Ano ang Piging ng Kasal ng Cordero at Paano Makadadalo Dito

Ipinopropesiya ng Aklat ng Pahayag, “Tayo’y mangagalak at tayo’y mangagsayang mainam, at Siya’y ating luwalhatiin; sapagka’t dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang Kaniyang asawa ay nahahanda na. At sa kaniya’y ipinagkaloob na damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino, makintab at tunay; sapagka’t ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal. At sinasabi niya sa akin, Isulat mo, Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero. At sinasabi niya sa akin, Ang mga ito’y siyang tunay na mga salita ng Dios” (Pahayag 19:7–9).

Alam nating lahat na ang mga talatang ito ay mula sa isang pangitain na nakita ni Juan sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw. Sinabi ng mga ito sa atin na ang lahat ng mga makapupunta sa piging ng kasal ng Cordero ay masasalubong ang Panginoon at magiging pinakamapalad. Kung gayon ano ang piging ng kasal ng Cordero? Paano tayo makadadalo sa piging ng kasal ng Cordero? Sasabihin sa iyo ng sumusunod na nilalaman ang mga sagot.

Ano ang Piging ng Kasal ng Cordero?

Magpatuloy sa pagbasa

Ano ba Talaga ang Pagkakatawang-tao?

Tanong:

Ang Panginoong Jesus ang Diyos na nagkatawang-tao; ito ay hindi mapag-aalinlanganan. Ngayo’y nagpapatotoo ka na ang Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus na nagbalik sa katawang-tao, pero sinasabi ng mga relihiyosong pastor at elder na ang pinaniniwalaan mo ay tao lamang, na ikaw ay nalinlang. Hindi namin ito maunawaan. Noong maging tao ang Panginoong Jesus at dumating para gawin ang gawain ng pagtubos, sinabi rin ng mga Judiong Fariseo na Siya ay tao lamang, sinasabi na sinumang naniwala sa Kanya ay nalilinlang. Samakatwid, gusto naming hanapin ang aspetong ito ng katotohanan tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos. Ano ba talaga ang pagkakatawang-tao, at ano ang diwa ng pagkakatawang-tao? Pakibahagi mo naman ito sa amin.

Magpatuloy sa pagbasa