Mga Patotoo Mula sa Pagdanas sa Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono

Sa mga huling araw, ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan sa China at isinasagawa ang gawaing paghatol simula sa bahay ng Diyos. Nilupig at iniligtas Niya ang isang grupo ng mga tao, at sila ang mga nakakamit sa daan ng walang hanggang buhay. Gusto mo bang malaman kung paano sila sumailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos? Gusto mo bang malaman kung anong mga pagbabago ang pinagdaanan nila sa pamamagitan ng pagsailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos? Maririnig mo ito sa kanila kung panonoorin mo ang maikling video na ito.

Magpatuloy sa pagbasa

Pang Araw-araw na Salita ng Diyos | Ikaw Ba ay Isang Taong Nabuhay na? | Sipi 537

Pang Araw-araw na Salita ng Diyos | “Ikaw Ba ay Isang Taong Nabuhay na?” | Sipi 537

Kapag nakamit mo na ang pagsasapamuhay ng normal na pagkatao, at nagawa ka nang perpekto, bagaman hindi mo magagawang magsalita ng propesiya, ni anumang misteryo, ang larawan ng isang tao ang ipapamuhay at ibubunyag mo. Nilikha ng Diyos ang tao, pagkatapos ay ginawang masama ni Satanas ang tao, at ginawang mga patay na katawan ng kasamaang ito ang mga tao—kaya, matapos kang magbago, magiging iba ka sa mga patay na katawang ito. Ang mga salita ng Diyos ang nagbibigay buhay sa mga espiritu ng tao at pinangyayari na sila’y ipanganak muli, at kapag ipinanganak muli ang mga espiritu ng tao, sila ay mangangabuhay muli. Ang pagbanggit ng “patay” ay tumutukoy sa mga walang espiritung bangkay, sa mga taong kung saan ang kanilang espiritu ay namatay na. Kapag binigyang buhay ang espiritu ng mga tao, nabubuhay silang muli. Ang mga santo na pinag-usapan noon ay tumutukoy sa mga tao na nabuhay, ang mga nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas ngunit dinaig si Satanas. Napagtiisan ng piniling bayan ng Tsina ang malupit at di-makataong pag-uusig at panlilinlang ng malaking pulang dragon, na iniwan silang napinsala ang pag-iisip at walang katiting na lakas ng loob upang mabuhay. Magpatuloy sa pagbasa

Lahat sila ay nagbasa ng Biblia, nanalangin, at naglingkod sa Panginoon, kaya bakit hindi sila prinotektahan ng Diyos?

Madalas sabihin sa atin ng mga pastor na bagaman sunod-sunod ang pagbagsak ng mga sakuna, hindi tayo dapat matakot, sapagkat sinasabi sa atin ng Biblia: “Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping, at sangpung libo sa iyong kanan; nguni’t hindi lalapit sa iyo” (Awit 91:7). Kung tayo ay may pananampalataya sa Panginoon, at patuloy na manalangin, magbasa ng Biblia, at magtipon, hindi sasapit sa atin ang sakuna. Ngunit may ilang mga pastor ng relihiyon at mga Kristiyano na namatay sa mga sakunang ito. Lahat sila ay nagbasa ng Biblia, nanalangin, at naglingkod sa Panginoon, kaya bakit hindi sila prinotektahan ng Diyos?

pagbagsak ng mga sakuna

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21-23).
Magpatuloy sa pagbasa

Karanasan sa buhay | Sino’ng May Sabing Hindi Mababago ang isang Mapagmataas na Disposisyon

Karanasan sa buhay | Sino’ng May Sabing Hindi Mababago ang isang Mapagmataas na Disposisyon

Ang pangunahing tauhan, na isang lider ng iglesia na may mahusay na kakayahan kung ihahambing sa iba at nagkamit na ng ilang resulta sa kanyang gawain para sa iglesia, ay naging labis na mapagmataaas at mapagmagaling. Inisip niyang tama siya sa lahat ng sinasabi niya at malalim ang kanyang mga pananaw. Nahirapan siyang tanggapin ang mga mungkahi ng kanyang mga kasamahan sa gawain, at nalagay sa alanganin ang gawain ng iglesia dahil sa kanyang mga mapagsariling aksyon. Sa pamamagitan ng pagtatabas at pakikitungo, at paghatol at pagbunyag ng mga salita ng Diyos, nagawa niyang parehong makilala at kamuhian ang kanyang mapagmataas na disposisyon. Mula noon, sa pagtupad ng kanyang tungkulin kasama ng kanyang mga kapatid, nagawa na niyang palayain ang sarili niya upang hanapin ang katotohanan, tanggapin ang mga mungkahi ng iba, at hindi na maging mapagmataas o mapagmagaling gaya ng dati.

Magpatuloy sa pagbasa

Sa Pamamagitan Lamang ng Tunay na Pagsisisi Magkakaroon Tayo ng Proteksyon ng Diyos sa Gitna ng mga Sakuna

mga Sakuna,Proteksyon ng Diyos

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang sakuna ay ibinaba Ko at siguradong nasa pagsasaayos Ko. Kung hindi ninyo kayang gumawa ng kabutihan sa Aking presensya, kung gayon, hindi kayo makatatakas sa pagdurusang dala ng sakuna” Balikan natin ang gawain ng Diyos sa panahon ni Noe: Ang mga tao ay tiwali at umabot sa sukdulan kung saan hindi na matiis ng Diyos na makita, kaya’t nagpasiya ang Diyos na wasakin sila sa pamamagitan ng baha. Bago ang pagwasak ng mundo, iniutos ng Diyos kay Noe na magtayo ng isang arka at mangaral ng ebanghelyo, na binibigyan ang mga tao ng pagkakataong magsisi. Sa kasamaang palad, walang naniniwala na darating ang isang baha, kaya’t nanatili silang abala sa pagkain, pag-inom, pag-aasawa, pagkita ng pera, at pagtatamasa ng kasiyahan sa laman. Magpatuloy sa pagbasa

Repleksyon sa ebanghelyo ngayon | Bakit ang mga simbahan sa ngayon ay nalulungkot?

