Tagalog Christian Song With Lyrics | “Ang mga Pagpapahayag ni Pedro ng Pag-ibig sa Diyos”

I
Anumang bagay sa buhay ni Pedro
na ‘di kinalugdan ng Diyos
ay bumagabag sa kanya.
Kung ‘di nalugod ang Diyos, siya’y taos na magsisisi,
naghahanap ng paraan
na mabigyang-kasiyahan ang Diyos.
Sa pinakamaliliit mang bagay sa buhay ni Pedro,
inaring tungkulin n’yang tugunan ang nais ng Diyos,
walang kaluwagan sa dati n’yang disposisyon,
sarili’y inuutusang mas lumalim sa katotohanan.
Ito ma’y pagkastigo, paghatol, o matinding kahirapan,
makakamit mo ang pagsunod hanggang kamatayan.
At dapat itong makamit ng isang nilalang ng Diyos.
Ito ang kalinisan ng pag-ibig ng Diyos.
Ito ang kalinisan ng pag-ibig ng Diyos.

Magpatuloy sa pagbasa

Paano Bumuo nang Normal na Relasyon sa Diyos

Sabi ng Diyos: “Ang magtatag ng isang mabuting kaugnayan sa Diyos ay isang pinakapangunahin para sa bawat isang naniniwala sa Diyos; dapat itong tratuhin ng bawat isa bilang siyang pinakamahalagang gawain at bilang kanilang pinakamalaking pangyayari sa buhay” (Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?). Makikita natin mula sa mga salita ng Diyos na ang pagbuo ng isang normal na relasyon sa Diyos sa kanyang pananampalataya sa Diyos ay isang katotohanan na pinakamahalaga. Kung nais nating makuha ang papuri ng Diyos at maglingkod sa kalooban ng Diyos, tanging sa pamamagitan lamang ng pagbuo ng isang normal na relasyon sa Diyos makakamit ang mga bagay na ito. Kung wala tayong isang normal na relasyon sa Diyos, hindi tayo karapat-dapat na tawaging mga mananampalataya—kaya’t ang pagbuo ng isang normal na relasyon sa Diyos ay napakahalaga. Kaya paano tayo bubuo ng isang normal na relasyon sa Diyos? Sa ibaba ay isang simpleng pagbabahagi ng apat na mga prinsipyo.

Tunay na Manalangin sa Diyos

Magpatuloy sa pagbasa

Mga Propesiya sa Bibliya Tungkol sa Mga Palatandaan ng mga Huling Araw: Ang Paraan upang masalubong ang Pagbabalik ng Panginoon

Sa kasalukuyan, ang mga lindol, mga taggutom, mga salot, mga pagbaha, mga tagtuyot, at lahat ng uri ng iba pang mga sakuna ay madalas na nangyayari at nagiging mas matindi. Ang mga propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon ay natutupad na at ang araw ng pagdating ng Panginoon ay dumating na. Kaya paano natin hahanapin ang pagpapakita at gawain ng Panginoon sa mga huling araw? Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon? Malinaw na iprinopesiya ng Panginoong Jesus, “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). Malinaw, ang Panginoon ay magsasalita upang kumatok sa ating mga pintuan kapag bumalik Siya sa mga huling araw. Yaong mga nakikinig sa tinig ng Diyos ay maaaring masalubong ang Panginoon, madala bago ang mga sakuna, at makasama sa pista ang Panginoon. Sasabihin sa iyo ng sumusunod na nilalaman ang mga detalye.

