
Maaga iyon, kakatapos lang ng ulan, at ang manipis na hamog ay binabalot ang baryo sa paanan ng bundok. Minsan lamang makita ang baryo sa kabila ng hamog, gaya ng mundo ng mga engkantado sa lupa. Sa isang mainit, ordinaryong-tingnan na kubo, dinala ni Molian ang asada na puno ng putik sa tarangkahan, at inudyukan ang manugang niyang nasa loob ng bahay, “Bilisan mo Xiaoqing, kapag nagtanim tayo matapos ang ulan sa tagsibol, siguradong lalaking matibay ang mga binhi!”
“Papunta na!”
Naglakad ang mag-biyenan sa kayumangging lupa papunta sa palayan…
Isang lumalangitngit na bisikleta ang mabilis na tumatakbo palapit sa kanila at biglang huminto sa harap nila. “Mga kamag-anak ba kayo ni Zhihui?” nababalisang singhap ng isang binatilyong patag ang ulo habang pinapalis nito ang pawis mula sa noo nito. Bahagyang tumango si Molian, ngunit bago pa siya makasagot, natatarantang sinabi nito, “Bilis! Nasaktan ang anak mo, at nakahiga siya sa ospital!” Agad na kinabahahan si Molian: Nakahiga sa ospital? Seryso ba ang pinsala? Bago sila makapag-isip pa, mabilis na nakahanap ng taxi si Molian at ang manugang niya at nagmamadaling pumunta sa ospital sa bayan.