Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa | Sipi 494

Ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay nanggagaling sa kaibuturan ng puso; ito ay isang pag-ibig na umiiral lamang batay sa kaalaman ng tao tungkol sa Diyos. Kapag ang puso ng isang tao ay ganap na bumabaling sa Diyos, taglay nila ang pag-ibig sa Diyos, ngunit ang pag-ibig na iyon ay maaaring hindi dalisay at hindi lubos. Ito ay dahil mayroon pa ring kaunting agwat sa pagitan ng puso ng isang tao na lubusang bumabaling sa Diyos at ng pagkakaroon ng taong iyon ng tunay na pagkaunawa sa Diyos at tunay na pagsamba sa Kanya. Ang paraan para matamo ng tao ang tunay na pag-ibig sa Diyos at malaman ang disposisyon ng Diyos ay ang ibaling ang kanyang puso sa Diyos. Kapag ibinibigay ng tao ang kanyang tunay na puso sa Diyos, nagsisimula siyang pumasok sa karanasan ng buhay. Magpatuloy sa pagbasa