Alam Mo Ba Kung Nasaan ang Kaharian ng Diyos?

Kapag natatanong kung nasaan ang kaharian ng Diyos, karamihan sa mga tao ay sumasagot, “Sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Sapagka’t Ako’y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung Ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto Ako, at kayo’y tatanggapin Ko sa Aking sarili; upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon’ (Juan 14:2–3). Yamang ang muling pagkabuhay ni Jesus at pag-akyat sa langit ay upang maghanda ng lugar para sa atin, kung gayon ang lugar na inihanda para sa atin ay nasa langit—ang kaharian ng Diyos ay dapat nasa langit.” Totoo na sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay maghahanda ng lugar para sa atin, subalit sinabi ba ng Panginoon na ang lugar para sa atin ay nasa langit? Naaayon ba ang gayong pagkaunawa sa kalooban ng Panginoon? Katunayan, hindi malinaw na sinabi sa atin ng Panginoon kung ang kaharian ay nasa langit. Gayunpaman, ipinagpalagay natin na ang kaharian ng Diyos ay nasa langit batay lamang sa talatang ito—hindi ba ito basta-bastang pahayag? Hindi ba ito maling paniniwala? Kung nais nating malaman kung nasaan ang kaharian ng Diyos, dapat tayong magsaliksik at magsiyasat sa maraming aspeto. Sa ibaba, pag-aralan natin ang Biblia at makita kung nasaan ang kaharian ng Diyos.

Magpatuloy sa pagbasa