Ni Jinze, Tsina
Sa huling pagtitipon, tinalakay ni Pastor Ma ang tungkol sa dalawang talatang ito: “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Sabi niya: “Mga huling araw na ngayon, at ang mga propesiya ng pagparito ng Panginoon ay pangunahing natupad na. kaya dapat tayong magpatuloy sa matinding pagpapagal para sa Panginoon, pumaroo’t parito at mas higit na maglaan, at sa ganitong paraan, madadala tayo sa kaharian ng langit sa pagpapakita ng Panginoon. Naalala ko noon nang wala pang mga simbahan dito, tanging iilang mga kapatid ang sumusunod sa Panginoon. Kaya nagsimula akong pumaroo’t parito sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoon. Hindi alintana kung maulan, mahangin, o nagniniyebe, walang makapipigil sa akin; minsan nawawalan na ako ng oras upang anihin ang mga pananim. Pinagtatawanan ako ng ilang mga di-mananampalataya, pero wala akong pakialam, dahil alam kong inaaprubahan ako ng Panginoon, at na ito ang paghihirap na dapat kong pasanin upang makapasok sa kaharian ng langit. …” Sa pagdinig sa pagbabahagi ni Pastor Ma, lahat ng mga kapatid ay nagpakita ng matinding paghanga sa kanya, at lihim akong nakaramdam ng kasiyahan sa sarili ko, iniisip: “Simula nang maniwala ako sa Panginoon, ginagawa ko ang pinakamatinding pagsasakripisyo at naglalaan para sa Kanya. Mukhang ang paghihirap ko ay hindi mauuwi sa wala.”
