Tagalog Christian Song With Lyrics | “Ang mga Pagpapahayag ni Pedro ng Pag-ibig sa Diyos”

I
Anumang bagay sa buhay ni Pedro
na ‘di kinalugdan ng Diyos
ay bumagabag sa kanya.
Kung ‘di nalugod ang Diyos, siya’y taos na magsisisi,
naghahanap ng paraan
na mabigyang-kasiyahan ang Diyos.
Sa pinakamaliliit mang bagay sa buhay ni Pedro,
inaring tungkulin n’yang tugunan ang nais ng Diyos,
walang kaluwagan sa dati n’yang disposisyon,
sarili’y inuutusang mas lumalim sa katotohanan.
Ito ma’y pagkastigo, paghatol, o matinding kahirapan,
makakamit mo ang pagsunod hanggang kamatayan.
At dapat itong makamit ng isang nilalang ng Diyos.
Ito ang kalinisan ng pag-ibig ng Diyos.
Ito ang kalinisan ng pag-ibig ng Diyos.

Magpatuloy sa pagbasa

Tungkol sa Biblia (3) | Sipi 271


Hindi lahat ng nasa Biblia ay isang talaan ng mga salitang personal na sinabi ng Diyos. Isinasaad lang ng Biblia ang naunang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, kung saan ang isang bahagi ay isang talaan ng mga hula ng mga propeta, at ang isang bahagi ay mga karanasan at kaalamang isinulat ng mga taong ginamit ng Diyos sa nagdaang mga panahon. Ang mga karanasan ng tao ay nabahiran ng mga opinyon at kaalaman ng tao, na hindi maiiwasan. Marami sa nasa mga aklat ng Biblia ang mga pagkaintindi ng tao, mga pagkiling ng tao, at mga kakatwang pag-unawa ng tao. Siyempre, karamihan ng mga salita ay resulta ng kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at tama ang mga pagkaunawang iyon—pero hindi pa rin masasabi na sila ay tamang-tama na mga pagpapahayag ng katotohanan. Ang kanilang mga pananaw tungkol sa ilang bagay ay walang iba kundi ang kaalamang hango sa personal na karanasan, o ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Magpatuloy sa pagbasa

Tungkol sa Biblia (2) | Sipi 270


Ang Biblia ay tinatawag din na Luma at Bagong Tipan. Alam ba ninyo kung ano ang tinutukoy ng “tipan”? Ang “tipan” sa Lumang Tipan ay mula sa kasunduan ni Jehova sa bayan ng Israel nang patayin Niya ang mga taga-Egipto at iligtas ang mga Israelita mula sa Faraon. Siyempre pa, ang patunay ng kasunduang ito ay ang dugo ng tupa na ipinahid sa itaas ng mga pintuan, na sa pamamagitan nito’y nagtatag ang Diyos ng kasunduan sa tao, kung saan sinabi na ang lahat ng may dugo ng tupa sa itaas at mga gilid ng pintuan ay mga Israelita, sila ang hinirang na bayan ng Diyos, at silang lahat ay ililigtas ni Jehova (sapagkat papatayin na ni Jehova noon ang lahat ng panganay na lalaki ng Egipto at panganay na mga tupa at baka). Magpatuloy sa pagbasa