Tanong: Sa ngayon, laganap ang mapapanglaw na simbahan sa lahat ng relihiyon, pero hindi pa namin lubos na nauunawaan ang pangunahing dahilan. Kaya nga masigasig naming binabasa ang Lumang Tipan at pinagtutuunan namin kung paano humantong sa kapanglawang iyon sa relihiyon ang mga ikinilos ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio noong mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan. Bagama’t may natuklasan na ang ilang problema, hindi naging malinaw ang kabuuan nito. Nagpunta na rin kami sa mga simbahan sa maraming iba’t ibang lugar at mula sa iba’t ibang sekta, pero hindi pa namin nakikita ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi gaanong malinaw sa amin kung bakit napakapanglaw ng lahat ng relihiyon. Ano ang tunay na dahilan nito?

Kapanglawan ng mga Iglesia

Sagot: Ngayon, laganap ang kapanglawan sa lahat ng relihiyon, wala roon ang gawain ng Banal na Espiritu, at nanlamig na ang pananampalataya at pagmamahal ng maraming tao—tanggap na ang katotohanang ito. Anuman ang eksaktong pangunahing dahilan ng kapanglawan ng lahat ng relihiyon ay isang tanong na kailangang maunawaan nating lahat nang lubusan. Gunitain muna natin sandali kung bakit naging mapanglaw ang templo sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, at saka natin mauunawaan nang lubusan ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw. Sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, hindi sinunod ng mga pinunong Judio ang mga utos ng Diyos, tinahak nila ang sarili nilang landas at kinalaban ang Diyos; ito ang pangunahing dahilan na tuwirang nagresulta sa kapanglawan ng templo. Inilantad at kinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, na nagsasabing: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan” (Mateo 23:27-28).
Magpatuloy sa pagbasa

Ang Paghuhukom ng Diyos sa mga Huling Araw ang Kaligtasan para sa Tao | Napakagandang Tinig

Binabasa ng ilang tao ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakikita na may ilang malulupit na bagay na hatol ng sangkatauhan, at pagtuligsa at sumpa. Iniisip nila na kung hinahatulan at isinusumpa ng Diyos ang mga tao, hindi ba sila huhusgahan at parurusahan? Paano masasabi na ang ganitong klaseng paghatol ay para padalisayin at iligtas ang sangkatauhan? Ano ang wastong paraan ng pag-unawa sa paghatol ng Diyos sa mga huling araw? Tuklasin ang mga kasagutan sa video na ito.

Magpatuloy sa pagbasa

Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob: Kabanata 19 | Sipi 581

Lumalawak ang kaharian sa kalagitnaan ng sangkatauhan, nabubuo ito sa kalagitnaan ng sangkatauhan, ito ay tumatayo sa kalagitnaan ng sangkatauhan; walang puwersa ang maaaring magwasak sa Aking kaharian. Sa Aking mga tao na nasa kaharian ng kasalukuyan, sino sa inyo ang hindi tao na nakahalubilo sa mga tao? Sino sa inyo ang namamalagi sa labas ng kalagayan ng tao? Kapag inihayag sa sangkaramihan ang tanda ng bago Kong panimula, ano kaya ang reaksyon ng sangkatauhan? Nakita ninyo mismo ng inyong sariling mga mata ang estado ng sangkatauhan; tiyak na hindi na kayo umaasa pa na magpakailanmang magtitiis sa mundong ito? Magpatuloy sa pagbasa

Paano natin makakamit ang proteksyon ng Diyos at makaligtas sa gitna ng mga sakunang ito?

Ngayon, ang mga sakuna ay nangyayari na may kalubhaang pagtaas at kadalasan. Ipinapahiwatig ng mga palatandaang ito na magsisimula na ang malalaking sakuna sa mga huling araw na hinulaan sa Biblia. Paano natin makakamit ang proteksyon ng Diyos at makaligtas sa gitna ng mga sakunang ito?

mga kristiyano,

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sapagka’t tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa” (Pahayag 3:10).

“At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya’y isang daan at apat na pu’t apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo. At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog: at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa: At sila’y nangagaawitan na wari’y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu’t apat na libo lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa. Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero. At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis” (Pahayag 14:1-5). Magpatuloy sa pagbasa

Tagalog Christian Testimony | Mga Gantimpala ng Pagganap sa Tungkulin

Si Yang Mingzhen ay dating may-ari ng negosyo na may sarili pabrika, at ang tingin ng mga kaibigan at kapamilya niya sa kanya ay “superwoman.” Masigasig siya sa gusto niyang makamit at aktibo niyang ginagawa ang tungkulin niya sa simbahan pagkatapos niyang magtamo ng pananampalataya, sa paniniwalang may kaunting realidad siya ng pagpapasakop sa Diyos. Kaya lang, nang italaga siya ng simbahan na magpatuloy ng mga kapatid sa kanyang tahanan, nag-aatubili siyang pumayag, pero sa puso niya ay naguguluhan siya at nakakaramdam ng pagkontra. Pakiramdam niya ay sobrang baba ng tungkulin ng pagtanggap ng mga bisita at hahamakin siya ng iba. Sa harap ng tungkuling salungat sa kanyang mga kagustuhan, makakapagpasakop kaya siya nang tunay? At anong mga gantimpala ang aanihin niya sa dulo?

Magpatuloy sa pagbasa