Ang Pangamba ng Isang Mangangaral—Paano Sa-salubungin ang Pagbabalik ng Panginoon

Ni Zhanxin, Tsina

Ako ay isang mangangaral sa isang simbahan, ngunit wala akong maipangaral na may halaga at hindi ko kayang suplayan ang mga kapatid. Ang kanilang pananampalataya sa kabuuan ay naging mahina at walang kabuluhan, at sa oras ng mga kongregasyon, kung hindi sila ay nakakatulog o nagkwe-kwentuhan sa mga mababang tinig. Ang nakikita kong eksena na ito na regular na nangyayari sa simbahan ay nagpapagalit sa akin. Maraming beses akong nagdarasal sa Panginoon, at maraming okasyon na pinaa-alalahanan ko ang mga kapatid na maging alisto at mag-ingat, ngunit dahil hindi nila nagawang tanggapin ang pagbabalik ng Panginoon, nawalan sila ng pananampalataya. Kahit anong gawin ko, hindi ito sapat upang buhaying muli ang simbahan. At ngayon na ang mga huling araw at kahit na ang mga hindi mananampalataya ay alam na malapit na mangyari ang mga malalaking sakuna, kaya ito ay nangangahulugan na dapat nang bumalik ang Panginoon. Ngunit bakit hindi natin nagawang salubungin Siya? Maaari ba talaga nating masalubong ang pagbabalik ng Panginoon sa pamamagitan lamang ng pagmamatyag sa mga ulap at kalangitan? Ang aking puso ay talagang hindi napapalagay!

Magpatuloy sa pagbasa