Sa panahon ngayon, kumakalat ang pandemya sa buong mundo. Maraming tao ang namamatay sa buong mundo at marami pa ang nasa patuloy na estado ng pagkatakot, nakakaramdam na ang mga malalaking sakuna ay sumasaatin. Walang nakakaalam kung hanggang kailan magtatagal ang pandemyang ito o kung ilang buhay ang kukunin nito. Gayunpaman, ang mga naniniwala sa Diyos, ay alam sa kanilang mga puso na ang lahat ng mga bagay ay nangyayari nang may pahintulot ng Diyos, at talagang walang mangyayari nang wala ito. Kaya’t ano ang kalooban ng Diyos sa pagpapahintulot na sumapit sa atin ang mga kalamidad na ito?
Magbalik-tanaw sa Kasaysayan at Hanapin ang Kalooban ng Diyos
Naitala sa Lumang Tipan na ang mga tao sa Sodoma ay masasama, malaswa, at tiwali, at ang lungsod ay puno ng pagnanasa ng pagdanak ng dugo at pagpatay, lubha hanggang sa ninais pa ng mga tao roon na pumatay ng mga anghel. Hindi kailanman sumapit ang pagsisisi sa kanila, at sa gayon ay nagpaulan ng apoy ang Diyos sa kanila mula sa langit at nawasak silang lahat. Gayunpaman, ang mga bihasa sa Biblia, alam na bago nagpadala ang Diyos ng kalamidad sa lungsod, humiling si Abraham sa Diyos sa ngalan ng Sodoma. Narito ang isang bahagi ng talaang ito mula sa Biblia: “At sinabi ni Jehova, Kung makasumpong Ako sa Sodoma ng limampung banal sa loob ng bayan, patatawarin Ko ang buong dakong yaon, alang-alang sa kanila. … At sinabi niya, … kung sakaling may masusumpungan doong sangpu. At sinabi Niya, Hindi Ko lilipulin, alangalang sa sangpu” (Genesis 18:26–32). Ang mga talatang ito ay hindi lamang ibinubunyag ang matuwid na disposisyon ng Diyos, sa halip mas higit na nagbibigay sa atin ng kahulugan ng dakilang awa at kahinahunan ng Diyos. Iniligtas sana ng Diyos ang Sodoma kung may sampung matuwid na tao lamang na natagpuan. Sa kabila ng pagiging malalim na pagkatiwali at masama ng mga tao, inaasam pa rin ng Diyos na magsisi sila. Ito ay isang masakit na katotohanan na kahit sampung matuwid na tao ay hindi matagpuan sa gayon kalaking lungsod, at kaya sa huli ay walang pagpipilian ang Diyos kundi sirain ito.
Ang mga taong namumuhay ngayon sa mundong ito, na puno ng mga tukso, ay mas masahol pa kaysa sa mga tao sa Sodoma sa mga nakaraang taon. Ang mga tao ngayon ay ginawang tiwali ni Satanas sa sukdulan: Gustong-gusto nila ang kasamaan at iniibig ang kawalan ng katarungan; ang daigdig ay napuno ng karahasan at pangangalunya, at makikita mo ang mga karaoke bar, foot massage parlor, hotel, at mga dance club saanman sa mga pangunahing lansangan at eskinita. Ang mga nasabing lugar ay puno ng kasamaan at kalaswaan. Ang bawat isa ay nabubuhay upang kumain, uminom, magsaya, at magpakasawa sa mga pisikal na kasiyahan, imoral sa sukdulan. Walang pag-ibig sa pagitan ng mga tao, sa halip lahat ay nandaraya, nakikipaglaban at nakikipagtalo sa bawat isa para sa katayuan, katanyagan at kapalaran; nanloloko at naglalabanan laban sa isa’t isa, at nakikipag-away pa para sa pera at pakinabang. Ang buong sangkatauhan ay nabubuhay sa ilalim ng pamamahala ni Satanas, at walang sinuman ang may pagmamahal para sa mga positibong bagay, o naghahangad ng liwanag, o lumalapit upang tanggapin ang biyaya ng kaligtasan ng Diyos. Kahit pa ang mga mananampalataya ay nabubuhay sa paulit-ulit na pagkakasala at pagkukumpisal, ganap na hindi magawang sumunod sa mga aral ng Panginoon. Napapalayo sila hanggang sa pagsunod sa mga makamundong uso at maghangad ng kasiyahan ng laman. Kahit na alam nilang sila ay nabubuhay sa kasalanan, hindi pa rin nila maiwaksi ang mga gapos ng kasalanan—ang kanilang mga puso ay napalayo sa Diyos. Hindi ba’t ang buong sangkatauhan, nagawang tiwali sa sukdulan, matagal nang umabot sa puntong dapat na silang nawasak?
