Sumusunod ang ilang tao sa salita ni Pablo tungkol sa paghihintay sa Panginoon para madala sa kaharian ng langit: “Sa isang sandali, sa isang kisap-mata: sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang papakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin.” (1Co 15:52). Naniniwala sila na kahit patuloy pa rin tayong nagkakasala nang hindi umaalpas sa pang-aalipin ng pagiging likas na makasalanan, agad babaguhin ng Panginoon ang ating imahe at dadalhin tayo sa kaharian ng langit pagdating Niya. May mga tao ring sumusunod sa salita ng Diyos na: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit ” (Mat 7:21). “… Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal” (1Pe 1:16). Naniniwala sila na ang mga taong patuloy pa ring nagkakasala ay malayo sa pagtatamo ng kabanalan at lubos na hindi nararapat na madala sa kaharian ng langit. Sa gayo’y isang kamangha-manghang pagtatalo ang nagsimula …. Kaya, anong klase ng mga tao ang nararapat iangat sa kaharian ng langit? Iniimbitahan ka naming panoorin ang maikling video na ito.
Rekomendasyon:
- Unawain ang Parabula ng Sampung Dalaga Upang Maging Mga Matalinong Dalaga at Masalubong ang Pagdating ng Panginoon
- Rapture Bible Verse Tagalog: Paano Ma-rapture Bago ang Sakuna at Magpiging Kasama ng Panginoon
- Talaga bang Mababago Kaagad ang mga Tao at Mara-rapture Sa Kaharian ng Langit?
Maraming tao ang may ganitong pananaw: Napatawad tayo sa mga kasalanan pagkatapos nating maniwala sa Panginoon, upang tayo ay madala sa kaharian ng langit at makakuha ng buhay na walang hanggan sa pagbabalik ng Panginoon. Ngunit narito ang isang problema: Talagang tayo ay pinatawad mula sa kasalanan, ngunit hindi natin mapigilan ang magkasala upang kalabanin ang Diyos. Paano makakapasok ang mga makasalanan sa kaharian ng langit? Kung gayon paano tayo makakatakas sa mga kasalanan, makakapasok sa kaharian ng langit, at makakuha ng buhay na walang hanggan. Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!