Tagalog Christian Song | “Nagbalik na ang Diyos na may Tagumpay”
Ⅰ
Diyos Mismo’y nakaharap sa sansinukob,
sa Silangan Siya ay nagpakita na!
Sino’ng nangangahas ‘di lumuhod at sambahin Siya?
Sino’ng nangangahas ‘di Siya tawaging totoong Diyos?
Sino’ng nangangahas na ‘di tingalain Siya
na may paggalang sa puso nila?
Sino’ng nangangahas ‘di magpuri’t magalak?
Naririnig ng mga tao ng Diyos ang Kanyang tinig.
O, Sion! Magalak at umawit!
Nagbalik na ang Diyos na may tagumpay!
Lahat ng tao, humanay ngayon!
Mga nilikha sa lupa, huwag kikilos!
Ⅱ
Gagawin Niya lahat para lahat
magpuri’t gumalang sa Kanya.
Ito ang Kanyang huling layon
sa 6,000 taon ng plano ng pamamahala.
Ito ang Kanyang naipasiya.
Ang mga tao ng Diyos ay babalik lahat sa bundok
ng Diyos at sa Kanya’y pasasakop.
Dahil Diyos ay may kamahalan, paghatol at awtoridad.
O, Sion! Magalak at umawit!
Nagbalik na ang Diyos na may tagumpay!
Lahat ng tao, humanay ngayon!
Mga nilikha sa lupa, huwag kikilos!
Ⅲ
Lahat madali sa Kanya.
Kayang wasakin o tuparin ng salita Niya ang lahat.
Ito’y kapangyariha’t awtoridad ng Diyos.
Walang nangangahas pigilin Siya.
Napagtagumpayan na ng Diyos lahat,
tinalo lahat ng anak ng paghihimagsik.
Nakamit na ng Diyos ang paggalang ng mga tao.
Ito’ng plano ng Diyos, simula pa ng paglikha.
Mga bundok at ilog nagbubunyi sa galak.
Wala ni isang nangangahas na umurong o umalis.
Bagay o tao, walang nangangahas lumaban.
Ito’y kamangha-manghang gawa’t kapangyarihan ng Diyos!
O, Sion! Magalak at umawit!
Nagbalik na ang Diyos na may tagumpay!
Lahat ng tao, humanay ngayon!
Mga nilikha sa lupa, huwag kikilos!
O, Sion! Magalak at umawit!
Nagbalik na ang Diyos na may tagumpay!
Lahat ng tao, humanay ngayon!
Mga nilikha sa lupa, huwag kikilos!
Nagbalik na ang Diyos na may tagumpay!
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Rekomendasyon:
- Filipino Christian Song | Yaong Tumatanggap ng Bagong Gawa ay Pinagpala
- Madalas na Nagaganap ang Mga Sakuna: Paano Maging Handa sa Pagdating ng Panginoon
- Tagalog Christian Song | Umaasa ang Diyos na Tunay na Magsisi ang Tao
The Daily Devotional Tagalog page provides rich devotional resources to help you get close to God every day and build a normal relationship with Him. Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!