Tungkol sa Biblia (1) | Sipi 269


Ang Biblia ay isang makasaysayang aklat, at kung nakain at nainom mo ang Lumang Tipan sa Kapanahunan ng Biyaya—kung naisagawa mo kung ano ang kinailangan sa panahon ng Lumang Tipan noong Kapanahunan ng Biyaya—maaaring natanggihan ka ni Jesus, at nakondena ka; kung inilapat mo ang Lumang Tipan sa gawain ni Jesus, naging isang Fariseo ka sana. Kung, ngayon, ipinag-isa mo ang Luma at Bagong Tipan upang kainin at inumin, at isagawa, kung gayon kokondenahin ka ng Diyos ng ngayon; ikaw ay maiiwanan ng gawain ng Banal na Espiritu sa kasalukuyan! Kung kumain at uminom ka ng Lumang Tipan at ng Bagong Tipan, sa gayon ikaw ay nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu! Sa panahon ni Jesus, pinamunuan ni Jesus ang mga Judio at ang lahat ng sumunod sa Kanya ayon sa gawain ng Banal na Espiritu sa Kanya noong panahong iyon. Hindi Niya ginamit ang Biblia bilang basehan ng Kanyang ginawa, kundi nagsalita ayon sa Kanyang gawain; hindi Niya binigyang-pansin kung ano ang sinabi ng Biblia, ni naghanap Siya sa Biblia ng landas upang pamunuan ang Kanyang mga tagasunod. Mula sa kung kailan Siya nagsimulang gumawa, ipinalaganap Niya ang daan ng pagsisisi—isang salita kung saan lubusang walang nabanggit sa mga propesiya sa Lumang Tipan. Hindi lamang Siya hindi kumilos ayon sa Biblia, kundi Siya ay namuno rin sa bagong daan, at gumawa ng bagong gawain. Kahit kailanman hindi Siya sumangguni sa Biblia kapag Siya ay nangangaral. Magpatuloy sa pagbasa

Tungkol sa Biblia (1) | Sipi 268

Kung nais mong makita ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at makita kung paano sumunod ang mga Israelita sa landas ni Jehova, kung gayon dapat mong basahin ang Lumang Tipan; kung nais mong maunawaan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, kung gayon dapat mong basahin ang Bagong Tipan. Ngunit paano mo makikita ang mga gawain sa huling mga araw? Kailangan mong tanggapin ang pamumuno ng Diyos sa kasalukuyan, at makilahok sa gawain sa kasalukuyan, dahil ito ang bagong gawain, at wala pang nakapagtatala nito sa Biblia. Ngayon, ang Diyos ay naging tao at pumili ng ibang mga hinirang sa Tsina. Ang Diyos ay gumagawa sa mga taong ito, nagpapatuloy Siya mula sa Kanyang gawain sa daigdig, nagpapatuloy mula sa gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang gawain sa kasalukuyan ay isang daan na hindi pa kailanman nalakaran ng tao, at daan na walang sinuman ang nakakita. Ito ay gawain na hindi pa kailanman nagawa—ito ang pinakabagong gawain ng Diyos sa mundo. Kaya, ang gawain na hindi pa nagawa noon ay hindi kasaysayan, dahil ang ngayon ay ngayon, at hindi pa nagiging nakaraan. Hindi alam ng mga tao na ang Diyos ay nakagawa nang mas higit, mas bagong gawain sa mundo, at sa labas ng Israel, na lumampas ito sa saklaw ng Israel, at lampas sa mga ipinropesiya ng mga propeta, na bago at kahanga-hangang gawain ito na wala sa mga propesiya, at bagong gawain na lampas sa Israel, at gawain na hindi maaaring mahiwatigan o akalain ng mga tao. Paanong ang Biblia ay naglalaman ng malinaw na mga talaan ng nasabing gawain? Sino ang maaaring magtala ng bawat isang kapiraso ng gawain ngayon, nang walang makakaligtaan, sa patiuna? Magpatuloy sa pagbasa

Tungkol sa Biblia (1) | Sipi 267


Anong uri ng libro ang Biblia? Ang Lumang Tipan ay ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang Lumang Tipan ng Biblia ay nagtatala ng lahat ng gawain ni Jehova noong Kapanahunan ng Kautusan at ang Kanyang gawain ng paglikha. Ang lahat ng ito ay nagtatala ng gawain na tinapos ni Jehova, at tinatapos nito sa bandang huli ang mga salaysay ng gawain ni Jehova sa Aklat ni Malakias. Ang Lumang Tipan ay nagtatala ng dalawang bahagi ng gawain na tinapos ng Diyos: Ang isa ay ang gawain ng paglikha, at ang isa ay pag-aatas ng mga kautusan. Ito ay parehong gawain na ginawa ni Jehova. Ang Kapanahunan ng Kautusan ay kumakatawan sa gawain sa ilalim ng pangalan ng Diyos na si Jehova; ito ay kabuuan ng mga gawain na pangunahing ipinatupad sa ilalim ng pangalan ni Jehova. Magpatuloy sa pagbasa

