako kasali sa kanilang mga gawa sa lupa, sila, dahil sa paraan ng pagpapawalang-sala nila sa kanilang sarili, ay patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at Aking mga tao. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, at sa sarili Kong tinig, maririnig Ako sa ibabaw ng lupa, na ipinapahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata.

Hinango mula sa “Kabanata 26” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Dalawang libong taon na ang nakalilipas, sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako’y madaling pumaparito” (Pahayag 22:7). Ngayon, ang Panginoon ay bumalik at inihahayag Niya ang katotohanan at ginagawa ang Kanyang gawain ng pagdadalisay at pagliligtas ng sangkatauhan, upang ang mga tao ay makalaya mula sa katiwalian at malinis at sa gayon ay makaligtas sa mga sakuna at madala sa kaharian ng Diyos. Ang pinakamahalagang bagay para sa atin ay hanapin ang mga yapak ng Diyos at salubungin ang Panginoon sapagkat sa ganitong paraan lamang tayo makakakuha ng pagkakataon na matamo ang proteksyon ng Diyos sa mga matitinding kalamidad.


Rekomendasyon:

Ngayon nangatutupad na ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon. Alam mo ba kung paano maging handa sa pagdating ng Panginoon upang masalubong mo Siya? Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Mga Talata ng Bibliya tungkol sa Relasyon sa Diyos

Nadama mo ba na ang iyong relasyon sa Diyos ay naging higit na napapalayo habang lumilipas ang panahon?

Ang mabilis na pag-ikot ng buhay ay ginagawang abala ang ating isip sa lahat ng uri ng tao, bagay, at mga kaganapan, at nagbibigay sa atin ng kaunting oras upang patahimikin ang ating sarili sa harap ng Diyos, upang maging malapit sa Diyos, at pagnilay-nilayan Siya. Unti-unti, ang ating mga puso ay naging higit na napalayo sa Diyos at ang ating pananampalataya ay lumalamig. Sa totoo lang, ang pagbuo ng isang tamang relasyon sa Diyos at ang pagbibigay ng ating mga puso sa Diyos ang pinakamahalaga. Kailangan nating manalangin nang madalas sa Diyos, madalas na basahin ang mga salita ng Diyos, kasabikan ang Kanyang pag-ibig at biyaya. Sa ganitong paraan, maaantig tayo ng Espiritu ng Diyos nang hindi napapansin at mamumuhay nang laging nasa harap ng Diyos.

Pag-unawa sa kapangyarihan ng pananampalataya higit sa takot at pagkabalisa

Kawikaan 4:23

Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap; sapagka’t dinadaluyan ng buhay.

Juan 4:23

Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.

Filipos 4:6-7

Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

1 Pedro 5:6-7

Kaya’t kayo’y mangagpakababa sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios, upang kayo’y kaniyang itaas sa kapanahunan; Na inyong ilagak sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka’t kayo’y ipinagmamalasakit niya.

Juan 14:27

Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.

Awit 34:17-19

Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon, at iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan. Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso, at inililigtas ang mga may pagsisising diwa. Marami ang kadalamhatian ng matuwid; nguni’t inililigtas ng Panginoon sa lahat.

Isaias 40:31

Nguni’t silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila’y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila’y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila’y magsisilakad, at hindi manganghihina.

Deuteronomio 31:6

Kayo’y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagka’t ang Panginoon mong Dios ay siyang yumayaong kasama mo; hindi ka niya iiwan ni pababayaan ka niya.

Awit 112:6-8

Sapagka’t siya’y hindi makikilos magpakailan man; ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan. Siya’y hindi matatakot sa mga masamang balita: ang kaniyang puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon. Ang kaniyang puso ay natatag, siya’y hindi matatakot, hanggang sa kaniyang makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway.

