Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Mga Taong Hindi Sumasampalataya

Simulan natin sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong hindi sumasampalataya. Pagkatapos mamatay ng tao, sila ay kinukuha ng isang tagapamahala mula sa espirituwal na daigdig. At ano ang kinukuha sa kanila? Hindi ang kanilang laman, kundi ang kanilang kaluluwa. Kapag ang kanilang kaluluwa ay kinuha na, darating sila sa isang lugar na isang sangay ng espirituwal na daigdig, yaong sadyang tumatanggap sa mga kaluluwa ng mga tao na kamamatay pa lamang. (Tandaan: Ang unang lugar na pupuntahan nila pagkatapos mamatay ang sinuman ay kakaiba sa kaluluwa.) Kapag sila ay dinala sa lugar na ito, isang opisyal ang magsasagawa ng mga unang pagsisiyasat, titiyakin ang kanilang pangalan, tirahan, edad, at lahat ng karanasan nila. Lahat ng noong nabubuhay sila ay nakatala sa isang aklat at tinitiyak para sa kawastuan. Pagkatapos itong masiyasat lahat, ang pag-uugali at mga pagkilos ng mga tao sa buong buhay nila ay ginagamit upang mapagpasiyahan kung sila ay maparurusahan o patuloy na sa muling pagkakatawang-tao bilang tao, na siyang unang yugto. Ang unang yugto bang ito ay nakatatakot? Ito ay hindi gaanong nakatatakot, sapagkat ang tanging bagay na nangyari ay dumating ang tao sa madilim at hindi kilalang lugar. Magpatuloy sa pagbasa