Para makaharap sa Diyos upang tanggapin ang Kanyang mga salita bilang buhay mo, kailangan mo munang mapayapa sa harap ng Diyos. Kapag payapa ka sa harap ng Diyos, saka ka lamang liliwanagan at bibigyan ng kaalaman ng Diyos. Kapag mas payapa ang mga tao sa harap ng Diyos, mas nagagawa nilang tumanggap ng kaliwanagan at pagpapalinaw ng Diyos. Kinakailangan ng mga tao na magkaroon ng kabanalan at pananampalataya sa lahat ng ito; sa gayong paraan lamang sila mapeperpekto. Ang pangunahing leksyon sa pagpasok sa espirituwal na buhay ay ang mapayapa sa presensya ng Diyos. Kung payapa ka sa presensya ng Diyos, saka lamang magiging epektibo ang lahat ng iyong espirituwal na pagsasanay. Kung hindi kaya ng puso mo na pumayapa sa harap ng Diyos, hindi mo matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung payapa ang puso mo sa harap ng Diyos anuman ang ginagawa mo, isa kang taong nabubuhay sa presensya ng Diyos. Kung payapa ang puso mo sa harap ng Diyos at napapalapit sa Diyos anuman ang ginagawa mo, patunay ito na isa kang taong payapa sa harap ng Diyos.