Tungkol sa Biblia (1) | Sipi 267


Anong uri ng libro ang Biblia? Ang Lumang Tipan ay ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang Lumang Tipan ng Biblia ay nagtatala ng lahat ng gawain ni Jehova noong Kapanahunan ng Kautusan at ang Kanyang gawain ng paglikha. Ang lahat ng ito ay nagtatala ng gawain na tinapos ni Jehova, at tinatapos nito sa bandang huli ang mga salaysay ng gawain ni Jehova sa Aklat ni Malakias. Ang Lumang Tipan ay nagtatala ng dalawang bahagi ng gawain na tinapos ng Diyos: Ang isa ay ang gawain ng paglikha, at ang isa ay pag-aatas ng mga kautusan. Ito ay parehong gawain na ginawa ni Jehova. Ang Kapanahunan ng Kautusan ay kumakatawan sa gawain sa ilalim ng pangalan ng Diyos na si Jehova; ito ay kabuuan ng mga gawain na pangunahing ipinatupad sa ilalim ng pangalan ni Jehova. Magpatuloy sa pagbasa