Dapat Wasakin ng Diyos ang Sodoma

Dapat Wasakin ng Diyos ang Sodoma
Genesis 18:26 At sinabi ni Jehova, Kung makasumpong ako sa Sodoma ng limang pung banal sa loob ng bayan, patatawarin ko ang buong dakong yaon, alangalang sa kanila.Genesis

18:29 At siya’y muling nagsalita pa sa kaniya, at nagsabi, Marahil ay may masusumpungang apat na pu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin.

Genesis 18:30 At sinabi niya, kung sakaling may masusumpungan doong tatlong pu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin.

Genesis 18:31 At kaniyang sinabi, kung sakaling may masusumpungan doong dalawang pu. At sinabi niya, Hindi ko lilipulin.
Magpatuloy sa pagbasa

Paano naligtas si noe sa baha?

Paano naligtas si noe sa baha

Sinabi ng Panginoong Jesus, “At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Sapagka’t gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila’y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila’y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37-39). Magpatuloy sa pagbasa

Tungkol sa Biblia (1) | Sipi 265


Sa maraming taon, ang mga kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanismo, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay paglihis sa pananampalataya, at maling paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Biblia. Na ang ibig sabihin, kung naniniwala ka sa Panginoon, dapat mong basahin ang Biblia, at bukod sa Biblia hindi ka dapat sumamba ng anumang libro na walang kinalaman ang Biblia. Kung gagawin mo iyon, samakatuwid pinagtataksilan mo ang Diyos. Mula noong panahong mayroong Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang paniniwala sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay nananalig sa Panginoon, mas mabuti pang sabihin na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuti pang sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nagbalik na sila sa Panginoon, mas mabuti pang sabihing nagbalik na sila sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na para bang ito ang Diyos, na para bang ito ang kanilang ikinabubuhay at ang mawalan nito ay kapareho ng mawalan ng kanilang buhay.

Short Personal Testimony | Natutuhan ko Kung Paano Tratuhin nang Maayos ang mga Tao

Short Personal Testimony | Natutuhan ko Kung Paano Tratuhin nang Maayos ang mga Tao

Ang pangunahing tauhan ay isang lider ng iglesia na nakakapansin na si Brother Chen ay may mahusay na kakayahan, ngunit mapagmataas ang disposisyon, mahilig magpasikat, at masyadong bilib sa sarili at minamaliit ang iba sa tuwing ito’y nagsasalita. Matapos niyang banggitin ito nang ilang beses sa kanya at hindi pa rin niya ito kinakitaan ng pagbabago, nakaramdam siya ng pagkayamot dito, hinusgahan niya ito sa harap ng iba nilang mga kapatid, at ginusto pa niyang alisin ito sa kanyang tungkulin. Matapos makaranas ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, napagtanto niya ang kanyang mapagmataas nat napakasamang disposisyon, at nakita niya ang nararapat isagawa para matrato nang maayos ang mga tao. Sa huli, napagtanto niyang ang tanging paraan para tratuhin nang patas ang mga tao at sa paraang kapaki-pakinabang sa kanila ay tratuhin sila nang ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan.

Magpatuloy sa pagbasa

Pakinggan Mabuti ang mga Salita ng Nagbalik na Panginoon, at Magkakaroon Ka ng Pagkakataong Masalubong ang Panginoon

Pakinggan Mabuti ang mga Salita ng Nagbalik na Panginoon
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sumapit na ang mga huling araw at nagkakagulo ang mga bansa sa buong mundo. May kaguluhan sa pulitika, may mga taggutom, salot, baha, at tagtuyot na naglilitawan sa lahat ng dako. May malaking sakuna sa mundo ng tao; nagpadala na rin ng kalamidad ang Langit. Ito ay mga palatandaan ng mga huling araw.” “Ang mga huling araw ay nakahiwalay na kapanahunan, iyon ay kung saan sinabi ni Jesus na nararapat kayong magdusa sa mga sakuna, at sumailalim sa mga lindol, taggutom, at mga salot, na magpapakita na ito ay bagong kapanahunan at hindi na ang lumang Kapanahunan ng Biyaya.
Magpatuloy sa pagbasa

Tagalog Christian Movie Extract 3 From Mapanganib ang Landas Patungo sa Kaharian ng Langit

Dalawang libong taon na ang nakararaan, nang magkatawang-tao ang Diyos bilang Panginoong Jesus at makihalubilo sa mga tao para tubusin ang sangkatauhan, hindi Siya tinanggap noong panahon ng kadiliman, at kalaunan ay ipinako Siya sa krus ng masasama at tiwaling sangkatauhan. Ipinropesiya ng Panginoong Jesus na muli Siyang paparito sa mga huling araw, na nagsasabi: “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). Bakit “[itatakwl] ng lahing ito” ang Panginoong Jesus kapag pumarito Siyang muli sa mga huling araw? Nang magpakita ang Diyos nang dalawang beses sa katawang-tao para gawin ang Kanyang gawain bakit Siya mabangis na kinalaban at tinuligsa ng tiwaling sangkatauhan? Alam mo ba kung bakit? Ibubunyag sa iyo ng maikling pelikulang ito ang sagot. Magpatuloy sa pagbasa

Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa | Sipi 493

Kapag kinakausap ng mga tao ang Diyos gamit ang kanilang mga puso, kapag nagagawa ng kanilang mga puso na ganap na bumaling sa Kanya, ito ang unang hakbang sa pag-ibig ng tao para sa Diyos. Kung nais mong ibigin ang Diyos, kailangan mo munang magawang ibaling ang iyong puso sa Kanya. Ano ang pagbaling ng iyong puso sa Diyos? Ito ay kapag ang lahat ng iyong hinahangad sa iyong puso ay para sa kapakanan ng pag-ibig at pagkakamit sa Diyos. Ipinakikita nito na ganap mo nang naibaling ang iyong puso sa Diyos. Maliban sa Diyos at sa Kanyang mga salita, halos wala nang ibang nasa iyong puso (pamilya, kayamanan, asawang lalaki, asawang babae, mga anak, atbp.). Kung mayroon man, hindi makakapanahan ang gayong mga bagay sa iyong puso, at hindi mo iniisip ang mga inaasahan mo sa iyong hinaharap kundi hinahangad lamang ang pag-ibig sa Diyos. Sa gayong pagkakataon ay naibaling mo na nang ganap ang iyong puso sa Diyos. Ipagpalagay mong gumagawa ka pa rin ng mga plano para sa iyong sarili sa iyong puso at palaging hinahangad ang pansariling pakinabang, palaging iniisip: “Kailan kaya ako makagagawa ng munting kahilingan sa Diyos? Kailan kaya yayaman ang aking pamilya? Paano kaya ako makakakuha ng ilang magagandang damit? …” Kung ikaw ay nabubuhay sa gayong kalagayan, ipinakikita nito na ang iyong puso ay hindi pa ganap na nakabaling sa Diyos. Kung taglay mo lamang ang mga salita ng Diyos sa iyong puso at nagagawa mong manalangin sa Diyos at maging malapit sa Kanya sa lahat ng pagkakataon—na parang napakalapit Niya sa iyo, na parang ang Diyos ay nasa loob mo at ikaw ay nasa loob Niya—kung ikaw ay nasa gayong uri kalagayan, nangangahulugan ito na ang iyong puso ay nasa presensya na ng Diyos. Magpatuloy sa pagbasa

Sa Wakas Naunawaan Ko Na Kung Anong Uri ng Mga Tao ang Maaaring Pumasok sa Kaharian ng Langit (II)

Mga Salita ng Diyos
Ni Aixi, Malaysia
Nang sumunod na nag-online ako para sa pakikipagbahagian, tinanong ko ang aking kapatid, “Totoo na nagsasagawa tayo ng maraming mga maling hangarin habang gumagawa tayo, nagtatrabaho, at masigasig na naglalaan, na madalas tayong nagkakasala at lumalaban sa Diyos, at hindi natin ginagawa ang kalooban ng Ama. Sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit,’ kaya sa pamamagitan ng pangangatuwiran na iyon, hindi pa rin tayo karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang tanong na ito ay nakalilito pa rin sa akin, dahil ang madalas na sinasabi ng ating pastor ay pinatawad na ng Panginoong Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan, na hindi na tayo makasalanan, na tinawag tayong matuwid dahil naniniwala tayo, at kapag ang Panginoon ay dumating, tayo ay diretso na mai-aangat sa langit . Bakit niya sinabi yun? Gusto kong marinig ang iyong pagbabahagi dito.” Magpatuloy sa pagbasa

Patotoo ng Isang Kristiyano | Bago Mag-eleksyon

Patotoo ng Isang Kristiyano | Bago Mag-eleksyon

Si Zhou Qingyu ay isang mahusay na lider ng iglesia na maaasahan, nagkamit na ng magagandang resulta sa kanyang tungkulin, at nagkaroon ng pagsang-ayon ng kanyang mga kapatid. Nang papalapit na ang taunang eleksyon sa iglesia, kompyansa siya na mahahalal siya uli. Iyon ay, hanggang sa ang lider ng iglesia sa silangan ng syudad, na si Yang Jie, ay isinumbong habang nasa isang pagtitipon at hinabol ng CCP. Nakatakas siya, at nabigyan ng tungkulin sa iglesia ni Zhou Qingyu, at kasunod nito ay sumali na rin sa eleksyon bilang kandidata. Di nagtagal, nadiskubre ni Zhou Qingyu na gusto ng lahat ng mga kapatid na marinig ang pagbabahagi ni Yang Jie at pinuri nila siya sa pagkakaroon ng realidad ng katotohanan, at kinainggitan niya iyon. Para protektahan ang sarili niyang katayuan at reputasyon, nagpasikat si Zhou Qingyu, sinubukang iitsipwera si Yang Jie, at nakita ang sarili na kontrolado ng tiwaling disposisyon na pakikipaglaban para sa pangalan at katayuan. Paano nakatakas si Zhou Qingyu sa wakas mula sa mga hadlang at gapos ng paghahangad ng pangalan at katayuan? At sa pagdating ng eleksyon, papaano siya boboto? Panoorin ang Bago Mag-eleksyon para malaman ito.

Magpatuloy sa pagbasa

Ganito Natutupad ang Propesiya ng Panginoon na Dumarating “gaya ng Magnanakaw”

Mga aklat,Salita ng Diyos

Marahil palagi kang naniniwala na ang Panginoon ay darating sa mga ulap sa mga huling araw. Ngunit naipropesiya ito sa aklat ng Pahayag, “Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw” (Pahayag 16:15). “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo” (Pahayag 3:3). Sa pagtingin sa mga propesiya na ito, nalilito ka ba? Malinaw na sinasabi sa mga salita ng Panginoon na Siya ay paparitong “gaya ng magnanakaw,”kaya’t siya ay darating bago malaman ng mga tao ito. Kung ang Panginoon ay dumating sa mga ulap, hindi ba makikita Siya ng lahat? Paano kung gayon matutupad ang propesiya ng Panginoon na dumarating na “gaya ng magnanakaw”?
Magpatuloy sa pagbasa