2 Timoteo 1:7

Sapagka’t hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos

Pinaniniwalaan, minamahal, at pinalulugod ng mga tao ang Diyos sa pamamagitan ng paghaplos sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang puso at sa gayon ay pagkakamit ng Kanyang kaluguran, at sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga salita ng Diyos gamit ang kanilang puso at sa gayon ay pagkaantig nila ng Espiritu ng Diyos. Kung nais mong magkaroon ng isang normal na espirituwal na buhay at magtatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, kailangan mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya. Pagkatapos mong mapatahimik ang iyong puso sa Kanyang harapan at maibuhos ang buong puso mo sa Kanya, saka mo lamang unti-unting magagawang magkakaroon ng isang normal na espirituwal na buhay. Kung hindi ibinibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Diyos sa kanilang pananalig sa Kanya, at kung ang kanilang puso ay wala sa Kanya at hindi nila tinatrato ang Kanyang pasanin bilang sarili nila, lahat ng kanilang ginagawa ay pandaraya sa Diyos, isang tipikal na kilos ng mga taong relihiyoso, at hindi makatatamo ng papuri ng Diyos.

Hinango mula sa “Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos”

Sa paniniwala sa Diyos, kahit paano dapat mong lutasin ang usapin tungkol sa pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Kung wala ang isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung gayon ang kabuluhan sa paniniwala sa Diyos ay nawawala. Ang pagtatatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos ay lubos na natatamo sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa iyong puso sa presensiya ng Diyos. Ang isang normal na kaugnayan sa Diyos ay nangangahulugan na nagagawang hindi pagdudahan o itanggi ang anuman sa gawain ng Diyos at magpasakop dito, at saka ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng tamang mga layunin sa presensiya ng Diyos, hindi pag-iisip sa sarili mo, palaging pagkakaroon ng mga interes ukol sa pamilya ng Diyos bilang ang pinakamahalagang bagay maging anuman ang iyong ginagawa, pagtanggap sa pagmamasid ng Diyos, at pagpapasakop sa pagsasaayos ng Diyos. Nagagawa mong mapatahimik ang iyong puso sa presensiya ng Diyos sa bawat sandaling gumagawa ka ng anumang bagay; kahit na hindi mo nauunawaan ang kalooban ng Diyos, dapat mo pa ring tuparin ang iyong mga tungkulin at mga pananagutan sa abot ng iyong makakaya. Hindi pa masyadong huli upang hintayin na mabunyag sa iyo ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito. Kapag naging normal na ang iyong kaugnayan sa Diyos, kung gayon magkakaroon ka rin ng isang normal na kaugnayan sa mga tao. Ang lahat ay itinatatag sa saligan ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, magsagawa ka alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, itama ang iyong mga pananaw, at huwag gumawa ng mga bagay na kumakalaban sa Diyos o gumagambala sa iglesia. Huwag gumawa ng mga bagay na walang pakinabang sa mga buhay ng mga kapatid, huwag magsalita ng mga bagay na hindi nakatutulong sa ibang mga tao, huwag gumawa ng mga kahiya-hiyang bagay. Maging makatarungan at kagalang-galang kapag ginagawa ang lahat ng bagay at gawing kaaya-aya ang mga ito sa harap ng Diyos. Bagama’t ang laman ay mahina paminsan-minsan, nagagawa mong ilakip ang pinakamataas na kahalagahan sa kapakinabangan ng pamilya ng Diyos, huwag pag-imbutan ang iyong sariling mga pakinabang, at ipatupad ang pagkamakatuwiran. Kung makakapagsagawa ka sa ganitong paraan, ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging normal.

Hinango mula sa “Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?”


Rekomendasyon:

Ang best Tagalog Bible App ay pinagsama-samang masaganang mapagkukunan, tulad ng mga salita ng Diyos, lahat ng uri ng mga himno, pelikula ng ebanghelyo, Q/A sa paniniwala, at lahat ng uri ng mga artikulo ng karanasan. Gamit ito, mababasa natin ang mga salita ng Diyos at mapakikinggan ang mga himno anumang oras. Sa gayon ang ating buhay ay maaaring makatamo ng panustos upang magkaroon tayo ng mas malapit na relasyon sa Diyos. Magmadali upang i-download ito at maranasan kaagad! Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!