Tungkol sa Biblia (1) | Sipi 266


Matapos gawin ng Diyos ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, ginawa ang Lumang Tipan, at noon nagsimulang magbasa ng Biblia ang mga tao. Matapos dumating si Jesus, ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at isinulat ng Kanyang mga apostol ang Bagong Tipan. Sa gayon ay nagawa ang Luma at Bagong Tipan ng Biblia, at kahit hanggang ngayon, lahat ng naniniwala sa Diyos ay nagbabasa na ng Biblia. Ang Biblia ay isang aklat ng kasaysayan. Siyempre, ito rin ay naglalaman ng ilan sa mga hula ng mga propeta, at siyempre, ang mga hulang ito ay hindi nangangahulugan na kasaysayan. Napapaloob sa Biblia ang ilang bahagi—hindi lamang propesiya, o gawain lang ni Jehova, ni mayroon lamang mga sulat ni Pablo. Kailangan mong malaman kung gaano karaming mga bahagi ang napapaloob sa Biblia; ang Lumang Tipan ay naglalaman ng Genesis, Exodo…, at mayroon ding mga aklat ng propesiya na isinulat ng mga propeta. Sa katapusan, ang Lumang Tipan ay nagtatapos sa Aklat ni Malakias. Itinatala nito ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, na siyang pinamunuan ni Jehova; mula sa Genesis hanggang Aklat ni Malakias, ito ay komprehensibong tala ng lahat ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Magpatuloy sa pagbasa

Tungkol sa Biblia (1) | Sipi 265


Sa maraming taon, ang mga kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanismo, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay paglihis sa pananampalataya, at maling paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Biblia. Na ang ibig sabihin, kung naniniwala ka sa Panginoon, dapat mong basahin ang Biblia, at bukod sa Biblia hindi ka dapat sumamba ng anumang libro na walang kinalaman ang Biblia. Kung gagawin mo iyon, samakatuwid pinagtataksilan mo ang Diyos. Mula noong panahong mayroong Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang paniniwala sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay nananalig sa Panginoon, mas mabuti pang sabihin na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuti pang sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nagbalik na sila sa Panginoon, mas mabuti pang sabihing nagbalik na sila sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na para bang ito ang Diyos, na para bang ito ang kanilang ikinabubuhay at ang mawalan nito ay kapareho ng mawalan ng kanilang buhay.

“Ang Tiwaling Sangkatauhan ang Mas Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao” | Sipi 122

Ang paunang gawain ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay direktang nagawa sa pamamagitan ng Espiritu, at hindi sa pamamagitan ng katawang-tao. Ang huling gawain ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, gayunpaman, ay ginawa sa pamamagitan ng nagkatawang-taong Diyos, at hindi direkta sa pamamagitan ng Espiritu. Ang gawain ng pagtubos sa mga tagapamagitan na yugto ay ginawa din ng Diyos sa katawang-tao. Sa buong gawaing pamamahala, ang pinaka-mahalagang gawain ay ang kaligtasan ng tao mula sa impluwensya ni Satanas. Ang pinaka-susing gawain ay ang ganap na paglupig sa tiwaling tao, sa gayon ay pinapanumbalik ang orihinal na paggalang sa Diyos sa puso ng nalupig na tao, at pinahihintulutan siyang makamit ang isang normal na buhay, na ang ibig sabihin, ang normal na buhay ng isang nilikha ng Diyos. Ang gawain na ito ay maselan, at ito ang saligan ng gawaing pamamahala. Sa tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas, ang unang yugto ng gawain ng kautusan ay malayo mula sa saligan ng gawaing pamamahala; Magpatuloy sa pagbasa

Mahalagang Magkaroon ng Normal na Kaugnayan sa Diyos

Kristiyano,Papuri

I
Tuwing gagawin mo ang anumang bagay,
dapat mong suriin kung tama ang iyong mga motibo.
Kung kumikilos ka sa mga paraan na hinihiling ng Diyos,
ang iyong relasyon sa Diyos ay tama.
Ito ang pinakamaliit na inaasahan ng Diyos.
Ngunit kung ang mga motibo ay mali, dapat mong talikuran,
dapat kang kumilos ayon sa salita ng Diyos
at maging isang taong tama sa harapan ng Diyos,
ginagawa ang lahat para sa Diyos, wala para sa iyong sarili. Magpatuloy sa pagbasa