Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng mga Taong Sumusunod sa Diyos

Kasunod, pag-uusapan natin ang ukol sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong sumusunod sa Diyos. Ito ay may kaugnayan sa inyo, kaya makinig nang mabuti. Una, mag-isip ng tungkol sa anong mga kategorya maaaring pagbaha-bahaginin ang mga taong sumusunod sa Diyos. (Ang hinirang na mga tao ng Diyos at mga taga-sserbisyo.) Dalawa ang mga ito: Ang hinirang na mga tao ng Diyos at ang mga taga-serbisyo. Una ang pag-uusapan natin ay ukol sa hinirang na mga tao ng Diyos, kung saan sila ay kakaunti. Ano ang tinutukoy sa “hinirang na mga tao ng Diyos”? Pagkatapos likhain ng Diyos ang lahat ng bagay at nagkaroon ng sangkatauhan, pumili ang Diyos ng grupo ng mga tao na sumunod sa Kanya, at tinawag lamang silang “hinirang na mga tao ng Diyos.” Mayroong natatanging saklaw at kahalagahan sa pagpili ng Diyos sa mga taong ito. Ang saklaw ay sa bawat sandaling gumagawa ang Diyos ng mahalagang gawain kailangan nilang dumalo—kung saan ay iyon ang una sa mga bagay na ikinatangi nila. At ano ang kanilang kahalagahan? Ang pagpili sa kanila ng Diyos ay nangangahulugan na taglay nila ang malaking kahalagahan. Na ang ibig sabihin, ninanais ng Diyos na gawing ganap ang mga taong ito, at gawin silang perpekto, at pagkatapos nang Kanyang gawaing pamamahala ay matapos, makakamit Niya ang mga taong ito. Hindi ba dakila ang kahalagahang ito? Kaya, ang mga taong pinili na ito ay may dakilang kahalagahan sa Diyos, sapagkat sila yaong mga ninanais ng Diyos na makamit. Samantalang ang mga taga-serbisyo—kung gayon, umalis muna tayo mula sa pagtatalaga ng Diyos, at una muna nating pag-usapan ang kanilang mga pinagmulan. Ang literal na kahulugan ng “taga-serbisyo” ay yaong naglilingkod. Yaong mga naglilingkod ay pansamantala; hindi nila nagagawa iyon nang matagalan, o nang habang panahon, ngunit mga inuupahan o hinihikayat nang pansamantala. Karamihan sa kanila ay pinili mula sa mga taong hindi sumasampalataya. Sila ay dumarating sa lupa kapag iniutos na gagampanan nila ang papel ng mga taga-serbisyo sa gawain ng Diyos. Maaaring sila ay naging hayop sa nakaraan nilang buhay, ngunit maaari din namang isa sa mga taong hindi sumasampalataya. Ang gayon ay ang mga pinagmulan ng mga taga-serbisyo. Magpatuloy sa pagbasa

Christian Music Video | Ang Diyos Nagkatawang-tao ng mga Huling Araw ay Pangunahing Ginagawa ang Gawain ng mga Salita (Tagalog Subtitle)

Christian Music Video | “Ang Diyos Nagkatawang-tao ng mga Huling Araw ay Pangunahing Ginagawa ang Gawain ng mga Salita” (Tagalog Subtitle)

