Sa Pamamagitan Lamang ng Pagkilala sa Diyos na Nagkatawang-tao Maaari Mong Batiin ang Pagbabalik ng Tagapagligtas

Mga aklatIto’y dahil ang Panginoong Jesus ay ang nagkatawang-taong Diyos na dapat pagkatiwalaan natin at sambahin Siya. Ngunit naiintindihan mo ba talaga kung ano ang pagkakatawang-tao? Ang pag-unawa sa aspetong ito ng katotohanan ay direktang magkaugnay sa kung maaari nating mabati ang pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw. Kung gayon ay basahin natin ng sama-sama ang ilang mga talata ng mga salita ng Diyos.
Sabi ng Diyos, “Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y napaparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa larawan ng isang katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawan, katawang-tao na may normal na pagkatao; ito ang pinakaunang dapat munang mangyari. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagkakaroon ng katawan, nagiging isang tao.” Magpatuloy sa pagbasa

Tungkol sa Biblia (1) | Sipi 266


Matapos gawin ng Diyos ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, ginawa ang Lumang Tipan, at noon nagsimulang magbasa ng Biblia ang mga tao. Matapos dumating si Jesus, ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at isinulat ng Kanyang mga apostol ang Bagong Tipan. Sa gayon ay nagawa ang Luma at Bagong Tipan ng Biblia, at kahit hanggang ngayon, lahat ng naniniwala sa Diyos ay nagbabasa na ng Biblia. Ang Biblia ay isang aklat ng kasaysayan. Siyempre, ito rin ay naglalaman ng ilan sa mga hula ng mga propeta, at siyempre, ang mga hulang ito ay hindi nangangahulugan na kasaysayan. Napapaloob sa Biblia ang ilang bahagi—hindi lamang propesiya, o gawain lang ni Jehova, ni mayroon lamang mga sulat ni Pablo. Kailangan mong malaman kung gaano karaming mga bahagi ang napapaloob sa Biblia; ang Lumang Tipan ay naglalaman ng Genesis, Exodo…, at mayroon ding mga aklat ng propesiya na isinulat ng mga propeta. Sa katapusan, ang Lumang Tipan ay nagtatapos sa Aklat ni Malakias. Itinatala nito ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, na siyang pinamunuan ni Jehova; mula sa Genesis hanggang Aklat ni Malakias, ito ay komprehensibong tala ng lahat ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Magpatuloy sa pagbasa

Short personal testimony tagalog | Pagbangon sa harap ng Kabiguan

Short personal testimony tagalog | Pagbangon sa harap ng Kabiguan

Ang Pagbangon sa Harap ng Kabiguan ay isang patotoo ng isang Kristiyanong sumasailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos. Ang bida ay isang abogado noon, nguni’t pagkatapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nagsimula siyang masigasig na igugol ang sarili niya at pinili siyang maging isang pinuno ng iglesia. Dahil sa kanyang mga katangian, nagkamit siya ng ilang tagumpay sa kanyang tungkulin, ngunit lalo siyang naging mapagmataas, mapagpahalaga sa sarili, at walang pagpapahalaga sa iba. Ipinilit niya ang sarili niyang pamamaraan sa gawaing-iglesia, at napakabihirang makipagtalakayan ng mga bagay-bagay kasama ng kanyang mga kasamahan, hanggang sa huli ay nagsanhi siya ng mga pagkawala sa gawaing-iglesia. Gayunpaman, sa gitna ng matinding pagtatabas at pakikitungo, at sa gitna ng paghatol at mga pagbubunyag ng salita ng Diyos, napagtanto niya ang ugat na dahilan ng kanyang pagkabigo at pagbagsak, at nakahanap siya ng tunay na pagsisisi sa harap ng Diyos. Sa isang pulong ng iglesia, nagbahagi siya tungkol sa di-malilimutang karanasang ito … Magpatuloy sa pagbasa

Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao | Sipi 482

Pang Araw-araw na Salita ng Diyos | “Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao” | Sipi 482

Mula sa pagkakaiba sa mga substansya nina Pedro at Pablo dapat mong maunawaan na ang lahat niyaong hindi naghahabol ng buhay ay gumagawa nang walang saysay! Nananampalataya ka sa Diyos at sumusunod sa Kanya, at kaya sa iyong puso ay dapat mong mahalin ang Diyos. Dapat mong isantabi ang iyong tiwaling disposisyon, dapat hanaping tuparin ang nais ng Diyos, at dapat na gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Dahil ikaw ay nananampalataya at sumusunod sa Diyos, dapat mong ialay ang lahat sa Kanya, at hindi dapat na gumawa ng mga personal na pagpili o paghingi, at dapat mong makamit ang pagsasakatuparan ng nais ng Diyos. Dahil ikaw ay nilikha, dapat mong sundin ang Panginoon na lumikha sa iyo, sapagka’t ikaw ay likas na walang dominyon sa iyong sarili, at walang kakayahan na kontrolin ang iyong tadhana. Magpatuloy sa pagbasa

Naririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig, at sa pamamagitan lamang ng pakikinig sa tinig ng Diyos masasalubong ang nagbalik na Panginoon

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).

“Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13).

“Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin” (Juan 10:27).

“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7). Magpatuloy sa pagbasa

Short personal testimony in tagalog | Paano Tingnan ang Iyong Tungkulin

Short personal testimony in tagalog | Paano Tingnan ang Iyong Tungkulin

Tapat na naniniwala ang pangunahing tauhan sa Diyos at masigasig na ginagampanan ang kanyang tungkulin, ngunit pinamamahalaan niya ang gawain ng iglesia na parang sarili niyang personal na negosyo iyon. Noong kinailangang ilipat sa ibang mga pangkat ang mga kapatid na sakop niya, nag-alala siya sa magiging epekto nito sa gawain ng kanyang pangkat at labis siyang sumalungat. Pakiramdam niya lagi, ang mga miyembro ng pangkat na sinanay niya ay dapat manatili at itaguyod ang gawain ng kanyang pangkat, at muli’t muli’y humahanap siya ng mga dahilan para subuking hadlangan ang mga paglipat nila. Paano siya hahantong sa pagbitaw sa kanyang pagkamakasarili, at paano niya babaguhin ang kanyang maling saloobin sa tungkulin niya? Panoorin ang Paano Tingnan ang Iyong Tungkulin para malaman.

Magpatuloy sa pagbasa