Pagtatamo ng Pagpapala sa Pamamagitan ng Kasawian | Short personal testimony tagalog

Pagtatamo ng Pagpapala sa Pamamagitan ng Kasawian | Short personal testimony tagalog

Bilang isang batang lumaki sa isang pamilyang mahirap, ang pangunahing tauhan ay nangakong kikita ng maraming pera at magkakaroon ng magandang buhay. Sa layuning ito, maaga siyang huminto sa pag-aaral at nagtrabaho, hindi nagrereklamo kahit gaano kahirap o nakakapagod. Ang taon taon ng labis na pagtatrabaho ay nagdulot sa kanya ng pagkakasakit mula sa pagkapagod. Magpatuloy sa pagbasa

Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Mga Taong Hindi Sumasampalataya

Simulan natin sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong hindi sumasampalataya. Pagkatapos mamatay ng tao, sila ay kinukuha ng isang tagapamahala mula sa espirituwal na daigdig. At ano ang kinukuha sa kanila? Hindi ang kanilang laman, kundi ang kanilang kaluluwa. Kapag ang kanilang kaluluwa ay kinuha na, darating sila sa isang lugar na isang sangay ng espirituwal na daigdig, yaong sadyang tumatanggap sa mga kaluluwa ng mga tao na kamamatay pa lamang. (Tandaan: Ang unang lugar na pupuntahan nila pagkatapos mamatay ang sinuman ay kakaiba sa kaluluwa.) Kapag sila ay dinala sa lugar na ito, isang opisyal ang magsasagawa ng mga unang pagsisiyasat, titiyakin ang kanilang pangalan, tirahan, edad, at lahat ng karanasan nila. Lahat ng noong nabubuhay sila ay nakatala sa isang aklat at tinitiyak para sa kawastuan. Pagkatapos itong masiyasat lahat, ang pag-uugali at mga pagkilos ng mga tao sa buong buhay nila ay ginagamit upang mapagpasiyahan kung sila ay maparurusahan o patuloy na sa muling pagkakatawang-tao bilang tao, na siyang unang yugto. Ang unang yugto bang ito ay nakatatakot? Ito ay hindi gaanong nakatatakot, sapagkat ang tanging bagay na nangyari ay dumating ang tao sa madilim at hindi kilalang lugar. Magpatuloy sa pagbasa

Tanging sa Pag-unawa sa Tunay na Kahulugan ng “Cordero” Magkakaroon Ka ng Pagkakataon na Sundan ang mga Yapak ng Cordero

Pag-unawa sa Tunay na Kahulugan ng "Cordero"“Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero” (Pahayag 14:4).

Ang pagsalubong sa Panginoon sa mga huling araw upang makapasok sa kaharian ng Diyos ang pinakadakilang panghabang-buhay na pag-asa ng bawat Kristiyano. Lalo na, ang mga sakuna ngayon ay ipinapakita na palaki ito ng palaki, at ang buong mundo ay nahaharap sa banta ng mga sakuna. Mas lalo tayong umaasa na ang Panginoon ay babalik sa lalong madaling panahon upang iligtas tayo mula sa mga sakuna. Kaya, paano natin masasalubong ang Panginoon? Magpatuloy sa pagbasa