I
Ang Diyos na Nagkatawang-tao sa mga huling araw
winawakasan ang Kapanahunan ng Biyaya
at nagsasalita upang magperpekto at magliwanag,
mga salitang nag-aalis ng mga malabong pagkaunawa sa Diyos
mula sa puso ng tao.
Ginawa ni Jesus ang gawain na naiiba.
Nagsagawa Siya ng mga milagro at pinagaling ang may sakit,
ipinangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng langit,
at ipinako sa krus para tubusin ang lahat ng tao.
Kaya nagkaroon ng pagkaunawa ang tao
na palaging ganito ang Diyos.
Tinutupad at ibinubunyag ng Diyos na nagkatawang-tao
ng mga huling araw ang lahat sa salita.
Sa mga salita N’ya nakikita mo kung ano S’ya;
sa mga salita N’ya nakikita mo na Siya ay Diyos.
II
Nagkatawang-taong Diyos sa mga huling araw
inaalis ang mga malabong pagkaunawa sa Diyos
mula sa puso ng tao.
Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at gawain,
ang Kanyang totoo
at normal na gawain sa gitna ng lahat ng tao,
batid ng tao ang pagkatotoo ng Diyos,
hindi naniniwala sa Diyos na malabo.
Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao,
pinapaging-ganap N’ya ang tao’t tinutupad ang lahat.
Ito ang gawain na makakamit ng Diyos
sa kahuli-hulihan ng mga araw.
Tinutupad at ibinubunyag ng Diyos na nagkatawang-tao
ng mga huling araw ang lahat sa salita.
Sa mga salita N’ya nakikita mo kung ano S’ya;
sa mga salita N’ya nakikita mo na Siya ay Diyos.
III
Ang Diyos na nagkatawang-tao
ay bumibigkas lamang ng mga salita,
dahil ito ang Kanyang gawain sa mundo.
Makikita mo ang Kanyang kabuuan
sa pamamagitan ng Kanyang mga salita,
makapangyarihan, mapagpakumbaba, at kataas-taasan.
Ang Diyos na nagkatawang-tao
ay bumibigkas lamang ng mga salita,
dahil ito ang Kanyang gawain sa mundo.
Makikita mo ang Kanyang kabuuan
sa pamamagitan ng Kanyang mga salita,
makapangyarihan, mapagpakumbaba, at kataas-taasan.
Tinutupad at ibinubunyag ng Diyos na nagkatawang-tao
ng mga huling araw ang lahat sa salita.
Sa mga salita N’ya nakikita mo kung ano S’ya;
sa mga salita N’ya nakikita mo na Siya ay Diyos…
Tinutupad at ibinubunyag ng Diyos na nagkatawang-tao
ng mga huling araw ang lahat sa salita.
Sa mga salita N’ya nakikita mo kung ano S’ya;
sa mga salita N’ya nakikita mo na Siya ay Diyos.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


Naranasan mo na ba ang gayong mga problema: Hindi sinasagot ng Diyos ang iyong mga dasal at hindi mo alam kung paano manalangin nang naaayon sa kalooban ng Diyos? Huwag kang mag-alala! Makinig sa mga sumusunod na mga Christian praise and worship Tagalog Christian Song at makikita mo ang paraan upang ang iyong mga panalangin ay madinig ng Diyos.

Magrekomenda nang higit pa: Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Dinirinig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos: Makikilala Mo ba ang Tinig ng Diyos?

Makikilala Mo ba ang Tinig ng DiyosSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang sangkatauhan, na lumayo mula sa panustos ng buhay ng Makapangyarihan sa lahat, ay hindi nakakaalam kung bakit sila nilikha, subali’t takot pa rin sa kamatayan. Wala silang tulong o suporta, nguni’t atubili pa ring ipikit ang kanilang mga mata, at determinadong mamuhay nang walang dangal sa mundong ito, mga sako ng laman na hindi nararamdaman ang kanilang sariling kaluluwa. Sa ganitong paraan ka namumuhay, walang pag-asa, walang layunin na tulad ng iba. Tanging ang Banal na Isa ng alamat ang magliligtas sa mga tao, na habang nananaghoy sa kanilang pagdurusa, ay lubhang umaasam sa Kanyang pagdating. Sa ngayon, ang gayong paniniwala ay hindi pa rin nagaganap sa mga yaong walang kamalayan. Gayunpaman, patuloy pa ring inaasam ito ng mga tao. Magpatuloy sa pagbasa

Tungkol sa Biblia (3) | Sipi 271


Hindi lahat ng nasa Biblia ay isang talaan ng mga salitang personal na sinabi ng Diyos. Isinasaad lang ng Biblia ang naunang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, kung saan ang isang bahagi ay isang talaan ng mga hula ng mga propeta, at ang isang bahagi ay mga karanasan at kaalamang isinulat ng mga taong ginamit ng Diyos sa nagdaang mga panahon. Ang mga karanasan ng tao ay nabahiran ng mga opinyon at kaalaman ng tao, na hindi maiiwasan. Marami sa nasa mga aklat ng Biblia ang mga pagkaintindi ng tao, mga pagkiling ng tao, at mga kakatwang pag-unawa ng tao. Siyempre, karamihan ng mga salita ay resulta ng kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at tama ang mga pagkaunawang iyon—pero hindi pa rin masasabi na sila ay tamang-tama na mga pagpapahayag ng katotohanan. Ang kanilang mga pananaw tungkol sa ilang bagay ay walang iba kundi ang kaalamang hango sa personal na karanasan, o ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Magpatuloy sa pagbasa

