Ngayon, ang kaalaman ng mga tao sa praktikal na Diyos ay nananatiling masyadong naka-isang-panig, at ang kanilang pag-unawa sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay napaka-katiting pa rin. Pagdating sa katawang-tao ng Diyos, sa pamamagitan ng Kanyang gawa at mga salita, nakikita ng mga tao ang Espiritu ng Diyos na napakaraming sakop, na Siya ay napakayaman. Ngunit, hindi alintana, ang patotoo ng Diyos ay ganap na mula sa Espiritu ng Diyos: kung ano ang ginagawa ng Diyos sa katawang-tao, sa aling mga prinsipyo Siya gumagawa, kung ano ang Kanyang ginagawa sa pagkatao, at kung ano ang Kanyang ginagawa sa pagka-Diyos. Ngayon magagawa mong sambahin na ang taong ito, ngunit sa katunayan ikaw ay sumasamba sa Espiritu. Ito man lang kahit papaano ang dapat makamit ng kaalaman ng tao sa Diyos nagkatawang-tao: ang pagkilala sa diwa ng Espiritu sa pamamagitan ng katawang-tao, ang pagkilala sa banal na gawain ng Espiritu sa katawang-tao at gawaing pantao sa katawang-tao, tinatanggap ang lahat ng mga salita ng Espiritu at mga pagbigkas sa katawang-tao, at nakikita kung paano pinamamahalaan ng Espiritu ng Diyos ang katawang-tao at itinatanghal ang Kanyang kapangyarihan sa katawang-tao. Na ang ibig sabihin, ang tao ay nakikilala ang Espiritu sa langit sa pamamagitan ng katawang-tao; ang pagpapakita ng praktikal na Diyos Mismo sa tao ay nagwawaksi ng malabong Diyos Mismo sa mga pagkaintindi ng mga tao; ang pagsamba ng mga tao sa praktikal na Diyos Mismo ay nadagdagan ang kanilang pagsunod sa Diyos; at sa pamamagitan ng banal na gawain ng Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, at gawaing pantao sa katawang-tao, tumatanggap ang tao ng pagbubunyag at pagpapastol, at ang mga pagbabago ay nakamit sa kanyang disposisyon sa buhay. Tanging ito lamang ang aktwal na kahulugan ng pagdating ng Espiritu sa katawang-tao, at pangunahin ito upang ang mga tao ay maaaring makipag-ugnayan sa Diyos, umaasa sa Diyos, at naaabot ang kaalaman sa Diyos.