Tanong: Sabi ng Panginoong Jesus: “Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y Aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y Aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan” (Juan 4:14). Iniisip ng karamihan sa mga tao na naipagkaloob na sa atin ng Panginoong Jesus ang daan tungo sa buhay na walang hanggan, pero nabasa ko ang mga salitang ito ng Makapangyarihang Diyos: “Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan.” Tungkol saan ang lahat ng ito? Bakit sinasabi nito na tanging ang Cristo ng mga huling araw ang makapagbibigay sa tao ng daan tungo sa buhay na walang hanggan?