Kaalaman sa Karunungan at Walang Hanggang Kapangyarihan ng Diyos Mula sa Katunayan ng Kanyang Dominyon at Pamamahala sa Espiritwal na Mundo

Pagdating sa espirituwal na daigdig, kung ang iba-ibang mga nilalang na narito ay nakagawa ng isang bagay na mali, kung hindi nila ginagawa ang kanilang trabaho nang tama, ang Diyos ay mayroon ding katumbas na mga panlangit na kautusan at mga atas upang makitungo sa kanila—ito ay tiyak. Kaya sa ilang libong taon ng gawaing pamamahala ng Diyos, ang ilang tagapamahala na gumawa ng masama ay nilipol, ang ilan, sa araw na ito, ay nakakulong pa rin at pinarurusahan. Ito ang dapat harapin ng bawat nilalang sa espirituwal na daigdig. Kapag sila ay gumawa ng mali o nakagawa ng kasamaan, sila ay pinarurusahan—na kaparehong-kapareho ng paglapit ng Diyos sa mga taong Kanyang pinili at sa mga taga-serbisyo. At kaya, maging ito man ay sa espirituwal na daigdig o sa materyal na mundo, ang mga prinsipyo kung paano kumikilos ang Diyos ay hindi nagbabago. Kahit na makikita mo man ang mga pagkilos ng Diyos o hindi, ang mga prinsipyo nito ay hindi magbabago. Sa kabuuan, ang Diyos ay may parehong mga prinsipyo sa Kanyang paglapit sa lahat ng bagay at sa Kanyang paghawak sa lahat ng bagay. Ito ay hindi nababago. Magpatuloy sa pagbasa

Ang Hindi Pagpansin ng mga Propesiya nang Lihim na Pagdating ng Panginoon, Mapapalampas Mo ang Pagkakataon na Masalubong ang Panginoon

Mga aklatMga kaibigan, alam nyo ba? Maraming tao ang nakagawa ng isang pangkaraniwang pagkakamali sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, iyon ay, nakatuon lamang sila sa pagtitig sa kalangitan na naghihintay sa pagdating ng Panginoon kasama ng mga ulap, ngunit hindi pinansin na ang Panginoon ay babalik din nang lihim bilang ang nagkatawang-taong Anak ng tao. Sapagkat ang Biblia ay naglalaman ng hindi lamang mga propesiya ng pagdating ng Panginoon sa mga ulap ngunit pati na rin ng mga propesiya ng Kanyang palihim na pagdating gaya ng magnanakaw. Tingnan natin ang ilang mga talata, “Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw” (Pahayag 16:15). “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40). Magpatuloy sa pagbasa

Tungkol sa Biblia (2) | Sipi 270


Ang Biblia ay tinatawag din na Luma at Bagong Tipan. Alam ba ninyo kung ano ang tinutukoy ng “tipan”? Ang “tipan” sa Lumang Tipan ay mula sa kasunduan ni Jehova sa bayan ng Israel nang patayin Niya ang mga taga-Egipto at iligtas ang mga Israelita mula sa Faraon. Siyempre pa, ang patunay ng kasunduang ito ay ang dugo ng tupa na ipinahid sa itaas ng mga pintuan, na sa pamamagitan nito’y nagtatag ang Diyos ng kasunduan sa tao, kung saan sinabi na ang lahat ng may dugo ng tupa sa itaas at mga gilid ng pintuan ay mga Israelita, sila ang hinirang na bayan ng Diyos, at silang lahat ay ililigtas ni Jehova (sapagkat papatayin na ni Jehova noon ang lahat ng panganay na lalaki ng Egipto at panganay na mga tupa at baka). Magpatuloy sa pagbasa

Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Iba’t Ibang Tao na Mayroong Pananampalataya