灾难

Magpatuloy sa pagbasa

Paano ang Pagbabasa ng Bibliya: 3 Pangunahing Punto

Ni: Xiao Xiao, Pransya

Basahin ang bibliya

Ang pagbabasa ng Biblia ay isang pang-araw-araw na pangangailangan para sa mga Kristiyano, at lubos din itong kailangan sa landas upang kamtin ang katotohanan at limago sa ating mga espiritwal na buhay. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios” (Mateo 4:4). Maliwanag na, ang madalas na pagbabasa ng mga salita ng Diyos sa Biblia at ang matatag na panghahawak sa mga ito sa ating mga puso ay isang bagay na dapat gawin ng bawat Kristiyano. Gayunpaman, ang bawat isa sa atin ay nagkaroon ng sumusunod na karanasan sa ating pagbabasa sa Banal na Kasulatan: Minsan natatamo natin ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu; ang ating espiritu ay nakikilos, nauunawaan natin ang kalooban at mga hinihingi ng Diyos at mayroong pananampalataya upang isagawa ang mga salita ng Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay. Pagkatapos ng ilang panahon, lumalago tayo sa ating mga espiritwal na buhay. Ngunit may mga pagkakataon, nawawalan tayo ng gana at hindi nasisiyahan sa pagbabasa natin ng Biblia at hindi madama ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu. Wala tayong diwa ng kalooban at mga hinhingi ng Diyos, at lalo pang hindi natin nalalaman kung paano isagawa ang mga salita ng Diyos sa ating pang-araw-araw na mga buhay, at pagkalipas ng ilang sandali, hindi natin nararansasan ang espiritwal na paglago. Minsan inaantok pa tayo habang nagbabasa ng Biblia at nagiging lalong hindi gaanong handa na basahin ang Banal na Kasulatan, daluhan ang mga pagtitipon, at manalangin. Nakalilito talaga ang ganito. Binabasa natin ang Biblia kagaya ng lagging ginagawa, kaya bakit mayroong dalawang kinalabasan? Paano natin matatamo ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu upang magtamo tayo ng magandang resulta sa pagbabasa natin ng Banal na Kasulatan? Ang totoo, hangga’t nauunawaan natin ang tatlong mahahalagang punto, malulutas natin ang usaping ito. Susunod, nais kong talakayin ang aking simpleng pagkaunawa sa mga ito.

Magpatuloy sa pagbasa

Ako ay Dinala sa Harap ng Diyos

KCA192H-神的羊会听神的声音-注重听神的说话才能

Binautismuhan ako at lumapit sa Panginoong Jesus nung 20 ako. Pinagsigla ang puso ko ng mga sermon ng pastor tungkol sa pagmamahal, at matulungin sa isa’t isa ang lahat ng mga kapatid ko sa iglesia, kaya natuwa ako sa pagdalo run. Madalas kong naririnig na sinasabi ng pastor, “Ipinako sa krus ang Panginoong Jesus upang tubusin tayo, Nabuhay siyang muli at umakyat sa langit para sa’tin. Pag kumpleto na ang paghahanda Niya, daratiing Siya para dalhin tayo sa langit. Dahil ipinangako ng Panginoong Jesus na: ‘Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon’ (Juan 14:2–3). At ganundin sa 1 Mga Taga-Tesalonica 4:17: ‘Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man.’” Madalas na sinasabi ng pastor sa amin: “Hangga’t ang tiwala nati’y nasa Panginoon, kapag dumating Siya, dadalhin Niya tayo paakyat ng langit at makakasama Siya magpakailanman. Sa langit ay walang kalungkutan, walang karamdaman, at walang luha. Meron lang galak at kapayapaan …” Nakakita ako ng pag-asa at suporta sa mga bersong ito. Hangga’t sinusundan ko ang Panginoon at magtitiis hanggang dulo, tiyak na dadalhin ako sa langit at tatamasahin ko ang pagpapala Niya. Lagi akong umaasang darating na ang Panginoon para dalhin ako patungong langit.

Magpatuloy sa pagbasa

Ang Diyos ay Nagpakita sa Silangan ng Mundo Nang May Kaluwalhatian

I
Diyos ay gumagawa sa buong sansinukob.
Dagundong ng ingay sa Silanganang ‘di tumitigil,
nililiglig lahat ng denominasyo’t lahat ng sekta.
Ito’y tinig ng Diyos, lahat dinala sa kasalukuyan.
Ito’y Kanyang tinig na sa lahat ay lulupig.
Sila’y nahuhulog sa agos nito, at nagpapasakop sa Kanya.
Matagal nang nabawi ng Diyos sa lupa ang luwalhati,
at mula Silangan ay inilabas Niyang muli.
Sinong ‘di sabik makita ang luwalhati ng Diyos?
Sinong ‘di naghihintay at nananabik Sa Kanyang pagbabalik?
Sinong hindi nauuhaw na Siya’y magpakitang muli?
Sinong ‘di nangungulila sa Kanyang kariktan?
Sinong ‘di lalapit tungo sa liwanag?
Sinong di nais makita yaman ng Canaan?
Sinong ‘di nananabik sa pagbalik ng Manunubos?
Sinong ‘di hanga sa Makapangyarihan-sa-lahat?