Tungkol sa Biblia (1) | Sipi 268

Kung nais mong makita ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at makita kung paano sumunod ang mga Israelita sa landas ni Jehova, kung gayon dapat mong basahin ang Lumang Tipan; kung nais mong maunawaan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, kung gayon dapat mong basahin ang Bagong Tipan. Ngunit paano mo makikita ang mga gawain sa huling mga araw? Kailangan mong tanggapin ang pamumuno ng Diyos sa kasalukuyan, at makilahok sa gawain sa kasalukuyan, dahil ito ang bagong gawain, at wala pang nakapagtatala nito sa Biblia. Ngayon, ang Diyos ay naging tao at pumili ng ibang mga hinirang sa Tsina. Ang Diyos ay gumagawa sa mga taong ito, nagpapatuloy Siya mula sa Kanyang gawain sa daigdig, nagpapatuloy mula sa gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang gawain sa kasalukuyan ay isang daan na hindi pa kailanman nalakaran ng tao, at daan na walang sinuman ang nakakita. Ito ay gawain na hindi pa kailanman nagawa—ito ang pinakabagong gawain ng Diyos sa mundo. Kaya, ang gawain na hindi pa nagawa noon ay hindi kasaysayan, dahil ang ngayon ay ngayon, at hindi pa nagiging nakaraan. Hindi alam ng mga tao na ang Diyos ay nakagawa nang mas higit, mas bagong gawain sa mundo, at sa labas ng Israel, na lumampas ito sa saklaw ng Israel, at lampas sa mga ipinropesiya ng mga propeta, na bago at kahanga-hangang gawain ito na wala sa mga propesiya, at bagong gawain na lampas sa Israel, at gawain na hindi maaaring mahiwatigan o akalain ng mga tao. Paanong ang Biblia ay naglalaman ng malinaw na mga talaan ng nasabing gawain? Sino ang maaaring magtala ng bawat isang kapiraso ng gawain ngayon, nang walang makakaligtaan, sa patiuna? Magpatuloy sa pagbasa

Maaari bang Katawanin ng Biblia ang Panginoon? | Short personal testimony tagalog

Maaari bang Katawanin ng Biblia ang Panginoon? | Short personal testimony tagalog

Ang pangunahing tauhan ay debotong Kristiyano na naniniwala na ang lahat ng nasa Biblia ay kinasihan ng Diyos, na kinakatawan ng Biblia ang Diyos, at ang paniniwala sa Panginoon ay nangangahulugan ng paniniwala sa Biblia. Nang marinig niyang pinapatotohanan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos, na nagpahayag ang Diyos ng mga bagong salita at nagsasagawa ng paghatol simula sa bahay ng Diyos, hindi niya ito kaagad mapaniwalaan. Kumbinsido siya na ang gawain ng Diyos ay wala sa Biblia, ngunit ang balita na nagbalik na ang Panginoon ay nakabalisa sa kanya. Kalaunan ay siniyasat niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at naunawaan ang tunay na kuwento sa likod ng Biblia at ang kahalagahan nito. Sa huli, natanto niya na hindi kinakatawan ng Biblia ang Panginoon, at hindi rin naglalaman ng buhay na walang hanggan, kundi ang tanging paraan na matatamo ang katotohanan at ang buhay ay ang sumunod kay Cristo ng mga huling araw. Magpatuloy sa pagbasa

Winasak ang Sodoma Dahil Napoot ang Diyos

Sodoma

Nang makita ng mga taga-Sodoma ang dalawang lingkod na ito, hindi nila itinanong kung ano ang kanilang dahilan sa pagdating, ni may isa man lang na nagtanong kung dumating ba sila upang ipalaganap ang kalooban ng Diyos. Sa kabaligtaran, bumuo sila ng isang malaking pangkat ng mga tao at, kahit walang anumang paliwanag, dumating sila para dakpin ang dalawang lingkod na ito na gaya ng mga asong gubat o mababangis na mga lobo. Pinagmasdan ba ng Diyos ang mga bagay na ito habang nangyayari? Ano kaya ang iniisip ng Diyos sa Kanyang puso sa uri ng pag-uugaling ito ng tao, sa bagay na ito? Nagpasya ang Diyos na wasakin na ang lungsod na ito; hindi na Siya mag-aatubili o maghihintay pa, ni magpapakita pa ng pagtitiyaga. Dumating na ang Kanyang araw, at inihanda na Niya ang gawaing nais Niyang gawin. Magpatuloy sa pagbasa

Laganap ang mga Sakuna: Nasaan ang Ating Kanlungan?

Ang Arka ni Noe

Kumakalat pa rin ang pandemya. Kamakailan, maraming mga bagyo ang humagupit sa Pilipinas ng maraming beses, at ang mga lindol, pagsabog ng bulkan, at mga mudslide ay nanalanta rin. Ang bawat kalamidad ay nag-iiwan ng ilang mga tao na sugatan o patay at libu-libong mga nawalan ng tahanan. Sa harap ng mga sakuna, lahat tayo ay walang magagawa, mas umaasang makahanap ng kanlungan. Ngunit nasaan ang ating kanlungan? Magpatuloy sa pagbasa