Tinalakay pa lang natin ang pag-inog ng buhay at kamatayan ng unang kategorya, ang mga taong hindi sumasampalataya. Ngayon, talakayin naman natin ang tungkol sa ikalawang kategorya, ang iba’t ibang taong may pananampalataya. “Ang pag-inog ng buhay at kamatayan ng iba’t ibang tao na mayroong pananampalataya” ay isa ring napakahalagang paksa, at ito ay kapaki-pakinabang na magkaroon kayo ng ilang pagkaunawa ukol rito. Una, pag-usapan natin kung aling mga pananampalataya ang tinutukoy ng “pananampalataya” sa “mga taong may pananampalataya”: Ang ibig sabihin nito ay ang Judaismo, Kristiyanismo, Katolisismo, Islam, at Budismo, itong limang pangunahing relihiyon. Bilang karagdagan sa mga taong hindi sumasampalataya, ang mga tao na naniniwala sa limang mga relihiyong ito ay umookupa sa isang malaking bahagi ng populasyon ng mundo. Kabilang sa limang relihiyong ito, yaong mga gumawa ng tungkulin sa kanilang pananampalataya ay kakaunti, gayunman ang mga relihiyong ito ay mayroong maraming mananampalataya. Magpatuloy sa pagbasa

Ang Panginoon ay Nagpakita at Nagdala sa Atin ng Paraan upang Madalisay at Makapasok sa Kaharian ng Langit

Ang Panginoon ay Nagpakita at Nagdala sa Atin ng Paraan upang Madalisay at Makapasok sa Kaharian ng LangitNamimighati ka pa rin ba tungkol sa pamumuhay sa kasalanan at hindi maalis ang iyong sarili mula rito? Nag-aalala ka pa rin ba na hindi magawang ma-rapture sa kaharian ng langit sa pagdating ng Panginoon, sapagkat ikaw ay makasalanan?

Sa totoo lang, alam ng Panginoon ang ating mga pangangailangan pati na rin ang pagdurusa natin sa pamumuhay sa kasalanan. Kaya’t, Siya ay bumalik sa mga huling araw at ipinahayag ang katotohanan upang gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa atin sa pundasyon ng Kanyang gawain na pagtubos, na nagdadala sa atin ng daan upang madalisay at makapasok sa kaharian ng langit. Magpatuloy sa pagbasa

Tungkol sa Biblia (1) | Sipi 269


Ang Biblia ay isang makasaysayang aklat, at kung nakain at nainom mo ang Lumang Tipan sa Kapanahunan ng Biyaya—kung naisagawa mo kung ano ang kinailangan sa panahon ng Lumang Tipan noong Kapanahunan ng Biyaya—maaaring natanggihan ka ni Jesus, at nakondena ka; kung inilapat mo ang Lumang Tipan sa gawain ni Jesus, naging isang Fariseo ka sana. Kung, ngayon, ipinag-isa mo ang Luma at Bagong Tipan upang kainin at inumin, at isagawa, kung gayon kokondenahin ka ng Diyos ng ngayon; ikaw ay maiiwanan ng gawain ng Banal na Espiritu sa kasalukuyan! Kung kumain at uminom ka ng Lumang Tipan at ng Bagong Tipan, sa gayon ikaw ay nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu! Sa panahon ni Jesus, pinamunuan ni Jesus ang mga Judio at ang lahat ng sumunod sa Kanya ayon sa gawain ng Banal na Espiritu sa Kanya noong panahong iyon. Hindi Niya ginamit ang Biblia bilang basehan ng Kanyang ginawa, kundi nagsalita ayon sa Kanyang gawain; hindi Niya binigyang-pansin kung ano ang sinabi ng Biblia, ni naghanap Siya sa Biblia ng landas upang pamunuan ang Kanyang mga tagasunod. Mula sa kung kailan Siya nagsimulang gumawa, ipinalaganap Niya ang daan ng pagsisisi—isang salita kung saan lubusang walang nabanggit sa mga propesiya sa Lumang Tipan. Hindi lamang Siya hindi kumilos ayon sa Biblia, kundi Siya ay namuno rin sa bagong daan, at gumawa ng bagong gawain. Kahit kailanman hindi Siya sumangguni sa Biblia kapag Siya ay nangangaral. Magpatuloy sa pagbasa