Sermon Tungkol sa Kaligtasan: Ano ang Kaligtasan

Ni Junying

Ang maligtas ng Diyos ay hindi katulad ng pagsagip. Hindi iyon tulong na ibinibigay ng mayaman sa mahirap, hindi iyon pagliligtas ng doktor sa buhay ng isang pasyente, at hindi ito ang mapagmahal na tulong ng isang mabait na tao o mapagkawang-gawang organisasyon. Ang kaligtasan ng Diyos ay inihahanda upang mailigtas ang sangkatauhan at ito ay nag-uumapaw sa dakilang pag-ibig at awa ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang pagtamo nito ay nangangahulugan na nagawa nating matanggap ang kaligtasan ng Diyos, sundin ang Kanyang kasalukuyang mga salita at gawain, isagawa ang mga salita ng Diyos, sumunod sa paraan ng Diyos, gayundin ang gawin ang mga bagay at pakilusin ang ating mga sarili ayon sa Kanyang mga kinakailangan. Ito lamang ang tanging paraan upang matamo natin ang kaligtasan ng Diyos.

Sa buong buhay natin ay bibigyan tayo ng maraming oportunidad ng Diyos upang matamo ang Kanyang kaligtasan, ngunit upang makuha iyon ay dapat muna natin iyong kilalanin at tanggapin. Kung hindi, mawawala sa atin ang pagkakataon tulad ng ginawa ng mga hangal na dalaga, at habambuhay natin itong pagsisisihan. May ilang maaaring magsabing: “Kapag nawala na ang pagkakataon, wala na iyon. Hindi na iyon mahalaga.” Ngunit totoo ba iyon? Dapat muna nating maintindihan ang katotohanang ito: Ang mapalampas ang kaligtasan ng Diyos ay hindi tulad ng pagpapalampas sa isang malasang pagkain o gaya ng maiwan ng bus, hindi rin ito tulad ng pagpapalampas sa pagkakataon na makapag-aral pa o isang bagong trabaho. Sa halip, ito ay tulad ng isang taong nakulong sa isang nasusunog na gusali na walang tumutulong na bumbero; ito ay tulad ng isang taong nalulunod na nabigong kumapit sa isang piraso ng kahoy. Malinaw na kung magagawa nating tanggapin at matamo ang kaligtasan mula sa Diyos ay direktang nauugnay sa napakahalagang mga isyu ng kung magagawa ba nating matamo ang pagsang-ayon ng Diyos, at maligtas at pumasok sa kaharian ng langit. Nakakapangsisi, nakakaawang bagay ang mapalampas ang kaligtasan ng Diyos. Lubhang napakahalaga sa ating lahat ang malaman at matamo ang kaligtasan ng Diyos! Dahil napakahalaga nito, intindihin naman natin ang kaligtasan ng Diyos mula sa Kanyang gawain at saliksikin kung paano natin iyon matatamo!

Magpatuloy sa pagbasa