Ako ay Dinala sa Harap ng Diyos

KCA192H-神的羊会听神的声音-注重听神的说话才能

Binautismuhan ako at lumapit sa Panginoong Jesus nung 20 ako. Pinagsigla ang puso ko ng mga sermon ng pastor tungkol sa pagmamahal, at matulungin sa isa’t isa ang lahat ng mga kapatid ko sa iglesia, kaya natuwa ako sa pagdalo run. Madalas kong naririnig na sinasabi ng pastor, “Ipinako sa krus ang Panginoong Jesus upang tubusin tayo, Nabuhay siyang muli at umakyat sa langit para sa’tin. Pag kumpleto na ang paghahanda Niya, daratiing Siya para dalhin tayo sa langit. Dahil ipinangako ng Panginoong Jesus na: ‘Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon’ (Juan 14:2–3). At ganundin sa 1 Mga Taga-Tesalonica 4:17: ‘Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man.’” Madalas na sinasabi ng pastor sa amin: “Hangga’t ang tiwala nati’y nasa Panginoon, kapag dumating Siya, dadalhin Niya tayo paakyat ng langit at makakasama Siya magpakailanman. Sa langit ay walang kalungkutan, walang karamdaman, at walang luha. Meron lang galak at kapayapaan …” Nakakita ako ng pag-asa at suporta sa mga bersong ito. Hangga’t sinusundan ko ang Panginoon at magtitiis hanggang dulo, tiyak na dadalhin ako sa langit at tatamasahin ko ang pagpapala Niya. Lagi akong umaasang darating na ang Panginoon para dalhin ako patungong langit.

Magpatuloy sa pagbasa