Dapat Ba Nating Hanapin ang Panginoon sa Pamamagitan ng Ating Tenga o Paningin Upang Salubungin ang Kanyang Pagbabalik?

Ang mga huling araw ay narito na, kaya paano natin masasalubong ang Panginoon? Batay sa nakasulat sa Aklat ng Pahayag, naniniwala ang ilan na ang Panginoon ay babalik sa Kanyang muling nabuhay na espirituwal na katawan at magpapakita sa sangkatauhan sa isang ulap, kaya ang pagsalubong sa Panginoon batay sa nakikita natin ay ang pinakaligtas na gawin. Gayunman, ang ilang mga kapatid ay isinasaalang-alang ang talatang ito: “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). Naniniwala silang sinabi sa atin ng Panginoon na sa mga huling araw, magsasalita Siya upang kumatok sa ating mga pintuan. Marami ring mga tao sa online na nagpapatotoo na nakabalik na ang Panginoon, narinig na nila ang tinig ng Diyos at tinanggap ang Panginoon. Maaari ba talaga tayong umasa sa nakikita lamang natin nang hindi nakikinig sa tinig ng Diyos? Ano ang magagawa natin upang masalubong ang Panginoon? Dapat ba nating salubungin ang Panginoon sa pamamagitan ng pakikinig sa tinig ng Diyos, o paniniwala lamang sa nakikita natin?

Ang Pinakamahalagang Hakbang Upang Masalubong ang Panginoon

Magpatuloy sa pagbasa