Magpatuloy sa pagbasa

Christian Music Video | Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos (Tagalog Subtitles)

Habang hanap bakás ng Diyos, iniwasan salitang,
“Diyos ang katotohanan, daan, buhay.”
Kaya katotohana’y tanggap ng tao,
di sila naniniwalang bakas ng Diyos ay nahanap
lalong ‘di kinikilala pagpapakita ng Diyos.
Anong kamalian!
Pagpapakita ng Diyos ‘di ayon sa paniwala ng tao
lalo na pagpapakita ng Diyos sa hiling ng tao.
Pag Diyos gumagawa, S’yang pumipili, may sarili S’yang plano.
Higit pa, may Sarili S’yang layon.
Yamang hinahanap natin bakás ng Diyos,
dapat hanapin kalooban N’ya, hanapin mga salita,
Dahil kung nasa’n bagong salita N’ya, naroon din ang tinig ng Diyos;
kung nasaan bakás ng Diyos, naro’n gawa N’ya.
Kung nasaan pahayag ng Diyos, naro’n pagpapakita ng Diyos,
at kung nasaan pagpapakita ng Diyos, naroon ang katotohanan, daan, buhay.

Magpatuloy sa pagbasa

Gospel Ngayong Araw: Tanging ang Mga Nagtutuon Makinig sa Tinig ng Diyos ang Maaaring Makasalubong sa Panginoon

Tanong: Nakita namin ang isang tao sa online na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na, kaya sinabi namin ang magandang balita sa aming pastor. Sinabi sa amin ng pastor, na ang anumang mensahe sa online na nagsasabing bumalik ang Panginoon ay hindi totoo, at sinabi niya sa amin na huwag makinig sa mga sermon na ibinigay ng mga hindi kilalang tao upang maiwasan ang pagkaligaw sa aming pananampalataya. Hindi namin sigurado kung ano ang iyong mga pananaw sa isyung ito, kaya’t nawa ay mabigyan kami ng fellowship.

Sagot: Kumusta! Ito ay isang mahalagang isyu, dahil tuwirang nauugnay ito sa mahalagang bagay na kung maari ba nating masalubong ang pagbabalik ng Panginoon o hindi. Ang susi sa pagtanggap sa pagdating na Panginoon at pagsisiyasat sa totoong daan ay hanapin ang kalooban ng Diyos. Isipin ito: Sinasabi ng mga pastor at elders na ang pangangaral ng ebanghelyo sa online ng pagdating ng Panginoon ay hindi totoo at hindi natin dapat pakinggan ang mga sermon ng mga estranghero, ngunit may batayan ba ito sa mga salita ng Panginoon? Naaayon ba ito sa kalooban ng Panginoon? Maraming beses nang iprinopesiya ng Panginoong Jesus na babalik Siya, at hiniling Niya sa mga tao na maghintay upang masalubong Siya. Ngunit ang mga pastor at elders ay nagsasabi na ang anumang mensahe na nagsasabing ang Panginoon ay dumating ay hindi totoo—sa pagsasabi nito, hindi ba nila tinatanggihan ang pagbabalik ng Panginoon? Sa pamamagitan ng pagpapasya na ang anumang mensahe na nangangaral ng pagparito ng Panginoon ay hindi totoo at pagtanggi kahit na bigyang pansin ang ideya, magagawa ba nating masalubong ang Panginoon? Ano pa, alam nating lahat na marami sa ngayon ang naniniwala sa Panginoon ay naniniwala sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang ebanghelyo na kumalat sa online, kaya’t ngayon na muling dumating ang Panginoon upang iligtas ang tao sa mga huling araw, hindi ba posible na mas maraming mga tao ang maaaring makaalam ng pagbabalik ng Panginoon sa pamamagitan ng Internet? Maliwanag, samakatuwid, ang paghayag na ginawa ng mga pastor at elders, na “ang pangangaral ng ebanghelyo sa online ng pagbabalik ng Panginoon ay hindi totoo” hindi ito paninindigan, at ito ay salungat sa kalooban ng Panginoon.

