Kasunod, pag-uusapan natin ang ukol sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong sumusunod sa Diyos. Ito ay may kaugnayan sa inyo, kaya makinig nang mabuti. Una, mag-isip ng tungkol sa anong mga kategorya maaaring pagbaha-bahaginin ang mga taong sumusunod sa Diyos. (Ang hinirang na mga tao ng Diyos at mga taga-sserbisyo.) Dalawa ang mga ito: Ang hinirang na mga tao ng Diyos at ang mga taga-serbisyo. Una ang pag-uusapan natin ay ukol sa hinirang na mga tao ng Diyos, kung saan sila ay kakaunti. Ano ang tinutukoy sa “hinirang na mga tao ng Diyos”? Pagkatapos likhain ng Diyos ang lahat ng bagay at nagkaroon ng sangkatauhan, pumili ang Diyos ng grupo ng mga tao na sumunod sa Kanya, at tinawag lamang silang “hinirang na mga tao ng Diyos.” Mayroong natatanging saklaw at kahalagahan sa pagpili ng Diyos sa mga taong ito. Ang saklaw ay sa bawat sandaling gumagawa ang Diyos ng mahalagang gawain kailangan nilang dumalo—kung saan ay iyon ang una sa mga bagay na ikinatangi nila. At ano ang kanilang kahalagahan? Ang pagpili sa kanila ng Diyos ay nangangahulugan na taglay nila ang malaking kahalagahan. Na ang ibig sabihin, ninanais ng Diyos na gawing ganap ang mga taong ito, at gawin silang perpekto, at pagkatapos nang Kanyang gawaing pamamahala ay matapos, makakamit Niya ang mga taong ito. Hindi ba dakila ang kahalagahang ito? Kaya, ang mga taong pinili na ito ay may dakilang kahalagahan sa Diyos, sapagkat sila yaong mga ninanais ng Diyos na makamit. Samantalang ang mga taga-serbisyo—kung gayon, umalis muna tayo mula sa pagtatalaga ng Diyos, at una muna nating pag-usapan ang kanilang mga pinagmulan. Ang literal na kahulugan ng “taga-serbisyo” ay yaong naglilingkod. Yaong mga naglilingkod ay pansamantala; hindi nila nagagawa iyon nang matagalan, o nang habang panahon, ngunit mga inuupahan o hinihikayat nang pansamantala. Karamihan sa kanila ay pinili mula sa mga taong hindi sumasampalataya. Sila ay dumarating sa lupa kapag iniutos na gagampanan nila ang papel ng mga taga-serbisyo sa gawain ng Diyos. Maaaring sila ay naging hayop sa nakaraan nilang buhay, ngunit maaari din namang isa sa mga taong hindi sumasampalataya. Ang gayon ay ang mga pinagmulan ng mga taga-serbisyo. Magpatuloy sa pagbasa
Day: 2021-02-28
Christian Music Video | Ang Diyos Nagkatawang-tao ng mga Huling Araw ay Pangunahing Ginagawa ang Gawain ng mga Salita (Tagalog Subtitle)
Christian Music Video | “Ang Diyos Nagkatawang-tao ng mga Huling Araw ay Pangunahing Ginagawa ang Gawain ng mga Salita” (Tagalog Subtitle)
I
Ang Diyos na Nagkatawang-tao sa mga huling araw
winawakasan ang Kapanahunan ng Biyaya
at nagsasalita upang magperpekto at magliwanag,
mga salitang nag-aalis ng mga malabong pagkaunawa sa Diyos
mula sa puso ng tao.
Ginawa ni Jesus ang gawain na naiiba.
Nagsagawa Siya ng mga milagro at pinagaling ang may sakit,
ipinangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng langit,
at ipinako sa krus para tubusin ang lahat ng tao.
Kaya nagkaroon ng pagkaunawa ang tao
na palaging ganito ang Diyos.
Tinutupad at ibinubunyag ng Diyos na nagkatawang-tao
ng mga huling araw ang lahat sa salita.
Sa mga salita N’ya nakikita mo kung ano S’ya;
sa mga salita N’ya nakikita mo na Siya ay Diyos.
II
Nagkatawang-taong Diyos sa mga huling araw
inaalis ang mga malabong pagkaunawa sa Diyos
mula sa puso ng tao.
Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at gawain,
ang Kanyang totoo
at normal na gawain sa gitna ng lahat ng tao,
batid ng tao ang pagkatotoo ng Diyos,
hindi naniniwala sa Diyos na malabo.
Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao,
pinapaging-ganap N’ya ang tao’t tinutupad ang lahat.
Ito ang gawain na makakamit ng Diyos
sa kahuli-hulihan ng mga araw.
Tinutupad at ibinubunyag ng Diyos na nagkatawang-tao
ng mga huling araw ang lahat sa salita.
Sa mga salita N’ya nakikita mo kung ano S’ya;
sa mga salita N’ya nakikita mo na Siya ay Diyos.
III
Ang Diyos na nagkatawang-tao
ay bumibigkas lamang ng mga salita,
dahil ito ang Kanyang gawain sa mundo.
Makikita mo ang Kanyang kabuuan
sa pamamagitan ng Kanyang mga salita,
makapangyarihan, mapagpakumbaba, at kataas-taasan.
Ang Diyos na nagkatawang-tao
ay bumibigkas lamang ng mga salita,
dahil ito ang Kanyang gawain sa mundo.
Makikita mo ang Kanyang kabuuan
sa pamamagitan ng Kanyang mga salita,
makapangyarihan, mapagpakumbaba, at kataas-taasan.
Tinutupad at ibinubunyag ng Diyos na nagkatawang-tao
ng mga huling araw ang lahat sa salita.
Sa mga salita N’ya nakikita mo kung ano S’ya;
sa mga salita N’ya nakikita mo na Siya ay Diyos…
Tinutupad at ibinubunyag ng Diyos na nagkatawang-tao
ng mga huling araw ang lahat sa salita.
Sa mga salita N’ya nakikita mo kung ano S’ya;
sa mga salita N’ya nakikita mo na Siya ay Diyos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Naranasan mo na ba ang gayong mga problema: Hindi sinasagot ng Diyos ang iyong mga dasal at hindi mo alam kung paano manalangin nang naaayon sa kalooban ng Diyos? Huwag kang mag-alala! Makinig sa mga sumusunod na mga Christian praise and worship Tagalog Christian Song at makikita mo ang paraan upang ang iyong mga panalangin ay madinig ng Diyos.
Magrekomenda nang higit pa: Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita