Pagbubunyag sa Hiwaga ng Pagkakatawang-tao

Kahit alam ng mga taong nananalig sa Panginoon na ang Panginoong Jesus ay Diyos na naging tao, wala talagang nakakaunawa sa katotohanan ng pagkakatawang-tao. Ipinropesiya sa Biblia na muling paparito ang Panginoon sa katawang-tao para magsalita at gumawa sa mga huling araw. Kung hindi natin kilala ang Diyos na nagkatawang-tao, walang paraan para tanggapin natin ang ikalawang pagparito ng Panginoon. Kaya, ang pagkilala sa Diyos na nagkatawang-tao ang susi sa pagtanggap sa pagbalik ng Panginoon. Kung gayo’y paano natin makikilala ang Diyos na nagkatawang-tao?

Magpatuloy sa pagbasa

Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa | Sipi 494

Ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay nanggagaling sa kaibuturan ng puso; ito ay isang pag-ibig na umiiral lamang batay sa kaalaman ng tao tungkol sa Diyos. Kapag ang puso ng isang tao ay ganap na bumabaling sa Diyos, taglay nila ang pag-ibig sa Diyos, ngunit ang pag-ibig na iyon ay maaaring hindi dalisay at hindi lubos. Ito ay dahil mayroon pa ring kaunting agwat sa pagitan ng puso ng isang tao na lubusang bumabaling sa Diyos at ng pagkakaroon ng taong iyon ng tunay na pagkaunawa sa Diyos at tunay na pagsamba sa Kanya. Ang paraan para matamo ng tao ang tunay na pag-ibig sa Diyos at malaman ang disposisyon ng Diyos ay ang ibaling ang kanyang puso sa Diyos. Kapag ibinibigay ng tao ang kanyang tunay na puso sa Diyos, nagsisimula siyang pumasok sa karanasan ng buhay. Magpatuloy sa pagbasa

Sa Wakas Naunawaan Ko Na Kung Anong Uri ng Mga Tao ang Maaaring Pumasok sa Kaharian ng Langit (I)

Ni Aixi, Malaysia

Nang ako ay 12, nagsimula akong manampalataya sa Panginoong Jesus at naging isang Kristiyano. Matapos akong magsimulang manampalataya, aktibo at tuloy-tuloy ako sa paglahok sa Lingguhang pagsamba at mga grupong pag-aaral ng Bibliya. Sa isang pagtitipon ng pag-aaral ng Bibliya, madalas naming tinatalakay ang 2 Timoteo 4:7–8, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran.” Iniisip namin na, bilang Kristiyano, dapat naming tularan si Pablo at sikaping tumakbo sa paligid at gumawa ng mga trabaho, sapagkat ang Panginoon ay magkakaloob sa amin ng korona ng katuwiran. Ang aming mga pastor ay madalas na hinihikayat kami sa pagsasabing ang kaharian ng langit ay mapapasok sa pamamagitan ng pagsisikap, at hangga’t gumagawa kami ng mga pagsisikap upang magpursige at masigasig na magtrabaho para sa Panginoon, kapag ang Panginoon ay nagbalik, Kanya kaming ia-angat sa kaharian ng langit. Ang mga turong ito ay naging batayan ng aking paniniwala sa Diyos, at nanumpa ako sa aking sarili na gagawin ko ang lahat sa aking makakaya na makilahok sa gawaing paglilingkod sa simbahan upang makamit ko ang sapat na “halaga” upang masiyahan ang Diyos, kaya kapag Siya ay dumating, ako maaaring mai-angat sa kaharian ng langit. Magpatuloy sa pagbasa

Kahulugan ng Pagsubok | Ang Pagsubok Kong Ito

Kahulugan ng Pagsubok | Ang Pagsubok Kong Ito

Siya ay isang relihiyosang Kristiyano na maraming taon nang naniniwala sa Diyos at masigasig na naglalaan ng kanyang sarili, ngunit dalawang taon bago iyon, siya ay nasuring may kanser sa suso. Hindi niya matanggap ito at naniniwala siya na dahil naghirap at nagsakripisyo siya na magawa ang kanyang tungkulin, nararapat lamang na pangalagaan at protektahan siya ng Diyos. Hindi niya talaga magawang mapaniwalaan kung bakit siya nagkakanser. Napuno ng maling pagkaunawa at paninisi ang kanyang puso, at labis siyang nagdusa. Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nagkaroon siya ng kaunting pagkaunawa sa mga naging maling pananaw niya tungkol sa paghahangad na pagpalain sa kanyang pananampalataya, at ninais na niyang magpasakop sa panuntunan at mga pagsasaayos ng Diyos. Nagsimulang bumuti ang kanyang kalagayan matapos ang panahon ng gamutan, ngunit pinanghinaan siya ng loob nang sabihin sa kanya matapos ang kanyang huling chemo na kailangan pa rin niyang maoperahan. Muli siyang nagpadaig sa kanyang pagsubok. Paano siya matutulungan ng paghatol, mga paghahayag, paggabay at pagkakaloob ng mga salita ng Diyos na makaraos sa pagsubok na ito? At ano ang mauunawaan at matatamo niya bilang resulta?

Magpatuloy sa pagbasa

Paano Magagawa ng mga Yaon na Natanggap na ang Pagtubos ng Panginoon Ngunit Nagkakasala pa rin na Makapasok sa Makalangit na Kaharian?

PanalanginAting pinag-usapan ang tungkol sa tunay na kahulugan ng pagtubos ng Diyos sa ating nakalipas na post. Ngayon ay ating ipagpatuloy at talakayin kung paano ang mga yaon na natanggap na ang pagtubos ng Panginoon ngunit nagkakasala pa rin na makapasok sa makalangit na kaharian.

Sa katunayan, kung nais natin na mailigtas at makapasok sa kaharian ng langit, kailangan natin ang Diyos na pumarito para gawin ang yugto ng gawain ng lubos na pagpanibago at pagdadalisay sa tao.

Ito ay inihula sa Biblia, “Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.” (Hebrews 9:28). “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Peter 4:17). The Lord Jesus said, “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw.” (John 12:48). “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.” (John 16:12-13). Magpatuloy sa pagbasa

Ano ang rapture | Talaga bang Pases sa Kaharian ng Langit ang Kapatawaran ng Ating mga Kasalanan?

Ano ang rapture | Talaga bang Pases sa Kaharian ng Langit ang Kapatawaran ng Ating mga Kasalanan?

Maraming tao sa relihiyon ang nag-iisip na inamin na nila ang kanilang mga kasalanan at pinagsisihan na ang mga ito matapos manalig sa Panginoon, kaya natubos na sila, at naligtas sa pamamagitan ng biyaya. Pagdating ng Panginoon, direkta Niya silang iaangat sa kaharian ng langit, at marahil ay hindi na Niya gagawin ang pagliligtas. Tumutugma ba ang pananaw na ito sa realidad ng gawain ng Diyos? Ipapakita sa iyo ng video na ito ang kasagutan.

Magpatuloy sa pagbasa

Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos | Sipi 506

Sa ngayon, karamihan sa mga tao ay walang gayong kaalaman. Naniniwala sila na ang pagdurusa ay walang halaga, tinatalikuran sila ng mundo, puro problema ang buhay nila sa tahanan, hindi sila minamahal ng Diyos, at wala silang masyadong maaasahan. Ang pagdurusa ng ilang tao ay umaabot sa isang partikular na punto, at ang kanilang mga iniisip ay nagiging tungkol sa kamatayan. Hindi ito tunay na pagmamahal sa Diyos; ang gayong mga tao ay mga duwag, wala silang pagtitiyaga, sila ay mahihina at walang lakas! Nasasabik ang Diyos na mahalin Siya ng tao, ngunit kapag lalo Siyang minamahal ng tao, lalong tumitindi ang pagdurusa ng tao, at kapag lalo Siyang minamahal ng tao, lalong tumitindi ang mga pagsubok ng tao. Kung minamahal mo Siya, lahat ng uri ng pagdurusa ay sasapit sa’yo—at kung hindi naman, marahil ay magiging maayos ang lahat para sa iyo at lahat ay magiging payapa sa paligid mo. Magpatuloy sa pagbasa

Tungkulin ng isang Kristiyano: Apat na Pagsasagawa na Dapat Sundin ng Isang Kristiyano


Ni Hanxiao

Tayong mga mananampalataya sa Panginoon ay lahat gusto na matamo ang papuri ng Panginoon, ngunit, paano natin gagawin na mabigyang kasiyahan ang kalooban ng Panginoon? Sa katunayan, mayroong apat na mga bagay na tungkulin ng isang Kristiyano at saka ang apat na pinakamahalagang mga bagay na dapat gawin nating mga tagasunod ng Panginoon. Kapag ginawa natin ang mga iyon, maaari tayong makapagsagawa ng naaayon sa kalooban ng Panginoon. Ito ang mga ito: pagbabasa ng mga salita ng Diyos, pananalangin sa Diyos, paggawa ng ating mga tungkulin at pagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Kasama sa ating buhay espirituwal ang pangunahing apat na mga aspetong ito. Kapag naisagawa natin ang mga ito sa ating pang araw-araw na buhay, makakamit natin ang mga kondisyon ng pagiging isang totoong Kristiyano. Tungkol dito sa apat na mga aspeto, magbabahagi ako ng kaunti ng aking personal na karanasan at pagkakaunawa.

Panalangin sa Diyos Magpatuloy sa pagbasa

Pagsunod sa mga Yapak ng Cordero

Si Li Zhong, ang asawa niya, at dalawa nilang anak ay mga Kristiyano. Nang malaman niyang tinanggap na ng asawa niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para tutulan ang pananampalataya nito sa Makapangyarihang Diyos. Tumanggi siyang tingnan ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, sa paniniwala dahil sa sarili niyang mga pagkaunawa at haka-haka na hangga’t kumakapit siya sa ngalan ng Panginoong Jesus, dadalhin siya sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Gumamit siya ng maliliit na pangganyak para mapasama ang kanyang mga anak sa kanyang kampanya para pigilan ang asawa niya sa pagdalo sa mga pagtitipon. Pagkatapos, dahil sa isang hindi inaasahang pagkakataon isang araw, palihim niyang tiningnan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Niyanig siya nito hanggang sa kaibuturan niya. Magtagumpay kaya si Li Zhong sa kanyang plano na hadlangan ang landas ng kanyang asawa? Anong klaseng pagbabago ang daranasin niya? Malalaman mo sa Pagsunod sa mga Yapak ng Cordero. Magpatuloy sa pagbasa

Tagalog Sermon Tungkol sa Pananampalataya: Ano ang Tunay na Pananampalataya

Pananampalataya
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ano ang tinutukoy na pananampalataya? Ang pananampalataya ay ang dalisay na paniniwala at ang tapat na puso na dapat angkin ng mga tao kapag hindi nila nakikita o nahihipo ang isang bagay, kapag ang gawain ng Diyos ay hindi naayon sa mga pagkaunawa ng mga tao, kapag ito ay lampas sa maaabot ng tao. Ito ang pananampalataya na Aking binabanggit. Ang mga tao ay nangangailangan ng pananampalataya sa mga panahon ng kahirapan at pagpipino, at kalakip ng pananampalataya ang pagpipino. Di mapaghihiwalay ang mga ito. Hindi alintana kung paano man gumagawa ang Diyos o kung anumang uri ng kapaligiran ka naroroon, kung magagawa mong habulin ang buhay, hanaping isagawa ang gawain ng Diyos sa loob mo, at habulin ang katotohanan, at kung mayroon kang pagkaunawa sa mga pagkilos ng Diyos at kaya mong kumilos alinsunod sa katotohanan, sa gayon ito ang iyong dalisay na pananampalataya at ipinakikita nito na hindi ka nawalan ng pag-asa sa Diyos.Magpatuloy sa pagbasa