Sa Pamamagitan Lamang ng Pagkilala sa Diyos na Nagkatawang-tao Maaari Mong Batiin ang Pagbabalik ng Tagapagligtas

Mga aklatIto’y dahil ang Panginoong Jesus ay ang nagkatawang-taong Diyos na dapat pagkatiwalaan natin at sambahin Siya. Ngunit naiintindihan mo ba talaga kung ano ang pagkakatawang-tao? Ang pag-unawa sa aspetong ito ng katotohanan ay direktang magkaugnay sa kung maaari nating mabati ang pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw. Kung gayon ay basahin natin ng sama-sama ang ilang mga talata ng mga salita ng Diyos.
Sabi ng Diyos, “Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y napaparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa larawan ng isang katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawan, katawang-tao na may normal na pagkatao; ito ang pinakaunang dapat munang mangyari. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagkakaroon ng katawan, nagiging isang tao.” Magpatuloy sa pagbasa