Magpatuloy sa pagbasa

Tagalog Christian Movie Extract 1 From “Paggising Mula sa Panaginip”: Ang Kaharian ba ng Diyos ay nasa Langit o nasa Lupa?

Maraming mga nananampalataya sa Panginoong Jesus ang naghihintay na madala sa kaharian ng langit, pero alam mo ba kung nasaan talaga ang kaharian ng langit? Alam mo ba ang tunay na kahulugan ng pagdadala? Ang pelikulang ito ng “Paggising Mula sa Panaginip”, ay magbubunyag sa mga misteryo ng pagdadala para sa ‘yo!


Rekomendasyon:

Sa pamamagitan ng pag aaral ng bibliya, maaari nating malaman ang higit pang mga hiwaga ng makalangit na kaharian, tulad ng pamantayan sa pagpasok sa kaharian ng langit, ang paraan upang makapasok sa kaharian ng langit, at kung paano makapasok sa kaharian ng Diyos, na malapit nang tumupad sa ating inaasahan na makapasok sa kaharian ng langit. Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Araw-araw na mga Salita ng Diyos | Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo | Sipi 135

Ngayon, ang kaalaman ng mga tao sa praktikal na Diyos ay nananatiling masyadong naka-isang-panig, at ang kanilang pag-unawa sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay napaka-katiting pa rin. Pagdating sa katawang-tao ng Diyos, sa pamamagitan ng Kanyang gawa at mga salita, nakikita ng mga tao ang Espiritu ng Diyos na napakaraming sakop, na Siya ay napakayaman. Ngunit, hindi alintana, ang patotoo ng Diyos ay ganap na mula sa Espiritu ng Diyos: kung ano ang ginagawa ng Diyos sa katawang-tao, sa aling mga prinsipyo Siya gumagawa, kung ano ang Kanyang ginagawa sa pagkatao, at kung ano ang Kanyang ginagawa sa pagka-Diyos. Ngayon magagawa mong sambahin na ang taong ito, ngunit sa katunayan ikaw ay sumasamba sa Espiritu. Ito man lang kahit papaano ang dapat makamit ng kaalaman ng tao sa Diyos nagkatawang-tao: ang pagkilala sa diwa ng Espiritu sa pamamagitan ng katawang-tao, ang pagkilala sa banal na gawain ng Espiritu sa katawang-tao at gawaing pantao sa katawang-tao, tinatanggap ang lahat ng mga salita ng Espiritu at mga pagbigkas sa katawang-tao, at nakikita kung paano pinamamahalaan ng Espiritu ng Diyos ang katawang-tao at itinatanghal ang Kanyang kapangyarihan sa katawang-tao. Na ang ibig sabihin, ang tao ay nakikilala ang Espiritu sa langit sa pamamagitan ng katawang-tao; ang pagpapakita ng praktikal na Diyos Mismo sa tao ay nagwawaksi ng malabong Diyos Mismo sa mga pagkaintindi ng mga tao; ang pagsamba ng mga tao sa praktikal na Diyos Mismo ay nadagdagan ang kanilang pagsunod sa Diyos; at sa pamamagitan ng banal na gawain ng Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, at gawaing pantao sa katawang-tao, tumatanggap ang tao ng pagbubunyag at pagpapastol, at ang mga pagbabago ay nakamit sa kanyang disposisyon sa buhay. Tanging ito lamang ang aktwal na kahulugan ng pagdating ng Espiritu sa katawang-tao, at pangunahin ito upang ang mga tao ay maaaring makipag-ugnayan sa Diyos, umaasa sa Diyos, at naaabot ang kaalaman sa Diyos.

Magpatuloy sa pagbasa