Tungkol sa Biblia (1) | Sipi 267


Anong uri ng libro ang Biblia? Ang Lumang Tipan ay ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang Lumang Tipan ng Biblia ay nagtatala ng lahat ng gawain ni Jehova noong Kapanahunan ng Kautusan at ang Kanyang gawain ng paglikha. Ang lahat ng ito ay nagtatala ng gawain na tinapos ni Jehova, at tinatapos nito sa bandang huli ang mga salaysay ng gawain ni Jehova sa Aklat ni Malakias. Ang Lumang Tipan ay nagtatala ng dalawang bahagi ng gawain na tinapos ng Diyos: Ang isa ay ang gawain ng paglikha, at ang isa ay pag-aatas ng mga kautusan. Ito ay parehong gawain na ginawa ni Jehova. Ang Kapanahunan ng Kautusan ay kumakatawan sa gawain sa ilalim ng pangalan ng Diyos na si Jehova; ito ay kabuuan ng mga gawain na pangunahing ipinatupad sa ilalim ng pangalan ni Jehova. Magpatuloy sa pagbasa

Kaya Bang Magbukas ng Pinto ng Kaharian ng Langit ang Masigasig na Gawa?

Isang sagradong Katoliko si Sheila na nanatiling matatag sa kanyang pananampalataya sa mahabang panahon at nanabik na madala sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon. Ngunit sa paglipas ng panahon, natuklasan niyang sa kabila ng madalas niyang pangungumpisal at mabubuting gawa, hindi niya kayang sundin ang mga kautusan ng Diyos at palagi siyang paulit-ulit lang na nagkakasala at nangungumpisal. Nagdulot ito sa kanya ng pagkabagabag at bigat ng kalooban. Isang araw, nabasa niya ang isang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nasa Facebook at na nagpapaliwanag sa kahulugan ng pananampalataya sa Diyos at naglalantad sa hinahangad ng mga tao na makamit sa kanilang pananampalataya. Hindi niya naiwasang magnilay na kahit aktibo siya sa paggawa ng mabuti at kahit na pinagkakaitan niya ang kanyang sarili, ang lahat ng ito’y para lang matanggap ang mga pagpapala ng kaharian ng langit bilang kapalit. Hindi niya ito ginagawa dahil sa tunay na pag-ibig sa Diyos, kaya’t paano pupurihin ng Diyos ang ganoong pananampalataya? Sa pag-asang malutas ang kanyang pagkalito, nagdesisyon siyang hanapin at siyasatin ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos. Sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sa wakas ay naging malinaw ang lahat sa kanya at natagpuan niya ang daan patungo sa kaharian ng langit. Magpatuloy sa pagbasa

Katiwalian ng Sodoma: Nagpapasiklab ng Galit sa Tao, Nagdudulot ng Pagkapoot sa Diyos

Una, tingnan natin ang ilang sipi sa kasulatan na naglalarawan sa “Pagwasak ng Diyos sa Sodoma.”

Genesis 19:1–11 At nagsidating ang dalawang anghel sa Sodoma, nang nagtatakip silim; at si Lot ay nakaupo sa pintuang-bayan ng Sodoma: at sila’y nakita ni Lot, at nagtindig upang salubungin sila; at iniyukod ang mukha sa lupa; At nagsabi, Ngayon nga mga panginoon ko, ipinamamanhik ko sa inyo na kayo’y magsiliko at magsipasok sa bahay ng inyong lingkod, at kayo’y matira sa buong magdamag, at maghugas ng inyong mga paa, at sa madaling araw ay magsipagbangon kayo at magpatuloy ng inyong paglakad. At kanilang sinabi, Hindi, kundi sa langsangan mananahan kami sa buong magdamag. At kaniyang pinakapilit sila; at sila’y nagsiliko, at nagsipasok sa kaniyang bahay; at sila’y kaniyang pinaghandaan, at ipinagluto ng mga tinapay na walang levadura, at nagsikain. Datapuwa’t bago nagsihiga, ang bahay ay kinulong ng mga tao sa bayan sa makatuwid baga’y ng mga tao sa Sodoma, na mga binata at gayon din ng mga matanda ng buong bayan sa buong palibot; At kanilang tinawagan si Lot, at sinabi sa kaniya, Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? ilabas mo sila sa amin upang kilalanin namin sila. Magpatuloy sa pagbasa