
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ano ang tinutukoy na pananampalataya? Ang pananampalataya ay ang dalisay na paniniwala at ang tapat na puso na dapat angkin ng mga tao kapag hindi nila nakikita o nahihipo ang isang bagay, kapag ang gawain ng Diyos ay hindi naayon sa mga pagkaunawa ng mga tao, kapag ito ay lampas sa maaabot ng tao. Ito ang pananampalataya na Aking binabanggit. Ang mga tao ay nangangailangan ng pananampalataya sa mga panahon ng kahirapan at pagpipino, at kalakip ng pananampalataya ang pagpipino. Di mapaghihiwalay ang mga ito. Hindi alintana kung paano man gumagawa ang Diyos o kung anumang uri ng kapaligiran ka naroroon, kung magagawa mong habulin ang buhay, hanaping isagawa ang gawain ng Diyos sa loob mo, at habulin ang katotohanan, at kung mayroon kang pagkaunawa sa mga pagkilos ng Diyos at kaya mong kumilos alinsunod sa katotohanan, sa gayon ito ang iyong dalisay na pananampalataya at ipinakikita nito na hindi ka nawalan ng pag-asa sa Diyos. ” Magpatuloy sa pagbasa