Sa Wakas Naunawaan Ko Na Kung Anong Uri ng Mga Tao ang Maaaring Pumasok sa Kaharian ng Langit (I)

Ni Aixi, Malaysia

Nang ako ay 12, nagsimula akong manampalataya sa Panginoong Jesus at naging isang Kristiyano. Matapos akong magsimulang manampalataya, aktibo at tuloy-tuloy ako sa paglahok sa Lingguhang pagsamba at mga grupong pag-aaral ng Bibliya. Sa isang pagtitipon ng pag-aaral ng Bibliya, madalas naming tinatalakay ang 2 Timoteo 4:7–8, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran.” Iniisip namin na, bilang Kristiyano, dapat naming tularan si Pablo at sikaping tumakbo sa paligid at gumawa ng mga trabaho, sapagkat ang Panginoon ay magkakaloob sa amin ng korona ng katuwiran. Ang aming mga pastor ay madalas na hinihikayat kami sa pagsasabing ang kaharian ng langit ay mapapasok sa pamamagitan ng pagsisikap, at hangga’t gumagawa kami ng mga pagsisikap upang magpursige at masigasig na magtrabaho para sa Panginoon, kapag ang Panginoon ay nagbalik, Kanya kaming ia-angat sa kaharian ng langit. Ang mga turong ito ay naging batayan ng aking paniniwala sa Diyos, at nanumpa ako sa aking sarili na gagawin ko ang lahat sa aking makakaya na makilahok sa gawaing paglilingkod sa simbahan upang makamit ko ang sapat na “halaga” upang masiyahan ang Diyos, kaya kapag Siya ay dumating, ako maaaring mai-angat sa kaharian ng langit. Magpatuloy sa pagbasa